Chapter 10: Observatory Test

5.4K 195 2
                                    




After running into Garnet and had our little dramatic reunion, we head towards the capital where the observatory test will be held. From what I heard from Doris, the test changes every time, for everyone not to cheat their way on the tests.


"The registration for the test already ended a while ago. Kaya–" Biglang sabi ni Garnet kaya naman napatigil ako sa paglalakad. Nang mapansin niyang hindi na niya ako kasabay ay lumingon siya sa akin. "What?"


"T-Tapos na?" Natawa siya sa reaksyon ko agad kaya sinamaan ko siya nang tingin. "Anong nakakatawa?!"


Lumipas ang ilang segundo bago siya matapos na pagtawanan ako. "Alam ko na agad kung ano yung iniisip mo, Cine."


Pinigilan ko ang sarili ko na sugurin siya dahil doon. "Did you just purposely say that?!"


"N-No, I mean, yeah. Pero patapusin mo muna kasi ako!" He said and finally faced me. "Ang sabi ko pa lang naman ay tapos na ang registration. Hindi pa ako tapos sabihin na na-register din kita."


Hindi ko mapigilang hindi mapabuntong-hininga sa sinabi niya, saka ko siya sinuntok pero nahawakan niya agad ang kamao ko.


"Don't ever scare me like that again," I emphasized what I said as I jokingly punched him on his shoulder.


Nagpatuloy na kami sa paglalakad, maraming mages ang nasa labas ngayon at karamihan sa kanila ay mga bata o di kaya ay mga kasing-edad namin na paniguradong sasali rin sa observatory test, mages like us who wanted to take this once in a lifetime chance to enter the prestigious magic academy of Saerromia. Kabi-kabilaan ang mga taong nagte-training habang hindi pa nagsisimula ang test, mga nagpapakitang-gilas dahil baka sakaling may makakita sa kanila na galing sa academy, at iba pa na nanonood at nakikinig sa mga nangyayaring kaganapan.


I suddenly felt a presence near me and I saw a child falling from a two-storey house. My feet moved on their own and jumped to catch the kid and landed safely on the ground. Tinayo ko nang maayos ang bata at nakitang pamumutla at panginginig nito dahil sa takot.


"It's okay, you're safe now," I tried to caress her head to make her feel that everything's alright.


Dahan-dahan naman niyang tinango ang ulo niya at saka pinunasan ang mga namumuong luha sa mata niya. She looked at me with grateful eyes and almost wanted to hug me but it looked like she was preventing herself.


"S-Salamat, Ate..." Her voice was low and sounded frightened. I gave her a reassuring smile.


Nakaramdam ako ng ibang presensya na papalapit sa amin kaya napalingon ako sa aking likuran. Naaninag ko ang isang tao na galing sa loob ng bahay kung saan bumagsak ang bata. Hinarang ko ang kamay ko sa bata, prepared if it might do something funny. Pero agad akong natigilan nang makita ko ang mukha ng lalaking tumigil sa harapan namin. Bahagya rin siyang natigilan nang makita ako, marahil ay namukhaan niya rin ako.


"Raven?" My voice came as a whisper because I didn't expect to see him here.


The Princess of the Forgotten Tale (Frozen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon