Chapter 28

178 6 0
                                    

Natasha POV

NANDITO ako ngayon sa harap ng hospital kung saan ako na-admit dati,tinitignan yung building.

Kinakabahan ko ng subra pero parang may puwersang humahatak sa akin papasok sa hospital.

Kaya nagtuloy tuloy ako sa counter kung saan may nurse na nagbabantay,"Miss pwedeng magtanong anong room ni Mr.Yuan Leigh?,"sunod sunod na tanong ko.

May tinignan naman si ate nurse,"ah tinutukoy mo ba ay si Mr.Luxurious Yuan Leigh?,"napakurap kurap ako.

Kahit nag-alinlangan ako kung si Yuan ba yun ay tumango nalang ako,"nasa room 007 siya miss,"naglakad nalang ako at pumunta sa kwarto na sinabi ni Miss Nurse.

Binuksan ko yung pinto at bumungad sa akin ang nakahigang si Yuan,nanginginig ang dalawang tuhod ko dahil sa nakitang kalagayan nya.

Pumasok ako at naglakad papalapit sa tabi nya,kaya pala pumayat sya,umupo ako sa bakanting upuan na nasa tabi nya.

Kinuha ko yung kamay nya at inilagay sa pisnge ko,"Yu,can you hear me?,"alam kong maya maya lang ay maiiyak na ako,"diba sasabihin mo pa ang ibig sabihin ng jet'aime?."

"Ang jet'aime ay galing sa salitang French na nangangahulugang I love you,"nabitawan ko yung kamay ni Yuan,at napatingin sa puwesto kung saan nagmula yung boses.

Nakita ko si Kesha na nakaupo sa isang gilid,nakatitig din sya sa akin,"eh-eh ano naman yung Ti amo?."

"Ti amo ay galing sa salitang Italian na nangangahulugang I love you,ang Te Amo ay galing sa salitang Spanish na nangangahulugan din sa salitang I love you,"saad ni Kesha,iisa lang ba lahat ng ibig sabihin ng mga sinasabi sa akin ni Yuan pero gumamit sya ng iba't ibang lengguwahe?.

"Eh ano naman ang Wo ei ne,Ich liebe dich,at aishiteru?,"kahit sa tingin ko na alam ko yung ibig ng sabihin ng mga salitang yun gusto ko parin malaman.

"Iisa lang ang ibig sabihin nung mga yun,I love you din pero galing sa salitang chinese,german at japanese,"tama nga ang iniisip ko,hindi ako nagkamali,"mahal ka ni primo pero ibang way lang nya iparamdam ang pagmamahal nya sayo."

"Kesha,"yumuko ako,gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa nagawa ko kasu nga lang hindi ko mahanap hanap yung tiyempo.

"Nung mahuli mo kaming nagyayakap,dinadamayan ko lang si Primo,kinausap ko sya about sa sakit nya,"heto na unti unti nang pumapatak ang luha sa mata ko,nakayuko parin ako at napapasinghot narin,"at mas mabuting sabihin nya nalang sayo ang sakit nya at huwag nalang syang makipaghiwalay sayo,pero because nag-over react ka that time he grabbed that opportunity."

"So-sorry hindi ako nakinig sa paliwanag mo,"nahihiya ako sa kanya dahil sa nagawa ko.

"Okay lang yun,wala kang kasalanan, ako dapat ang humiling sayo ng tawad dahil nagsinungaling ako sayo,"umiling ako at tumayo tyaka lumapit sa puwesto nya,"nasaktan ka naming dalawa ni primo sana mapatawad mo kami."

Niyakap ko si Kesha at humagulhol narin,hindi narin nya napigilan pang humikbi,"akala ko talaga iiwan mo na ako Kesha namiss kita ng subra,"saad ko sa gitna ng paghikbi ko.

"Sorry ulit bestfriend,"saad nya sa akin.Humiwalay ako sa pagkakayap ko sa kanya at pinunasan yung luha ko,"grabe ang panget na nating tignan,"natawa kami pareho sa itsura namin.

Magkatabi kami ngayon ni Kesha habang nakatingin sa natutulog na si Yuan,"kamusta sya?,"tanong ko sa kanya.

"His body is still rejecting the medicine na ibinibigay sa kanya ng doctor kaya natatakot kami sa puwedeng mangyari sa kanya,"gusto ko syang kausapin pero sinabi sa akin ni Kesha na tinurukan sya ng pampatulog.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon