Chapter 03

201 6 0
                                    

Natasha POV

HINALIKAN ko sa pisnge si Mom pagkauwi ko,"mom nasaan yung impaktong kapatid ko?,"agad kong tanong kay Mom.

Hindi ko pa pala nasabi sa inyo na sa Leigh Academy nag-aaral yung impakto kong kapatid,makikipag feeling close muna ako sa kanya at magtanong tanong patungkol sa kapatid ni Miss Dean.

"His in his room honey,"tinanguan ko lang si mom at umakyat na sa ikalawang palapag ng bahay namin kung nasaan ang kwarto ng impakto kong kapatid.

Without knocking pumasok ako sa kwarto nya,nakahilata lang sya sa kama nya at nagbabasa ng libro.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at iniwasang makagawa ng ingay,dinakma ko ang mga paa nya tyaka sya hinila na dahilan para mahulog sya sa kama,"problema mo garapata?,"inis na ani ng impakto.

"May itatanong ako sayo impakto,"hinila ko yung upuan na nasa isang sulok ng silid ni impakto,"kilala mo ba yung tagapagmana ng paaralan nyo,"nakalimutan ko yung pangalan eh.

"You mean Yuan Leigh?,"tanong nyo pabalik sa akin na masama parin ang tingin,tumango ako,"paano mo nakilala yun?binabalaan kita garapata layuan mo sya."

"Diba ako yung naunang nagtanong kaya pwede bang sagutin mo muna ako?,"ani ko na may pagkasarkastiko sa boses.

"Si Yuan Leigh kilala bilang malupit na gangster sa campus namin,kinatatakot sya ng lahat at walang gustong kumalaban sa kanya,"panimulang saad ni impakto,kaya pala ang angas ng dating nya kanina,"kapag kinalaban mo sya mauubusan ka talaga ng dugo dahil sa kakaenglish nya."

"Ahh okay salamat sa impormasyon mo impakto,"sambit ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Sandali sagutin mo muna ang tanong ko paano mo sya nakilala?,"pagpipigil sa akin ni impakto ng tangkain ko ng umalis sa kwarto nya.

"Sabihin nalang natin na napaglaruan kami ni kupido at nagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon,"sagot ko tyaka kinintadan si impakto at nag walk out na.

Napailing nalang ako at napapaisip na sana hindi yun magtanim ng galit sa akin.

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama,hindi ko naman talaga kasalanan kung bakit nagkaganun.

Pero hindi eh feeling ko talaga kasalanan ko na hindi makakasama ni Miss Dean yung kapatid nya.

Kaya Lord sana bigyan mo pa ako ng pangalawang pagkamataon pata itama yung mali ko.

Wow ah para ko naring sinasabing malaki ang pagkakamaling nagawa ko.

Napapailing nalang ako ng wala sa oras,wala naman na akong magagawa nangyari na eh hindi naman ako isang dyos para ibalik ang oras.

KINABUKASAN maaga akong pumasok ni hindi na nga ako nagbreakfast,wala akong ganang kumain ng agahan ngayon at hindi ko alam.

Basta nilagpasan ko nalang yung kusina,nahiwalay yata yung utak ko sa katawan ko ni hindi ko na nga alam kong anong pinaggagawa ko sa buhay ko.

The end of the world na ba?halos buong araw akong walang gana at medyo sumasama ang kutob ko.

"Miss Perez pinapatawag ka sa office ni Dean,"parang napapansin ko na, na suking suki na ako ni Dean sa office nya.

Wala na akong nagawa kundi ang pumunta roon baka kasi mahalaga ang sasabihin ni Miss Dean,"Si Miss Dean?,"tanong ko kay Miss Santos

"Nasa loob pumasok ka nalang,"hindi na ako nag-abalang kumatok at tuluyan ng pumasok sa loob ng office ni Dean.

KASALUKUYAN syang may pinipirmahan na papeles ng maupo ako sa bakanting upuan na nakaharap sa kanya,"miss Dean?,"pag-aagaw ko ng atensyon nya mula sa ginagawa nya.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon