Chapter 10

190 7 0
                                    

Natasha POV

ANG weird lang huh pero pakiramdam ko lang talaga iniiwasan ako ng ibang estudyante rito sa Leigh Academy.

Nawala narin bigla yung mga bulong bulungan nila sa akin,"ang weird,"napapailing nalang na bulong ko at nagtuloy tuloy nalang sa building namin.

Pagpasok ko si Yu na agad ang napansin ko hindi ko alam basta kapag papasok ako lagi kong chinecheck kung andun na sya sa upuan namin.

Bumaling din sya ng tingin sa akin at nakipagtagisan pa ng titig,ako nalang ang umuwis ng tingin sa kanya.

Naglakad ako papunta sa tabi nya,"whats with you just now?,"tanong nya sa akin ng makaupo na ako sa upuan ko.

"Bakit may mali ba sa akin?,"ani ko,he just frowned tyaka isinalpak ang headseat nya sa taynga nya at nakinig.

Kinuha ko yung isa,"what are you doing?,"masungit nyang tanong sa akin,hindi ako sumagot at inilagay nadin yung headseat sa taynga ko hindi yung literal na headseat basta yung inilalagay sa taynga nakalimutan ko na yung pangalan.

Hindi naman nya inagaw sa akin kaya okay lang siguro sa kanya,maya maya pumasok yung teacher namin,"good morning class,"walang ni isa ang sumagot,"for today hindi muna tayo magklaklase."

Dahil sa sinabi ni prof kaya umingay ang buong classroom lagi namang ganito ano pa ba ang aasahan mo,kapag walang klase tuwang tuwa sila,"quit class,kaya wala tayong klase dahil magcacamping tayo."

Nagtaas ako ng kamay,"yes Miss Perez?,"hindi ako inform na may camping kami ngayon.

"Sir agad agad na ba pupunta na kami sa camping area?,"tanong ko kay sir na ikinatango nya,"ano ba yan wala akong dala ni isa hindi nyo man lang ako ininform,"nagdadabog ako sa pabulong na paraan.

"Sasamahan na kita,"napalingon ako kay Yu,ang lakas ng pandinig nya ah nakakabilib,"don't look at me like that I know  I'm not cute because I'm fatally attractive."

"Ngayon ko lang ba ito sasabihin sayo Yu,ang kapal ng mukha mo,"ngayon ko lang nalaman na may pagkahangin din pala sa utak itong si Yu at sadyang mapanganib yun baka biglang bumagyo.

"What are you still doing there let's go to your house,"hindi ko napansin na nakatayo na pala si Yu.

"Bakit tayo pupunta sa bahay?anong gagawin natin dun?,"tanong ko naman.

"Kukuha tayo ng gamit mo tanga,"makatanga naman itong si unggoy,akala mo subrang matalino punong puno din naman ng kahanginan sa katawan.

Wala na akong nagawa kundi ang tumayo nalang,kasi naghihintay si kamatayan este kamahalan.

Bago kami umalis kinausap mo na ni Yu yung mga teachers na kasama sa camping namin,kung titignan mo parang nakikipag-usap si Yu sa isang business meeting,nakatayo ito ng tuwid habang nakahawak ang isang kamay nya sa hawakan ng bag nya.

Hinintay ko lang sya sa tabi ng sasakyan nya,"let's go,"maya maya ay sulpot nya,binuksan nya yung pintuan ng sasakyan nya para sa akin,pumasok naman ako.Umikot sya papunta sa likuran ng sasakyan nya para ilagay ang bag nya at naglakad sya papunta sa driver seat.

Wala kaming imikan,walang ni isa ang nagsalita,parang namaga na nga yung laway ko sa loob ng bibig ko dahil nahihiya naman akong magsalita,baka bigla na lang syang sumigaw ng quit.

Hinayaan ko nalang sya na magdrive ni hindi nga nya alam kung anong address ko,bahala sya kung mawala kami.

NAPANGANGA talaga ako ng subra ng nakarating kami sa tapat ng bahay?paano nya nalaman kung saan ako nakatira?dati ko na ba syang stalker?.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon