9

1K 3 1
                                    

REALIDAD

Napakasaya ko ngayon

Dahil nangyari na rin ang pinapangarap ko lang noon

Sa wakas naging tayo na rin

Bagay na akala ko hindi na ata mangyayari kahit si kupido pa ay pilitin



May humaplos sa aking mukha

Isang katotohanan na masakit dahil ito'y panaginip nasa sa akin ay agad na kinuha

Nangangarap lang pala ako

Iniisip na mamahalin mo ako



Pero sa realidad ng mundo

Napakalayo mo at napakahirap mong abutin dahil iba ang iyong mundo

Mundo na mas magpapalago sa iyong buhay

Sapat na sa akin kahit nakikita lang kita sa bahay



Nakikita sa aking telepono habang nakangiti

Wag kang mag-aalala sapagkat sa huli

Kahit isa lamang akong taong hanggang pangarap na lang kanina

Magiging inspirasyon pa rin kita sa tuwina

*****


Realidad Ng Buhay At Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon