Chapter 07

187 6 0
                                    

Natasha POV

LINGGO ngayon araw,araw para magsimba pero alam nyo ba kung anong ginagawa ko?syempre nasa bahay nakahilata lang.

"Hoy garapata,linggo ngayon,"tumaas ang isang kilay ko,ano nanaman ba ang pakulo ng impaktong ito,"imbes na magsimba ka nakahilata ka lang dyan."

"Oh ikaw ba nagsisimba kadin?,"tanong ko sa kanya,parehas lang naman kaming dalawa na tinamad magsimba pero syempre araw araw kaming nagpapasalamat kay lord,hindi kaya nawawala ang dasal sa amin kapag nasa hapagkainan kami.

"Kahit na tumayo ka na nga dyan ang tamad tamad mong garapata ka,"ako pa talaga yung tamad.

"Bakit simula ba nung ipinanganak kang impakto ka may nagawa kana?,"makahulugang tanong ko sa kanya,umiling naman sya,"oh parehas lang tayo kaya tamad tayong dalawa,isali mo sarili mo."

Nagmartya ako papunta sa kwarto ko tyaka tumalon sa kama ko,"ano kayang pwedeng gawin?kulitin ko kaya si kamahalan?ay huwag na pala,si Kesha."

Dali dali kong kinuha yung cellphone ko,"KESHHHAAA!,"sigaw ko mula sa kabilang linya ng telepono.

'Ehh ano bang problema mo Nat?bat ka sumisigaw?,'may pagtataka sa boses ni Kesha and at the same time may pag-aalala kaya naman naisipan kung iprank sya.

"Kesha tulungan mo ako,"kunyari ay nanginginig yung boses ko para naman epektibo yung prank,"nasunog."

'Wahhh anong nangyari sayo Natttt anong nasunog?sinong nasunog?,'natarantang sunod sunod na tanong nya,gusto kong tumawa pero nagpigil muna ako.

"Yung ba-bahay na-namin Kesha na-nasunog ka-kailangan ki-kita rito,"may pautal utal effect pa akong ginawa para talagang magmukhang totoo.

'Huwatt omegeshhh papunta na ako dyan hintayin mo ako,'pagkapatay ng tawag ay tumawa ako ng subrang lakas,hindi ko narin napigilan pang maluha.

"Natt okay kalang?normal ka pa?,"nagulat ako dahil sa biglaang marahas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko,"dalhin naba kita sa mental?."

"Baka gusto mong ikaw ang dalhin ko dun?,"pinunasan ko yung luhang tumulo galing sa mata ko.Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.

Umiling iling nalang na umalis si impakto,pero maya maya lang ay bumalik sya at kasama na si Kesha na masama ang tinging ipinukol sa akin,"ang sama mo Nat."

"Heheh peace tayo Kesha hindi ko naman alam na papatulan mo talaga yung prank ko sayo,"kahit papano hindi na ako natatawa dahil naibuhos ko na lahat kanina.

"Ang sama sama mo talaga sa akin,alam mo bang muntikan na akong mabunggo kanina dahil sa pagmamadaling pumunta rito,"nagmamaktol na wika nya.

"Sorry Kesha hindi ko alam,"hinaplos ko ang likuran ni Kesha na parang kinocomfort dya,"but now i know."

"Nagagawa mo pa talagang magbiro ng ganyan,"niyakap ko nalang sya para hindi na sya magtampo pusong mamon kasi sya kaya madaling bumigay marupok kumbaga,"kung hindi lang talaga kita kaibigan."

"Sorry na best friend,"humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kanya,"nga pala kamusta na ang Willford Academy?,"tanong ko.

"Okay naman,as of now walang nangyayaring gulo dun pero yung mga kinaiinisan mo nagsasaya talaga nung malamang mawawala ka ng isang buwan,"alam ko na agad kung sino ang tinutukoy nya,yung mga gangster sa school.

"Babawi ako sa kanila pagbalik ko,"nakangising ani ko kay Kesha,pwes magsaya na sila ngayon pero next month hindi ko na sila pagbibigyan,"eh yung si Dave kamusta naman?."

"Broken hearted ako Nat may girlfriend na si Dave,"gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Kesha.

"Hindi naman yun kawalan para maging malungkot ka sa kanya, madami pang gwapo sa mundo hindi lang sya, and speaking of gwapo may ipapakilala ako sayo sa mismong booths event natin sa school,"matanong nga si Fontanoz kung single pa yun.

