Chapter 27

168 5 0
                                    

Natasha POV

NANDITO ako sa Leigh Academy,hindi ko sana gustong pumunta rito pero pinilit ako nila mom at dad.

Ayokong pumunta rito dahil may posibilidad na magkita kami ni Yuan,kaya nga lang ay graduation ngayon ni Nathan at gusto nilang magkakasama kaming apat.

Sabi ni Mom,kong gusto ko syang kalimutan dapat hindi ko daw sya iwasan at ipakitang matatag ako kahit wala siya.

Hindi pa nagsisimula yung program kasi wala pa yung iba kaya naglibot-libot muna ako, at kumuha ng mga litrato.

Madami din akong ala-ala na nakuha sa lugar na ito na kasama si Yuan.

Kukuhanan ko na sana ng litrato yung puno ng mangga ng may makita akong familiar na bulto ng tao.

Si Clyde isa sa kaibigan ni Yuan,nakatalikod sya sa akin at may kausap sa telepono,yung isang kamay nya ay may hawak na basket na punong puno ng prutas.

Unti unti akong lumapit sa gawi nya at unti unti ko naring naririnig ang boses nya,"wait?..daym how is he?... mas mabuti narin na tinurukan sya ng pampatulog.. yes hindi pa nagsisimula yung program dito sa school..nakita ko nga sila Tita Samantha rito yeah together with tito Parker... I think hindi nila tatapusin ang program aalis din sila agad,"hindi ko marinig yung sinasabi ng kausap nya dahil hindi nakaloudspeaker yung phone ni Clyde,"papunta na kami dyan... hinihintay ko lang sila Oliver.. sige kita nalang tayo mamaya."

Ibinababa ni Clyde yung cellphone nya hudyat na tapos na silang mag-usap ng kausap nya sa telepono,"Clyde."

Humarap sya sa akin at halata ko sa mukha nya ang pagkagulat,"Natasha ikaw pala,"umupo sya sa bench kaya napaupo narin ako sa tabi nya.

"Kamusta kana?i mean kayo pala?,"tanong ko sa kanya matagal tagal narin simula nong huli ko silang makita.

"Okay lang kami,"sagot nya sa tanong ko,"ikaw kamusta ka naman?."

"Heto kahit papano hinahayaan na kusang maghilom yung sugat na iniwan ng kaibigan nya rito,"itinuro ko yung banda kung saan tumitibok yung puso ko.

"Huh anong ibig mong sabihin?,"wala ba syang alam sa ginawa sa akin ni Yuan?.

"Yung manlolokong kaibigan mo,niligawan ako at mahuhuli ko sila ng kaibigan kong si Kesha na nagyayakap mismo sa bahay ni Yuan,"saad ko sa kanya,"dapat nga magalit din ako sa inyo eh pero naisip ko wala naman kayong kasalanan sa akin."

Ayoko na dapat na balikan yung mga eksenang yun pero hindi ko lang mapigilan,"pinaasa lang ako ng kaibigan mo,ginamit nya ako para magselosan yung girlfriend nya na kaibigan ko."

"At ako itong si tanga,bumigay dahil mahal ko si Yuan,"tahimik lang na nakikinig sa akin si Clyde.

"Pwede na ba akong magsalita?,"saad ni Clyde nang hindi ako nakapagsalita ng ilang minuto,tumango nalang ako kasi wala naman na dapat akong sabihin pa,kung merun man sa akin nalang yun,"gusto kong magsorry sa pananakit sa iyo ni Yuan,and he really loves you."

"Kalukuhan yang sinasabi mo,noong huli kaming magkita hindi manlang sya umimik,"nagpipigil akong mainis ngayon kay Clyde.

"Tapusin mo muna akong magsalita,"saad nya sa akin,"if you are referring to Kesha Fontana,Kesha and Yuan are cousins,magkasama silang umuwi dito sa Pilipinas galing sa Spain para dito mag-aral,ayaw ni Kesha na sumama noong una kay Yuan dahil mas sanay sya sa Spain pero wala syang nagawa noong pilitin sya ni Tita Samantha ang mother ni Yuan na samahan sya rito."

Si Kesha pi-pinsan nya si Yuan?pero bakit sila nagyayakapan?kasinungalingan lang ba ang sinasabi sa akin ni Clyde para hindi na ako magalit kay Yuan,"kay Kesha mo nalang tanungin kung bakit sila nagyakapan ni Yuan tulad ng pagkakasabi mo."

Hindi ako nagsalita kasi pakiramdam ko walang salitang gustong lumabas sa bibig ko,"pero kung hindi ako nagkakamali,bumalik si Yuan at Kesha sa Spain para sa operation ni Yuan."

Operation?para saan?.

"May lung cancer si Yuan at stage 4 na ito,napapadalas na ang pag-ubo nito at padami narin ng padami ang dugong lumalabas kapag umuubo sya,"nagulat ako,yung literal na nagulat talaga ako,"bumalik sila dito sa Pilipinas para dito nalang magpagaling si Yuan total tapos na rin ang operation nya,yung sinasabi mong hindi sya nagsasalita o umiimik,nakita ng mga doctor na may namuong dugo sa lalamunan ni Yuan kaya kasama yun sa naoperahan and he was still trying to get his normal voice."

"Alam kong wala akong karapatang sabihin ang lahat ng ito sayo Natasha pero gusto ko lang na malinaw ang lahat ng problema nyo ni Yuan,"tumayo si Clyde mula sa pagkakaupo.

"Nung hindi ka pa dumating sa buhay ni Yuan,puro negative ang iniisip nya,he was thinking wala na syang pag-asa pa kaya it's better na mamatay nalang daw sya,until you came in his life madaming nagbago sa kanya,he learn how to laugh and smile,"itinago ko yung isang kamay ko dahil nanginginig ito,"nagulat kami ng sinabi mo noon sa camping na kailangan mong maging alipin ni Yuan just to get his approval pero sa totoo lang ilang araw lang na dumating ka dito sa Leigh Academy ibinigay na nya yung approval paper nyo sa dean ng school nyo naghahanap lang siguro sya ng palusot para makasama kapa."

"Nung binubully ka ng ilang girls dito sa Leigh Academy sa pangunguna ni Chelsea he was the one who handle them at dinaan nya pa sa pagbabanta,"kaya pala bigla nalang tumigil yung pambubulling nangyari sa akin dito,"alam nyang hindi mo gusto ang mga gangster kaya ang pagiging slave at master nalang siguro ang naisip nyang paraan para malapit sya sayo."

Nagkamali ba ako sa panghuhusga kay Yu?nagkamali ba ako sa inisip?nagkamali ba akong masaktan dahil sa nakita at hindi ko inintindi ang totoong rason?.

"Sige aalis na ako,iiwan muna kita rito para makapag-isip ng mabuti,"saad ni Clyde at inayos ang sarili nya,"at kung gusto mo syang makita,pumunta ka sa hospital kung saan ka na-admit noon,doon sya nagpapagaling,"naglakad na palayo sa akin si Clyde.

Tulala lang ako habang hinahayaang tumulo ang luha sa mga mata ko,pakiramdam ko mas lalo akong naging tanga dahil sa sinabi ni Clyde.

Bakit ba kasi hindi ako nakinig nung sinusubukan ni Kesha na magpaliwanag sa akin?bakit ba kasi nag-over react ako ka agad?.

"Sis okay kalang bakit ka umiiyak?,"hindi ko napansin na nasa tapat ko na pala si Nathan nakaluhod at hawak hawak ang kamay ko.

Nanginginig yung boses ko,"Nathan nagkamali ata ako?nagkamali ako sa panghuhusga kay Yuan?nagkamali ba ako kasi hindi ko man lang inisip na baka may dahilan kung bakit yun nagawa ni Yuan?ang dami kong pagkakamali dahilan para masaktan ako ng subra."

"Ano bang sinasabi mo Sis?wala kang kasalanan,"umiling ako,alam ko sa sarili kong malaki ang kasalanan ko pagkakasala ko kay Yuan at Kesha.

"Hindi Nathan malaki ang kasalanan ko sa kanya,"sinabi ko lahat kay Nathan yung sinabi sa akin ni Clyde,"hindi ko na alam ang gagawin ko Nathan,naguguluhan narin ako."

Niyakap ako ni Nathan at hinalikan ang ulo ko,"it's okay sis,huwag mo munang sisihin ang sarili mo,please kahit ngayon lang ipagpaliban mo muna yang problema mo,"humiwalay si Nathan mula sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang braso ko,"this is my day remember at ayaw nila mom na makita kang ganyan."

Pilit akong ngumiti at pinunasan yung luha sa mata ko gamit ang likuran ng palad ko,"so-sorry hindi ko naisip yun,"tinulungan ako ni Nathan na makatayo.

Sinamahan nya akong pumunta sa cr para maghilamos,at hinanap namin agad sila mom at dad nang matapos akong maghilamos,"honey umiyak kaba?,"tanong ni mom dahil napansin nya yata ang pamumugto ng mata ko.

Umiling ako,"napuwing lang ako kanina mom kaya napaiyak ako,"pagsisinungaling na saad ko.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon