Chapter 19

157 3 0
                                    

Natasha POV

MABILIS akong nagbihis ng damit panlakad sa kwarto ko para naman hindi maghintay ng matagal sa akin si Yu,nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt at pantalon na tinernuhan ng itim na robber shoes tsaka ko isinuot yung sling bag na naglalaman ng phone at wallet ko.

Nag-apply lang ako ng light make up at iwinagwag ang mahaba kong buhok.

Bumaba na ako sa sala at naabutan ko si Yu na nakaupo sa sofa,nakasuot sya ng puting long sleeve at pantalon,he was wearing a black robber shoes.

"Ano tara na?,"tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa puwesto nya,"mom aalis na po kami,"pagpapaalam ko kay Mom.

Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa bus stop,napag-usapan kasi namin na hindi na kami magdadala ng sasakyan para mas ma-enjoy namin ang araw na ito.

Nasa likuran ko si Yu dahil medyo mainit yung puwesto namin habang naghihintay kami ng masasakyan, sya na ang nagsilbing silungan ko.

Itinaas ko muna yung dalawang kamay ko dahil nangangalay na sa kahihintay nang biglang hinawakan ni Yu yung laglayan ng damit ko at ibinaba ito,hindi ko alam na nakita na pala yung puson ko.

Hawak hawak nya parin yung laylayan ng damit ko hanggang sa pumasok kami sa bus na sasakyan namin.

Umupo kami sa bakanting upuan,at naghintay na umandar yung bus,pero isang matandang babae ang pumasok at tumingin tingin sa paligid kung may bakanti pa bang upuan.

Pero wala man lang nagpresintang tumayo para ibigay sa matandang babae yung upuan nila.

Nagulat ako ng hawakan ni Yu,yung baywang ko at binuhat ako pakandong sa kanya,"lola dito na po kayo,"maya maya ay sabi niya sa matanda.

Itinakip ko nalang yung sling bag ko sa mukha ko dahil sa kahihiyan at alam kung subrang nangangamatis na yung mukha ko.

"Hindi ka ba nangangalay?,"tanong ko kay Yu,umiling naman sya bilang sagot.

"Paano ako mangangalay eh ang gaan gaan mo naman,"hinampas ko ng mahina ang braso nya.

Nang makarating ang bus sa distenasyon namin,agad kaming bumaba at tinutungan pa ni Yu na buhatin yung gamit nung matandang babae na katabi namin kanina.

"Salamat hijo,"saad ng matandang babae at naglabas ng bente pesos,"heto para sa iyo."

Umiling naman si Yu at ngumiti lang,"huwag na po lola sa inyo nalang ho iyan hindi po kasi ako tumatanggap ng kahit anong barya kapag may natutulungan ako,"inilabas ni Yu ang wallet nya at binigyan ng pera ang matanda,"heto sa inyo narin ho ito baka magkulang kayo sa pera."

"Aba hija napakaswerte mo naman at itong binatang ito ang napangasawa mo,"nag-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa,napapansin kung madalas na akong pamulahan ng pisnge lalo na kapag kinikilig.

Naglibot libot lang kami sa mall at hindi namang maiwasang pinagtitinginan kami ni Yu,ay mali pala si Yu lang ang tinitignan nila.

Iniwan ko muna si Yu sa labas ng isang store dahil may bibilhin ako pero pagbalik ko may katabi na syang mga babae.

"Sorry ladies but my girl is more than pretty than yours,"naglakad sya papunta sa akin at inakbayan ako, bago kami tuluyang mawala sa paningin ng mga babaeng lumapit kay Yu,pinanditalan ko muna silang lahat.

"Ano kayang pwede nating gawin para maubus ang oras natin sa kakaibang paraan Yu?,"kasalukuyan kaming kumakain ng ice cream dito sa labas ng mall habang pinapanood yung mga taong naglalakad sa harap namin.

"I have an idea,"saad ni Yu,"but let's watch a movie first."

HININTAY ko nalang si Yu na makabili ng tickets at hinayaan ko nalang na sya na mismo ang pumili ng movie na panonoorin namin.

"Let's go,"hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papasok sa sinehan,nakapagtataka kunti lang kasi ang tao.

Umupo kami sa bandang likuran,nagsimula na yung palabas at introduction palang gusto ko nalang lumabas,"bakit hindi mo sinabing horror ang panonoorin natin?,"tanong ko sa kanya pero hindi sya nagsalita,"AHHHHH!,"sigaw ko ng biglang may lumabas na mukha ng babae sa screen.