"Hays huwag na I'm sure one year muna ang lilipas bago ako makamove on,"dun ko na binatukan si Kesha ang OA naman nya para maging one year pa yung pagmomove on nya buti sana kung naging sila pero hanggang crush crush lang naman si Kesha,"nagbibiro lang naman ako,sana sinabayan mo nalang."

"Hindi maganda yung biro mo kaya bakit ko sasabayan and beside hindi naman naging kayo kaya bakit ka magmomove on ng isang taon aber?,"nagpout lang si Kesha sa sinabi ko.

"Nakakasakit ka na talaga Nat,"well sorry prangkahan ako kung magsalita eh,"by the way kamusta naman ang Leigh Academy?."

"Ang laki ng school tapos mga technology ang gamit nila dun,"napahiga ako sa malambot kong kama,"kasu akala ko mga matitino yung mga estudyante dun dahil desinti silang tignan pero kung tutuusin mga bobo din naman sila katulad ko."

"Bakit mo naman nasabi yan?,"ani ni Kesha at nahiga narin sa kama.

"Basta,sigurong aabutin tayo ng isang araw bago ko maikwento lahat sayo yung nangyari sa akin sa Leigh Academy,"ayoko lang talagang mag kwento dahil nga tinatamad ako.

"Eh naging close na ba kayo ni X?,"napaisip naman ako?close na nga ba kami ni Yu short for Yuan.

"Hindi ko alam,nagsusungit parin sya sa akin kaya feeling ko hindi pa,"naalala ko yung flash drive na ipinahiram nya sa akin,"pero since ipinahiram nya sa akin yung flash drive nya siguro close na kami ng ten percent lang out of one hundred."

"Ilang days nalang yung natitira para sa iyo,"may point si Kesha,kaya kailangan ko nading mag-isip ng takteka para mapaamo ko ang isang yun,"buti naman at nakikisamahan mo yung si X eh diba sya yung leader ng sinful sleepers na kilalang gangster sa academy nila."

Bakit nga ba kaya kong pakisamahan si Yu kung medyo may galit ako sa mga gangster.

Gusto nyo bang malaman kung bakit ayaw na ayaw ko sa mga gangster?it's was started when I was an highschool back there.

May isa akong kaibigan his name is Dawn,napakabait nyang kaibigan friendly din sya sa iba pa naming kaklase.

Malapit sya sa ibang tao kaya minsan madaming na-iingit sa kanya.

And one day nasangkut sya sa gulo na tinatawag nilang gang fight wala siyang kaalam alam dun,napadaan lang naman kami roon pero nadamay sya and his the one who protected me from that gang fight.

He didn't die,nacomatose lang sya at dinala si Dawn sa ibang bansa para doon nalang magparecover.

Simula noon naging haters na ako ng mga gangster,kung hindi dahil sa kanila sana nandito pa yung best friend ko.

"Hey Nat okay ka lang?,"niyakap ko si Kesha at isiniksik ang mukha ko sa braso nya,thankful ako na nandito si Kesha na pumalit kay Dawn,hindi ko alam kung anong gagawin ko kung maranasan din ni Kesha ang nangyari kay Dawn,"hoy Nat umiiyak kaba?."

Lumayo ako sa kanya at bumangon,"ako umiiyak?bakit nabasa ba braso mo?kung nabasa yun laway ko yun."

"Kadiri ka Nat,"maarting ani ni Kesha na pinupunasan yung nabasa sa braso nya,to be honest luha ko talaga iyon,"oh bat ka nanaman nakangiti?may masama kang binabalak no?."

Umiling ako at muli kong niyakap si Kesha,"bespren namiss talaga kita,"mas lalo kung hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Hala sinasapian ka na ba ngayon Nat?oh kaya mataas ang lagnat mo?,"dinampi ni Kesha yung likod ng palad nya sa noo ko,"hindi ka naman mainit kaya I'm sure sinasapian kana.KUYYYYYAAA NATHAN SI NAT PO SINASAPIAN NA."

Itinulak ko yung sarili ko palayo kay Kesha dahil sa pagsigaw nya grabe ang tinis ng boses nya,"anong nangyayari dito?,"sabay kaming napalingon ni Kesha sa pintuan.

At sabay din kaming napahalakhak dahil si impakto may dala dalang krus,"wengya mukhang dalawa na kayong sinasapian."

Nagkatingin lang kami ni Kesha at sabay na napangiti.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon