BAKIT PA AASA?
Bakit pa ako aasa sa'yo?
Kung sa huli naman ay di pa rin ako magiging iyo
Sabi mo na ang aking puso ay iyong poprotektahan
Pero paulit-ulit mo pa ring nasasaktan
Nasaan ang hustisya mo?
Baka nasa taong mahal mo?
Takot ka na masaktan siya
At ano ako magiging masaya?
Di porket alam mong ikaw ay aking mahal
Pwede mo nang gawin ang puso ko na pagal
Pagal sa kakaasa
Na balang araw ako'y iyong prinsesa
Hindi ko lang maintindihan
Ginagayuma mo ba ang aking nararamdaman?
Kasi kahit ako'y nasasaktan
Nakuha mo pa ang aking puso na maging ganyan
Umaasa pa rin kahit nadudurog
Sana dumating ang oras na ikaw naman ang madurog
At sana doon sa taong sobra-sobra mong mahal
Maranasan ang pait ng ginawa mo sa aking naging hangal na puso ng ika'y minahal
*****
BINABASA MO ANG
Realidad Ng Buhay At Pag-ibig
PoetryUmasa? Pinaasa? Binalewala? O sige lahatin na natin. Nasaktan ka. Pero bakit nga ba? Alam mo ba kung bakit? Oo nga tama. Minsan tayo rin naman mismo ang gumagawa ng kutsilyo na makakasakit sa atin. Yung mga pagkakataon na gagawin natin ang lahat par...