ALAALA
Dedicated to my best friendMga bagay na hindi naglalaho lumipas man ang daang taon
Sana naman maalala mo kahit sa isang pagkakataon
Mga pinagsamahan natin kahapon
Na higit pa sa pitong taon
Hindi ko pa rin nalilimutan
Ang araw na iyong pangalan ay aking nalaman
Kaso umiiyak ka naman
At noong araw na iyon ika'y aking pinatahan
Hindi ko inaasahan
Ikaw ay aking naging kaibigan
Kaibigang karamay at natatakbuhan
Na para bang wala nang katapusan
Nagturingan tayong parang tunay na magkapatid
Nagtutulungan ibangon ang isa't-isa sa tuwing mapapatid
Mga hadlang sa ating pagkakaibigan
Ay palagi nating nalalampasan
Ngunit isa ata iyong malaking kasinungalingan
Dahil nagkaroon ka na nang mga bagong kaibigan
At ako'y iyong binalewala at iniwasan
Na para bang wala tayong pinagsamahan
Palagi kong tinatanong sa aking isipan
Ano ba ang aking naging kasalanan para ako'y iyong iwasan?
Oo nga pala, may bago ka na palang kaibiganAlam mo bang ako'y nasasaktan?
Dahil ang magagawa ko na lang ay ingatan
Ang lahat ng ating pinagsamahan
Alaala na lang ang matitira
Na kailanman hindi masisira
---------Quote: "Friendship is like a violin; the music may stop now and then, but the strings will last forever."
-Anonymous
*****
BINABASA MO ANG
Realidad Ng Buhay At Pag-ibig
PuisiUmasa? Pinaasa? Binalewala? O sige lahatin na natin. Nasaktan ka. Pero bakit nga ba? Alam mo ba kung bakit? Oo nga tama. Minsan tayo rin naman mismo ang gumagawa ng kutsilyo na makakasakit sa atin. Yung mga pagkakataon na gagawin natin ang lahat par...