Gustong gusto ko na talagang lumabas kaso natatakot naman ako, lalo nat madilim pa naman ang sinehan,kaya niyakap ko nalang si Yu at isinubsob yung mukha ko sa balikat nya.

Hindi ako gumalaw o kahit tumingin manlang sa screen dahil feeling ko talaga nakakatakot yung pinapanood nila dahil narin sa sigaw pa ng ibang manonood.

Pagkatapos ng horror movie tyaka lang ako gumalaw at tinignan ng masama si Yu nang sa wakas ay lumiwanag na ang buong paligid,"sinadya mo yun no?,"naiinis na tanong ko sa kanya.

"I thought that you are not scared of horror movies and beside hinayaan mo akong ako ang pumili,"hays oo na kasalanan ko nanaman,"don't worry sa susunod ikaw naman ang pipili."

"Talaga?,"parang naglahong parang bula ang inis ko kay Yu.

"Yap I promise,"ginawa pa namin yung pinky promise na kadalasang ginagawa ng mga bata sa panahon ngayon,"so saan tayo ngayon pupunta?."

MANIWALA man kayo o hindi kasalukuyan kaming nagbibigay ng mga pagkain ni Yu sa mga taong nangangalakal sa mga basurahan.

"Bakit ba ang bait bait mo Yu?,"hindi naman sa nagrereklamo ako pero humahanga lang ako sa kanya.

"Susulitin ko ng makatulong hanggang kaya ko pa,"nakangiting sagot nya,sa paraan ng pagkakasabi nyang yun parang ang lalim ng kahulugan para sa akin.

Hindi nalang ulit ako nagtanong at tumulong nalang ako sa pagbibigay ng mga pagkaing binili namin kanina.

Pabagsak akong napaupo sa bench dito sa park na hindi kalayuan sa mall na pinuntahan namin ni Yu.

Mag-isa lang ako dahil may binili pa si Yu na hindi ko naman alam kung ano,"ate oh,"isang pulang rosas ang iniaabot ng batang lalaki na bigla nalang sumulpot sa harap ko.

Kahit naguguluhan ako ay kinuha ko nalang sayang naman mukhang bagong bili pa,"hello ata para sayo,"isang batang babae ulit ang nagbigay ng bulaklak.

Hanggang sa padami na sila ng padami,"Miss bulaklak para sayo,"ngumiti ako na tumingin sa lalaking may hawak na bulaklak.

Kinuha ko ito at tumayo mula sa pagkakaupo at niyakap si Yu,"salamat sa mga bulaklak mo Yu."

Natawa naman sya ng wala sa oras at niyakap din ako pabalik,"your always welcome."

Umupo kaming dalawa sa bench at isinandal ko yung ulo ko sa balikat nya,"sana hindi na matapos ito Yu,I'm already contented lalo na at kinompleto mo na ang kulang sa buhay ko."

"Everything had a limit Tasha but I promise walang magbabago,"pinaglaruan ko muna ang mga daliri nya.

"Thank you sa lahat lahat Yu,I will never forget everything lalo na yung mga araw na kasama kita,I will keep those memories til death,"ani ko sa kanya.

"Me too,so we need to collect a lot of memories na magkasama tayo,"he was not my ideal man to be honest dahil sabi ko nga I will never like a gangster pero sya ang napili ng puso ko na mahalin.

Bago kami umuwi namasyal muna kami at bumili ng ilang pasalubong,"sige na baka magabihan kapa sa daan,"pagtataboy ko kay Yu,nakauwi na kami at papalubog narin ang araw.

"Okay,kita nalang tayo,"he kissed my forehead at tuluyan na ngang sumakay sa sasakyan nya,hinintay ko muna na mawala sa paningin ko yung sasakyan ni Yu bago ako pumasok.

"Kamusta naman ang date nyo?,"bungad na tanong sa akin ni mom ng makapasok ako sa bahay.

"Okay naman mom,"saad ko at iniabot yung pasalubong ko sa kanya.

Nagtuloy tuloy lang ako sa kwarto ko para makapagpahinga ng biglang may kumatok sa pintuan,"pasok,"bumukas ito at iniluwa si impakto,tahimik syang pumasok sa kwarto ko at sumandal sa pader na malapit lang sa pinto.

"Hindi naman sa ayaw ko kay Yuan sis pero mag-ingat ka parin,"ani niya sa akin,"hindi kita pipigilan at hahayaan kitang mahalin mo sya sis pero mag-ingat ka din alam mong gangster sya."

"Don't worry about me alam kong hindi ako sasaktan ni Yu,"nakangiti kong saad nagkibit balikat lang sya.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon