12

1K 3 0
                                    

PATAWAD

Napakaganda ng nakaraan

Nakaraang hindi na pwedeng balikan

Paano mo nga ba nakalimutan ang ating mga pinagsamahan?

Pinagsamahan natin na walang hanggang nakabaon sa aking isipan



Sana man lang sinabi mo sa akin

Na nagbago ang iyong pagtingin

Para hindi na ako umasa pa rin

Na sa huli ako pa rin ang iyong mamahalin



Siguro nga may ibang taong na sa atin ay nakalaan

At kahit pa paulit-ulit ko pang gawan ng paraan

Alam kong hindi ko mababago ang tadhanang tayo'y pinaglaruan

Kaya tinatanggap ko kung ako'y iyong iniwan



Noong una hindi ko pa naintindihan

Kung bakit kailangan pa nating palayain at iwanan

Ang taong mahal natin

Para lang sa ikabubuti nating dalawa at lahat ng tao sa paligid natin



Alam kong masaya ka na sa kanyang piling

Kaya sa aking huling hiling

Sana'y huwag mong pagsisihan ang lahat

Patawad, paalam at salamat sa lahat


*****

Realidad Ng Buhay At Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon