Chapter 26

163 2 0
                                    

Natasha POV

PAGLABAS na paglabas ko ng restaurant hinanap ko agad si Nathan,at nang makita ko sya tumakbo agad ako sa kanya at niyakap sya.

"Shsss okay lang yan sis,"saad ni Nathan,parang bumalik lahat ng sakit at pait na naramdaman ko.

"Ang sakit parin Nathan ang sakit sakit parin,"saad ko sa kanya,hindi parin ako sigurado sa sarili ko kung tuluyan na ba akong nakalimut.

Sa bawat araw sinusubukan kong magkunyaring masaya at nakalimutan na sila pero bakit ngayong nakita ko siya parang dumoble yung sakit na nararamdaman ko.

"Okay lang yan Sis ang mahalaga nasabi mo na sa kanya yung gusto mong sabihin,"tama naman si Nathan,dapat maging masaya na ako kasi sa wakas napalaya ko nadin ang sarili ko mula sa kamay ng lalaking yun,"umuwi na tayo,sa susunod mo nalang bilhin yung regalo ko."

Hindi na ako umangal pa at umuwi na lang.Pagkauwi ko sa bahay agad akong nagkulong sa kwarto ko.

"Sis?,"pagtawag ni Nathan sa akin mula sa labas ng kwarto ko,"pauwi na daw sila mom at dad."

Hindi ako sumagot,para akong naubusan ng lakas nung makita ko si Yu,"tatawagin nalang kita kapag nandito na sila."

Yakap yakap ko yung unang lagi kong kasama kapag umiiyak ako,naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na likido sa mata ko.

Umiiyak nanaman ako,akala ko hindi na ako muling iiyak dahil sa kanya pero bakit ganito?feeling ko talaga ang rupok ko pagdating sa kanya.

Alam kong nanginginig ang tuhod ko kanina habang nakatayo ako sa tabi ni Nathan,kaya palihim akong napahawak sa handle ng upuan kanina.

Lahat ba ng pagkukunyari kong nakalimutan sya ay mababaliwala lang lahat?.

Bakit kaya ang hina ng mga babae kapag nasasaktan sila?sila yung mas nagsusuffer kaysa sa mga lalaki.

Hinayaan ko na dalawin ako ng antok.

Naalimpungatan lang ako ng may yumugyog sa akin,tinignan ko kung sino yun at nakita ko si mom.

"Mom?,"bumangon ako tyaka kinusot ang mga mata ko.

"Honey,"niyakap ako ni mom at ganun din,niyakap ko din pabalik si mom,"naikwento sa akin ng kuya mo ang nangyari kanina sa mall na pinuntahan nyo."

Kumalas si mom mula sa pagkakayakap sa akin,"oo mom,"yumuko ako pero hinawakan ni mom ang baba ko at iniangat ang ulo ko"don't worry mom i'm okay."

Halatang hindi naniwala sa akin si mom kaya ngumiti lang ako,"hays hayaan mo nalang hon ang mahalaga nasabi mo na sa kanya ang gusto mong sabihin."

"Yes mom,simula ngayon kakalimutan ko na talaga sya ng tuluyan at hindi na ako iiyak dahil sa kanya,"ngumiti si mom sa akin.

"That's my girl,"alam kong naiipit narin sila sa sitwasyon ko ngayon kaya kailangan kong mag-adjust para hindi na sila madamay pa sa problema ko,"fix yourself honey,nasa baba yung pasalubong namin sayo."

Nauna nang umalis si mom at sumunod na ako,pagkababa ko sinalubong ako ni dad ng mahigpit na yakap,"I really miss you princess."

"Dad parang tumaba ka ah,"panunukso ko sa kanya at pinisil pisil pa yung bilbil nya.

"Kung alam nyo lang hindi tumitigil ang daddy nyo kakakain kaya ako na yung nahihiya para sa kanya,"tumawa kaming tatlo nila mom.

"Hindi ko na kasalanan yun wifey,"nagkatingin kami ni Nathan.

"Nakakadiri kayo,"sabay naming saad ni Nathan,tyaka sabay na tumawa.

KINABUKASAN pagkapasok na pagkapasok ko palang sa school ay pinapatawag na ako ni Miss Dean.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon