Special Chapter II

1K 2 0
                                    

REALIDAD NG BUHAY

So here we go! Pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa realidad ng buhay. Marami sa atin ngayon ang naiistress dahil madami tayong kinakaharap na pagsubok. Lalo na ngayong may kumakalat na COVID-19. Marami ang nahihirapang lumabas para bumili ng mga pangangailangan nila para sa bahay. Maraming frontliners na rin ang isinakripisyo ang buhay para lang sa pandemic ngayong 2020.


Minsan may pagkakataon na maitatanong mo kay God kung bakit kailangan pa mangyari ito, bakit kailangan maraming mamatay. Well, it's the reality of our lives, and we can't do anything about it. Except, accept it. Parang sa pag-ibig lang. Hangga't hindi mo tinatanggap na wala na kayo ng jowa mo o hindi ka crush ng crush mo, at patuloy ka pa ring tumatakas sa realidad at naniniwala sa mga kasinungalingan, mas lalo ka lang masasaktan.


Sabi nila mas maganda daw maniwala sa kasinungalingan dahil hindi ka masasaktan, kesa sa katotohanan na sinasampal ka sa sakit. Hindi yun totoo. Mas maganda nga na sampalin ka na lang sa katotohanan,eh. Kasi, mahirap man tanggapin at least totoo. Kesa nga naman takasan mo yung realidad, di ba?


Ako, namatay ang tatay ko bago ako ipinanganak sa mundong ito. Lumaki akong walang ama. Masakit man tinanggap ko. Tatlo kaming magkakapatid. Sa awa naman ng Diyos, kahit nanay na lang namin ang nagtatrabaho, nabibili pa rin naman namin ang mga pangangailangan sa araw-araw. Minsan pa nga tinatanong ko ang sarili ko, bakit kasi kailangan wala akong tatay, bakit kasi kailangan mahirap lang kami. Pero ito ang realidad ng buhay ko eh. Mababago ko ito kung magsisikap ako. Kaya ang kailangan ko lang gawin ay tanggapin at harapin ang hamon sa buhay ko at magsikap makapagtapos ng pag-aaral. Sa inyo rin, sana sa mga makakabasa nito, kung ano mang imperfections niyo at mga kulang niyo tanggapin niyo iyon. At tsaka huwag kayong tumakas at matakot sa realidad. Harapin niyo lang, and fight!


Huwag dapat sumuko sa mga pagsubok na kinakakaharap natin ngayon. Kapit lang! Huwag susuko! Habang may buhay, may pag-asa. Yan ang mga salitang palaging sinasabi sa akin ng nanay ko.


Palagi rin tayong magdasal kay God dahil siya lang ang natatanging gabay natin sa araw-araw. Kung ano man ang nangyayari sa mundo natin ngayon, ay itinadhana na talaga iyon. Kaya huwag natin siyang sisihin. Minsan kasi tayong mga tao na rin ang gumagawa ng masamang realidad sa mundong ginagalawan natin.


Hindi naman sa naninira ako sa gobyerno pero gagawin ko silang halimbawa. Ang mga kurakot na nasa gobyerno. Minsan hindi nila nakikita ang realidad ng buhay ng ibang tao. Kurakot sila ng kurakot ng pera pero hindi nila iniisip yung ibang mahihirap na nahihikahos na sa buhay. Sana yung kinurakot nila, tinulong na lang nila sa mahihirap.


Ang masasabi ko lang tignan mo rin ang realidad ng buhay ng ibang tao hindi lang sa'yo. Dahil kung ikaw ang lulugar sa lugar niya at siya naman ang lumugar sa lugar mo, alam kong magkaibang relidad na rin ang makikita niyo.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REALIDAD NG PAG-IBIG AT RELASYON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REALIDAD NG PAG-IBIG AT RELASYON

Ang pinakahinihintay nating parte. So dito naman tayo sa realidad ng pag-ibig. Ano nga ba ang pag-ibig? Yun ba yung una mo pa lang siyang nakita, nagslow-motion na ang paligid at parang siya lang ang taong nakikita mo sa mundo? Ito ba yung sinasabi nilang love at first sight? Sa tingin ko hindi. Kasi ang tunay na pag-ibig, tanggap mo kung ano siya, anong meron niya at kung ano ang kulang niya. Kadalasan kasi sa mga millenials ngayon, hindi nila alam minsan ang realidad ng pag-ibig.


Magkaroon lang ng crush, pag-ibig agad. Nagkaroon lang ng jowa, pag-ibig agad. Puro lang kilig. Well, kasama naman talaga sa buhay ng umiibig yung kilig eh. Pero huwag sosobrahan. Tsaka ang tunay na umiibig, nagsasakripisyo, nagkakaunawaan at nasasaktan.


May isa akong kilalang lalaki. Nagkaroon siya ng ka mutual understanding o m.u. Yung lalaki petiks sa pag-aaral. Eh yung ka m.u niya pursigido sa pag-aaral. Palagi silang nag-aaway pagdating sa studies. Si boy minu-minuto chinachat si girl. Eh maraming kailangan tapusin na requirements dahil malapit na exam sa school nila. Nagalit si girl sa kanya, dahil daw hindi nito inintindi na nag-aaral siya tapos bigla siyang magchachat at naiistorbo siya.


Si boy naman magtatampo, tapos maglalaslas. Ang immature di ba? Kaibigan ko yung lalaking yun. Minsan nga nangangati na akong sapakin eh. Mag-away lang sila, laslas. Kung mahal niya si girl, dapat naiintindihan niya na kailangan din niyang mag-aral mabuti. Kaya ayun, binreak na siya ni girl kasi nabugnot na sa kanya. Hindi ko masisi si girl. Kasi muntik na siyang bumagsak sa isang subject niya noong naging magka m.u sila.


Ang nais kong iparating sa kuwento na ito, kapag nag-aaral pa huwag munang magjowa. Nah. Scratch that part. I mean, okay lang naman magjowa kahit nag-aaral pa pero gawin niyong inspirasyon ang isa't-isa at dapat may limits kayo. Pero mas maganda para walang pang-abala, huwag ka ng magjowa. Yun lang.


Para naman sa pumasok na sa isang relasyon o papasok pa lang, maging balanse kayo. Hindi puro puso lang at puro utak lang. Dapat both.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang realidad ng tunay na pag-ibig ay ang pagiging mapagbigay, pag-eefort, syempre may nasasaktan, may nagsasakripisyo, may pagsubok. Katulad lang sa realidad ng buhay. Mahirap at  masakit man harapin mo at huwag susuko sa mga hadlang. Laban lang!


----------------


Realidad Ng Buhay At Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon