Chapter 22

142 3 0
                                    

Natasha POV

HANDA na akong pumunta sa mall kasama si Kesha,bukas na ang monthsary namin at gusto kong bilhan ng regalo si Yu.

Diba ang bilis ng araw,sa bawat araw laging ipinaparamdam ni Yu ang pagmamahal nya sa akin and he was more clingy than me.

Ang nakakapagtaka lang he never say the word I love you.

Kapag nag-i-i love you naman ako sa kanya ang lagi nya lang sagot.

Ti amo at kung hindi naman Ti amo te amo,at aishiteru.

Lagi kong tinanong sa kanya kung anong ibig sabihin ng mga yun tapos ang sasabihin nya lang.

'soon enough malalaman mo din ang mga kahulugan ng mga salitang yun.'

Bumaba na ako sa sala para sana kunin yung susi ng sasakyan ko ng makita ko si Kesha,"Kesha akala ko ba susunduin nalang kita sa bahay nyo?,"tanong ko sa kanya.

"Ah hindi na ako nalang ang pumunta rito para hindi ka na mag-abalang pumunta pa sa bahay,"tumango ako.

"Aalis na kami dad,"wala kasi si mom ngayon,pumunta dun sa bahay ng kaibigan nya at alam kong makikitsismis lang naman si mom dun.

"Sige mag-ingat kayong dalawa sa pupuntahan nyo,marami pa namang masasamang loob ngayon,"paalala ni dad.

"Sige tito aalis na po kami,"ani ni Kesha bago kami lumabas ng bahay.

KASALUKUYAN akong nagdridrive at minsan sinusulyapan ko si Kesha kasi ang lalim ng iniisip nya,hindi din ako sanay kapag subrang tahimik nya.

"Okay ka lang ba Kesha?,"tanong ko pero parang wala sya sa kanyang sarili dahil wala parin syang imik hanggang ngayon,"Kesha?,"gusto ko na syang yugyugin pero nagdridrive ako.

Itinigil ko muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada para hindi parin ako makaabala sa iba pang sasakyan,napalingon sa gawi ko si Kesha,"bat ka tumigil?,"tanong nya sa akin.

"Kasi napansin kong tulala ka,umamin ka nga sa akin Kesha may problema kaba?,"tanong ko sa kanya.

"Lo siento,"bulong nya pero hindi ko sya naintindihan pati ba naman sya nahahawaan na din ng salita ni Yu?.

"Are you okay?,"tanong ko nalang,hindi ko naman alam ang isasagot sa sinabi nya kanina.

"Estoy bien,"napahilamos nalang ako sa sarili kong mukha ng wala sa oras.

"Tell me Kesha may problema kaba ang lalim lalim kasi ng iniisip mo at ang hirap mong basahin,"gustong gusto kong malaman ang totoong problema nya,"diba nangako tayo sa isa't isa na huwag tayong magsisinungaling?."

"May iniisip lang ako Nat,sorry kung nadadamay ka pa sa problema ko,"hinawakan ko ang kamay nya,"don't worry about me okay lang ako."

Aangal pa sana ako kasu ngumiti sya,alam kong ayaw nyang pinipilit sya sa mga bagay na ayaw nya kaya naman hinayaan ko nalang at nagmaneho nalang ulit.

NAKARATING kami sa mall,ilang store na ang napuntahan namin pero wala parin akong mapiling babagay kay Yu.

Nandito kami ngayon sa Men's section ng mga damit,"damit nalang kaya ang ireregalo ko kay Yu?,"tanong ko kay Kesha na tinutulungan ako.

"How about this?I'm sure babagay sa kanya ito?,"long sleeve na polo yun pero kulay black,"oh hindi kaya ito,"itinuro ni Kesha yung parang pang summer na red polo na bulaklak ang design at may kaparehang short pant na hanggang tuhod na kulay puti.

"Pero kapag yung long sleeve polo white dapat yung kulay,"saad ko dahil yun naman yung lagi kong napapansin na suot suot ni Yu,"tapos hindi ako sure sa pangalawang suggestion mo."

"Ano kaba I'm sure magugustuhan nya yang mga napili ko yan kaya ang mga paborito nyang sinusuot,"napatitig ako kay Kesha dahil sa sinabi nya,anong ibig nyang sabihin?.

"What do you mean Kesha?paano mo nalaman?,"makahulugang tanong ko sa kanya.

"Pfftt hello friend ko kaya sya sa facebook at yung mga late uploads na picture nya parang ganun yung lagi nyang isinusuot,"tinuro nya yung pang summer na damit,"and besides mahilig din yata sya sa mga jacket."

