Chapter 01

542 6 0
                                    

Natasha Pov

YANG mga gangster na mga yan sila ang mga salut sa lipunan,isipin mo nalang sabi ni Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan pero mukhang magkaaway si Rizal at ang mundo dahil kabaligtaran yata ang nangyayari ngayon,ang kabataan na ang sumisira sa lipunan,hindi ko naman nilalahat pero marami rami nadin akong napapansin.

Hindi naman sa ayoko sa mga gangster na iyan pero naiinis lang ako sa mga mukha nilang albularyo na akala mo ikinaaastig na nila ang paglagay ng panyo sa noo nila idagdag mo pa ang earings na suot suot nila.

At yung mga garapatang nagmumukhang hipon na akala mo nakakain ng mikropono dahil sa lakas ng tili nila kapag dumadaan ang mga hambog na gangster na hindi naman dapat kinikiligan.

Kapag nakakarinig ako ng tilian ang sarap nilang ihampas sa pader para gisingin sa katutuhanang mga hambog ang pinapantasya nila.

"Nat,ang lalim ng iniisip mo ah,"maya maya'y sambit ni Kesha ang kaibigan ko rito sa Willford Academy,pareho ang kursong kinuha namin, business management because that's the course that our parents wanted,kapag tinatanong ko si Dad bat yun ang gusto nyang kurso na kabaligtaran sa gusto ko talaga,ang laging sagot nya para daw may pumalit sa kanya sa tamang panahon,merun naman yung impakto kong kapatid bakit ako pa?,"iniisip mo na naman ba ang mga gangster na iyan?."

"Exactly,hindi lang talaga ako makapaniwala na may mga ganyang klase ng tao dito sa mundo,"hindi naman talaga ako galit sa kanila basta ayoko lang sa mga ganung klase ng tao yung makikipag-away sa kunting bagay.

"Ano kaba Nat,every person has a right to live kahit ano at sino ka pa."

Dyosko ang sabihin mo pinagtatanggol mo lang yung Dave na iyon na leader ng mga hambog na gangster dito sa Campus natin.

Nostra Boys ang tawag daw nila sa grupo nila,dahil astig daw pakinggan.Astig nya yung pangalan pero yung mga miyembro tsk tsk walang kaastig astig sa kanila.

"Ano bang nagustuhan mo sa Dave na iyon?,"umiwas naman ng tingin sa akin si Kesha,wala namang gwapo sa kanya pero yung mga garapatang hipon dito sa campus kung makatili parang mabibiyak na ang mundo,willing din silang maghubad para lang mapansin ni Dave at heto namang si Dave napakafeeling,"maliban sa wala syang utak babaero pa at tyaka gusto mo nga sya pero ikaw gusto kaba?."

Pinandilatan nya ako dahil sa sinabi ko totoo naman kasi kahit anong gawing pagpapapansin ni Kesha kay Dave walang mangyayari dahil masyadong mapili ang isang yun,hanap nya yung ganda lang ang maibubuga at hindi talino,mga lalaki nga naman sa panahon ngayon ang sarap bitayin,"hays naku Nat I'm sure dahil sa pagiging haters mo sa mga gangster baka bumaligtad ang mundo sayo,"ano bang pinupunto ng babaing ito at parang masama ang pakiramdam ko tungkol dun,"baka mainlove ka sa gangster nang wala sa oras."

"Hindi yun mangyayari,kahit itaga mo pa yan sa bato,"aba mas mabuting magmahal nalang ako ng tambay kaysa sa gangster  syempre biro lang yun.Yung gusto ko sa lalaki may pinag-aralan at hindi hambog.

"Pangako nga hindi tinutupad yan pa kaya,"ang lalim naman ng hugot na yun pero wala parin akong paki.

"Miss Pres.  pinapatawag ka ni Dean,"sumulpot ang sekretarya ni Miss Dean sa puwesto namin ni Kesha dito sa cafeteria ng campus.

Ano nanaman kaya ang kailangan ni Miss Dean sa akin,hindi ko pa pala nasabi sa inyo that I'm the SSC president of Willford Academy,hindi ko nga alam kung bakit ako ang natipuhan nilang maging Pres. eh wala naman sa bukabularyo ko ang maging pangulo.

"Kita nalang tayo mamaya,"tuluyan na akong nagpaalam kay Kesha at sumunod kay Miss Santos.

Habang naglalakad napansin ko yung lalaking may earing sa isang taynga nya na bigla nalang dumura aba,agad akong lumapit sa kanya tyaka hinila ang isang taynga nya,"hoy ikaw sinong lapastanganang nagsabi sayong dumura ka?!,"tanong ko.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon