Chapter 25

151 4 0
                                    

Natasha POV

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa pagkatok ng pintuan ng kwarto ko mula sa labas,"Sis wake up?,"napasalukbong ako sa kumot ko at sinubukang pumikit ulit para muling makatulog pero palakas na ng palakas ng pagkatok ni Nathan sa pintuan.

"Ano ba kasi yun Nathan ang aga aga nambubulabog ka ng tulog?!,"hindi ko na napigilang sumigaw at padabog na bumangon.

"Huwag ka na nga lang magreklamo sis dalian mo na dyan,diba pupunta pa tayo sa mall,"napatigil ako sa pag-aayos ng buhok ko.

Oo nga pala pupunta pala kami ni Nathan sa mall ngayon,"oo na saglit lang mag-aayos pa ako,"saad ko sa kanya at bumangon na.

"Bilisin mo at nakahain narin yung breakfast natin,"hindi na ako sumagot at dali dali kong inayos yung kama ko bago pumunta sa sariling banyo dito sa silid ko.

Ginawa ko na ang morning ritual ko bago bumaba sa sala,inilapag ko muna sa upuan yung maliit na bag pack ko na naglalaman ng mga wallet,cellphone at maliit na notebook na naglalaman ng mga bibilhin ko.

"Good morrrrnninngg NATHAAAANNN!,"sigaw ko nang makarating ako sa kusina,naabutan ko naman syang kumakain na.

"Wengya kung makasigaw ka para kang bombang sumabog,buti sana kung maganda yang boses mo tsk tsk,"I just rolled my eyes at pinandilatan sya.

Nagdasal muna ako bago kumain,"ano ba ang bibilhin mong regalo para kila mom at dad?,"tanong ko kay Nathan.

"Hindi ko pa alam,ikaw ba?,"well nakapag-isip na ako ng ireregalo ko sa kanilang dalawa,kaya hindi ako mahihirapan na tumingin tingin sa paligid at mahanap ang  magandang regalo para kay mom at dad.

"Syempre sekreto kung ano ang bibilhin ko baka kasi yun na din yung bilhin mo eh,"pagbibiro ko kay Nathan.

Pagkatapos naming kumain umalis na nga kami papuntang mall,sasakyan ni Nathan ang gamit namin at alam kong matatagalan kami dahil sa bagal ng pag-usad ng mga sasakyan,subrang traffic kasi ngayon,"hays tignan mo hindi sana tayo maiipit sa traffic kung maaga ka lang sanang nagising."

"Oo na oo na ako na ang may kasalanan,malay ko bang ganito yung traffic ngayon,"kanina pa nya ako sinisisi kung bakit kami natraffic.

Maghahapon na siguro nung makarating na kami sa mall na pupuntahan namin,"magpasalamat ka nalang dahil nakarating tayo ng ligtas diba,"ngiting ngiti kong saad kay Nathan,habang sya lukot na lukot yung noo nya dahil sa inis.

"Nakarating nga tayo pero tignan mo naman ang haggard haggard ko na,"saad nya.

Tinapik tapik ko yung balikat nya,"okay lang yan,kahit mag-ayos ka wala paring magkakagusto sayo,"natatawang saad ko kay Nathan,"yung regalo muna nila mom ang unahin natin bago yung sayo,kaya babye na,"pagpapaalam ko na sana kay Nathan ng hawakan nya ang braso ko.

"Saan tayo magkikita pagkatapos nating mamili ng regalo nila mom at dad?,"ayt oo nga pala muntik ko nang makalimutan yun.

"Dun nalang sa restaurant sa ibaba,"nandito kasi kami ngayon sa second floor,"yung restaurant na lagi nating pinupuntahan nila mom at dad."

Tumango sya,nagpaalam muna kami sa isa't isa bago maghiwalay ng landas.

Pinuntahan ko yung shop na nagbebenta ng wine.

Si dad mahilig sa wine at nangungulekta pa ng iba't ibang klase ng wine glass sa iba't ibang bansa,natawa ako ng maalala kong muntik na din pala nyang kunin yung wine glass noon sa airport buti nalang at sinuway sya ni mom.

Bumili ako ng isang wine at wine glass na tatlo na may iba't ibang design.

Pagkatapos kong bilhin yung mga yun,pumunta ako sa shop na nagbebenta ng mga bag.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon