15

931 1 0
                                    

HAIKU


ARAL MUNA

Mahal na kita

Ngunit mas mahalaga

Ang makapasa


NOON AT NGAYON

Libro ang dala

Lumipas ang panahon

Cellphone ang hawak

----------

KONSENSYA

Sangkap ng ating pagkatao na umuusig sa ating budhi at ugali

At humuhusga sa atin kung ano ang tama at mali

Simula nang tayo ay isilang sa mundong ating ginagalawan

Itinanim na ito ng Diyos sa ating puso at isipan



Ito ang dahilan kung bakit ang ating puso ay may taglay na kabutihan

At ang isip naman natin ay may taglay na karunungan

Kaya iilan sa mga tao kahit sabihin mong gaano pa sila kasama

Kaya pa rin nilang gumawa ng tama



Kadalasan nakakalimutan ng maraming tao ang tunay nitong kahulugan

Dahil sa kasakiman at kahinaan

Na nagreresulta ng kasalanan

Na sa huli rin ay kanilang pananagutan at pagsisisihan


*****


Realidad Ng Buhay At Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon