Chapter 24

147 4 0
                                    

Natasha POV

Two Months Later

DALAWANG buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang pagtataksil na iyon.

Dalawang buwan narin na hindi nagparamdam o nagpakita ang dalawa sa akin.

Tinanong ko si Miss Dean kung nagtransfer ba si Kesha sa ibang school at ang sabi nya oo pero sa ibang bansa,ganun din kay Yu.

Unti unti naring humihilom ang sugat ng nakaraan at nakakangiti narin ako kahit papano.

"Sis ang lalim ng iniisip mo ah?,"tanong sa akin ni Nathan,believe it or not pero hindi na impakto ang tawag ko sa kanya.

"Well I'm just thinking kung anong pwedeng iregalo sa upcoming anniversary nila mom at dad,"pagsisinungaling ko,pero tama naman yung palusot ko dahil malapit na yung anniversary nila.

"Oo nga no but before you think about their gift bakit hindi muna yung akin?,"tanong nya sa akin,graduation na ni Nathan at wala pa rin akong nabibiling regalo para sa kanya.

"Hindi ko naman alam kung anong magandang regalo sayo kaya naman sumabay ka naring bumili ng gift para kila mom at dad at para ikaw narin ang pumili ng regalo ko sayo,"nagthumbs up namin si Nathan.

Kasalukuyan kaming nagbabake ng cup cakes, bibisitahin ko yung mga bata sa orphanage na dati naming pinuntahan ni Yu.

"Saan mo ba dadalhin ang mga cupcake na ito?,"maya maya pa ay tanong nya sa akin.

"Basta huwag ka nalang magtanong and do your job,"utos ko sa kanya,hindi narin sya nagsalita pa.

Kaming dalawa lang ni Nathan ang nandito sa bahay dahil may pinuntahan sila mom at dad,and we don't know kung kailan sila makakabalik.

Pagkatapos naming gawin yung mga cupcakes,nag-ayos muna ako ng sarili ko bago pumunta sa orphanage.

Pagkababa ko sa sala,naabutan ko si Nathan na nilalantakan yung natirang cupcakes na hindi nagkasya sa box,"tulungan mo muna kaya akong dalhin yung mga cupcakes sa compartment ng sasakyan ko,"nakapamaywang na ani ko kay Nathan.

"Saglit lang naman kauupo ko palang eh,"reklamo nya,I just rolled my both eyes at nauna nang magbuhat ng mga box ng cupcakes.

"So anong oras ka uuwi?,"muntik ng mahulog yung mga box na buhat buhat ni Nathan dahil muntikan ko na syang maitulak,"muntikan na yun ah,mag-ingat ka naman sis ang lamya lamya mo parin hanggang ngayon."

"Ako pa talaga sinisi mo, eh ikaw itong ang lapit lapit sa akin at alam mo naman na nagugulat agad ako,"inis na saad ko sya kanya at sinimulang kunin yung mga box na buhat buhat nya para mailagay sa compartment ng sasakyan ko.

"Sensya naman,sagutin mo nalang yung tanong ko,"saad nya at siya na yung naglagay nung natirang box na hawak hawak nya sa compartment.

"Hindi ko pa alam pero hindi naman ako magagabihan,"isinara ko na yung pintuan ng compartment ng sasakyan ko,at nagulat ako ng pagharap ko ay pinitik ni Nathan ang noo ko,"arayy para saan yun?,"tanong ko sa kanya.

"Mag-iingat ka sa daan ah,"saad nya sa akin,hinimas himas ko kang yung noo kong pinitik nya,"bakit mo ba gustong balikan yung mga ala-alang kasama mo si Yuan?akala ko ba nakamove on kana?."

"Easy ka lang,hindi yung mga ala ala namin ang gusto kong balikan yung mga bata,"pang-aawat ko kay Nathan,"sige na aalis na ako baka magabihan ba ako sa daan mahirap na."

Hindi na nagsalita pa si Nathan ng pumasok ako sa sasakyan ko,nagmaneho ako hanggang sa makarating ako sa orphanage.

"Father Anthony andito ho si Miss Natasha,"sinalubong ako ng yakap ni Sister Ann.

"Kamusta kana sister Ann?,"sa dalawang buwan na pagmomove on ko hindi ko nakalimutan na bumisita rito sa orphanage,malaki rin ang pasasalamat ko sa mga bata dahil nabawasan ang lungkot ko noon ng dahil sa kanila.

"Okay lang naman ako Hija,"nakangiting saad ni Sister Ann.