Nanlumo ako,oo nga pala nakakalimutan kong i-add si Yu sa facebook,kaya pala madaming alam si Kesha sa kanya dahil updated sya sa nangyayari kay Yu.

Pareho ko nalang na binili yung suggestion ni Kesha,"thank you talaga sa pagsama sa akin dito sa mall Kesha,"nakangiting saad ko sa kanya.

"Sure,magkaibigan kaya tayo,"nagtawanan naman kaming dalawa ni Kesha,"so uuwi na ba tayo?."

"Ano kaba total we're here bakit hindi narin tayo mag bestfriend dat,nagiging busy tayo sa studies natin at nakakalimutan na nating lumabas together,"suhesto ko na dahilan pa para mapaisip si Kesha.

"Oo nga no tara,"nakangiting pagsang ayon nya at hinila ako kung saan ng may makabangga kaming isang babae,tatlo talaga sila pero yung isa lang ang nabangga namin.

"OMG what did you do bitch?,"tili nung nakabangga namin,ang tinis ng boses nya,ang sakit sa taynga.

"Don't call us bitch you puta,"sumbat naman ni Kesha,to be honest ngayon ko lang syang narinig na nagsabi ng masama.

"What did you say ako puta?,"maangas na tanong nung babaing sinumbatan ni Kesha,Kesha rolled her eyes.

"Hindi ka naman siguro binggi no?,"gusto kong bigyan ng parangal si Kesha dahil sa katapanggang ipinapakita nya ngayon.

"Argghh girls sabunutan nyo sya,"utos nya dun sa mga tropa nya kaya naman humarang ako sa harap ni Kesha.

"Subukan nyo lang awayin ang best friend ko,"nanlilisik ang mga mata kong nagbabanta,"gagawin ko talaga kayong hipon at ipapatapon sa pacific ocean."

"Huh!akala mo ba natatakot ako sayo,"matapang na saad nung babaeng nakabangga namin,dinikitan ko sya at nagchin up kaya tumama yung ulo ko sa baba nya,napaatras naman sya ng dalawang beses,"what is your problem you bonsai?!."

"Hoyy huwag mo akong tatawaging bonsai huh,porket matangkad ka bakit yan lang ba ang maipagmamalaki mo?eh yung ulo mo may laman ba?,"nakangisi kong pang-iinsulto sa kanya.

Gumuhit naman ang inis sa mukha nya at padabog na nilagpasan kami,sumunod naman sa kanya yung mga haliparot na tropa nya.

Nagkatinginan kami ni Kesha at unti unting napangiti tyaka nag-apiran,"grabe ang tapang mo kanina Kesha haha hindi ko alam may ganung side ka pala,"nagsimula na kaming maglakad.

"Ano kaba kahit naman tahimik akong tao marunong din akong makipagsabayan sa mga bangayan na yan,"muli kaming nagtawanan at wala na kaming paki kapag pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa mall.

Namasyal kami at kumain ng kung ano ano,at huli naming destinasyon yung shop na nagtitinda ng ice cream.

Ngayon na lang ulit kami nakabalik ni Kesha rito,"Natasha,"napatingin naman ako kay Kesha ng tawagin nya yung pangalan ko.

"What it is?,"tanong ko habang nag-eenjoy sa kinakain ko.

"Kahit na anong mangyari magkaibigan parin naman tayo diba?,"doon lang ako napatigil at napatitig kay Kesha.

"Ano bang klaseng tanong yan?,"nagkibit balikat sya,"syempre oo naman no,bakit may balak ka bang iwan ako?,"pagbibiro kong tanong sa kanya.

"Haha hindi no nagdradrama lang ako,heto naman napakaseryoso mo,"umiwas sya ng tingin sa akin.

"Pero yung totoo Kesha?,"medyo nawalan na din ako ng ganang kumain,ibang iba na talaga ang inaasal ni Kesha simula ng naging kami ni Yu,"hindi mo naman ako iiwan diba?."

Hinawakan nya yung kamay ko,"hinding hindi kita iiwan Nat,kahit na anong mangyari lagi mong tatandaan na lagi akong nandyan sa tabi mo at sinusuportahan ka sa mga gusto mong gawin."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa tabi ni Kesha tyaka niyakap sya ng subrang higpit,"thanks Kesha,kahit na nawalan na ako ng kaibigan dati nagpapasalamat parin ako kasi nakilala kita at naging kaibigan kita."

"Ako din Nat,natutuwa akong makilala ka and thankful din ako sayo dahil tinanggap mo ako kahit na hindi mo pa akong lubos na nakikilala,"saad ni Kesha.

I'm Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon