PAGPAPAHALAGA
Okay na ako simula nang ika'y umalis sa aking tabi
Wag ka mag-alala, sa aking puso isasantabi
Mga panahon na ako'y iyong pinahalagahan
Kahit labag man sa iyong kalooban
Heto ako ngayon iniiyakan ka
At ipinagdarasal ka
Sana ikaw ay maging masaya
Sa piling niya
Huwag mo sanang isipin
Na ika'y basura na pagkatapos kitang mahalin
Araw-araw at gabi-gabing ginawa ng Diyos
Hindi ako nagsasawang banggitin at isigaw ang iyong pangalan hanggang sa mapaos
Nagmove-on lang ako sa'yo
Pero may pagpapahalaga pa rin akong natitira para sa'yo
Isa ka sa mga taong naging mahalaga sa buhay ko
Kaya maraming salamat at naging parte ka ng buhay ko
*****
BINABASA MO ANG
Realidad Ng Buhay At Pag-ibig
PoesiaUmasa? Pinaasa? Binalewala? O sige lahatin na natin. Nasaktan ka. Pero bakit nga ba? Alam mo ba kung bakit? Oo nga tama. Minsan tayo rin naman mismo ang gumagawa ng kutsilyo na makakasakit sa atin. Yung mga pagkakataon na gagawin natin ang lahat par...