ANG PANGARAP, PANAGINIP AT BANGUNGOT
Pangarap, dito tayo nabubuhay
Sa piling ng mga pangarap na nais nating isabuhay
Ang tuktok ng tagumpay na ninanais natin na napakahirap abutin
Ngunit nagpumilit at sinubukang kamtin
Panaginip, dito natutupad ang lahat
Ang katuparan ng pangarap na ninanais ng lahat
Nagawa mong akyatin at abutin ang langit ng tagumpay
At ang saya ay walang humpay
Bangungot, ang isang bagay na ating kinatatakutan
Dahil iyon ang pipigil sa lahat ng ating isasakatuparan
Inalis ka sa iyong kinatatayuan
At ang nakita mo ay kabaligtaran
Ang langit ay pinalitan ng impyerno
At ang mapayapang musika ay naging boses ng mga diyablo
Kumukulong apoy ay susunog sa iyo
Sa tulad mong nagpupumilit abutin ang di para sa'yo
*****
BINABASA MO ANG
Realidad Ng Buhay At Pag-ibig
PoésieUmasa? Pinaasa? Binalewala? O sige lahatin na natin. Nasaktan ka. Pero bakit nga ba? Alam mo ba kung bakit? Oo nga tama. Minsan tayo rin naman mismo ang gumagawa ng kutsilyo na makakasakit sa atin. Yung mga pagkakataon na gagawin natin ang lahat par...