Tuluyan na kaming pumasok sa orphanage ng makita ako ng mga bata ay nagsitakbuhan sila papalapit sa akin.

"Hello ate ganda,"binuhat ko si Ren.

"Ang bigat bigat mona Ren,"natatawa at namamanghang saad ko sa kanya.

"Oo naman ate ganda,katatapos lang naming kinain yung dala ni Kuya pogi,"sagot nya sa akin,sino naman kaya yung kuya pogi na yun?.

"Sino naman yung kuya pogi nayun?,"tanong ko sa kanya,nagtaka naman sya dahil sa tanong ko.

"Hala si Ate ganda hindi na kilala si Kuya pogi,"saad naman ni Cristina.

"Sino ba kasi yung kuya pogi na tinutukoy nyo?,"ibinaba ko na si Ren dahil nabibigat na din ako sa kanya.

"Si kuya Yuan,"sabay sabay nilang saad,kinabahan ako ng hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba.

"Pero sayang ate ganda hindi mo sya naabutan,kanina pa sila umalis,"ani naman ni Joemark.

"Ma-may kasama sya?,"tanong ko.

"Opo ate ganda isa ding magandang babae at close na close talaga sila ni kuya pogi,"kung hindi ako nagkakamali si Kesha siguro ang tinutukoy ng mga bata.

"Ah ganun ba,"saad ko nalang sa mga bata.

"Pero mas maganda ka parin kaysa dun sa babaeng kasama ni kuya pogi ate ganda,"napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Almary.

"Naku kayo ah binubula nyo pa ako,"natatawa nalang ako kahit pilit,"nga pala may dala akong cupcake para sa inyo."

Nagkasiyahan naman yung mga bata at dali dali ko silang sinamahan sa sasakyan ko kung saan andun yung mga boxes na naglalaman ng cupcake.

Tinulungan nila akong ipasok yun sa loob ng orphange at agad naman nila itong nilantakan,"ang sarap talaga ng gawa mo ate ganda,"ginulo yung buhok ni Ren habang nakangiti.

Matapos kumain ng cupcake yung mga bata nakipaglaro muna ako sa kanila at nakipagkwentuhan muna ako sa kanilang lahat pati narin kina sister Ann at father Anthony,wala silang binabanggit tungkol kay Yu,at alam kong wala silang sasabihin sa akin.

Umuwi ako na hindi maipinta ang mukha,naupo ako sa sofa at isinandal ang ulo ko sa pader,"oh may nangyari bang hindi maganda sa pinuntahan mo kaya ganyan ang mukha mo?,"dahil narin siguro sa pag-iisip kaya hindi ko nakita si Nathan na nasa harap ko lang habang nagcecellphone.

"Bumalik na sila,"saad ko sa kanya at sumeryoso naman ang mukha nya.

"Nagkita kayo?,"tanong sa akin ni Nathan,umiling ako bilang sagot,"eh paano mo nalaman na nakauwi na sila kung hindi naman kayo nagkita."

"Basta may nagsabi sa akin na kabalik na sila,"ayoko man aminin pero parang bumalik yung sakit na nararamdaman ko.

"Kung sakaling magkita kayo anong gagawin mo?,"tanong sa akin ni Nathan.

"Hindi ko pa alam at wala pa yan sa isip ko,"siguro hindi pa nga ako handang harapin silang dalawa,"pero kung sakaling magkita kami,gusto kong kausapin si Yu at makipaghiwalay na sa kanya."

Gusto ko ng maayos na hiwalayan kay Yu,dahil noong napag-isip isip kong palayain na sya kung yun naman ang gusto nya ay wala na sila ni Kesha dito sa Pilipinas.

Naisip ko nga na baka takot sila at tumakbo nalang,imbes na harapin ako at kausapin.

Halos hindi ko narin makilala ang sarili ko noon dahil sa subrang lungkot at kaiiyak.

Buti nalang at nasa tabi ko lang sila Nathan,si mom at dad,sila yung nagsilbing pader ko na pwede kong sandalan.

"Siguro ka na dyan?,"tanong sa akin ni Nathan.

Tumango ako,pero sa loob loob ko talaga gusto kong maghiganti sa kanilang dalawa at iparanas yung sakit na naramdaman ko dahil sa kagagawan nilang dalawa.

Pero inisip ko narin ang sarili ko,bakit ko pa sila guguluhin kung masaya naman na sila sa buhay nila,tama nga lang siguro si mom na hindi talaga para sa akin si Yu.

Makakahanap din siguro ako ng lalaking magmamahal talaga sa akin at hindi ako hahayaang masaktan at umiyak.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon