Shane
Gumising na ako ng tumunog ang alarm sa alarm clock ko. Nag-ayos na ako at ipinalagay ko na ang costume ko sa likod ng family car namin. Naligo na ako at nag-ayos naglagay ako ng unting make-up sa mukha ko. Ayaw ko naman magung simple lang gayong ang susuutin ko ay pang royalty. Matapos ang preperasyon ko ay umalis na ako. Nagulat ako ng makapunta ako sa school. Mukhang pinaghandaan nga ito. Dahil kung kahapon ang simple lang ng Pledis University ngayon biglang nagkaroon ng magandang covered court. Ang mga room din ay may mga desenyo. At may premyo din daw ang mananalo sa best room design. Pagkapasok ko sa room ang simple pero ang ganda. Andito na din sila. At nakita ko si Ma'am Fillensiana na kasama na si Gyu. Agad din akong tinawag upang makapag-ayos na.
Dala ni Mang Canor ang gown kasunod ko. Nagpunta na kami sa opisina ni Ma'am Fillensiana dahil andun na daw ang mag-aayos sa amin. Pagkapunta namin dun ay agad-agarang pag-aayos sa amin ang ginawa. Ngayon palang umaga 10 gaganapin at pair number 4 pa kami. 9:30 na at sinusuot na namin ang costume. Nang matapos namin ang pag-aayos sa amin ni Gyu pinaharap na kami sa salamin. Di ko makilala kung ako ba talaga ito. Nakakagulat lang na sa gantong ayos ko ay mas umayos ako. Bumagay din kay Mingyu ang ayos niya at talagang ang gwapo niya sa suot niya.
Pinapunta na kami sa designated seats ng mga kalahok. Pagkaupo ko ay agad din akong kinabahan. Madami kaming kalahok kaya kaylangan naming galingan. Ayaw naman naming ibaba ang section namin. Iba iba ng suot. Kami lang ang naka-isip ng royalty dahil ibinagay ito ng magaling naming coach na si Ma'am Fillensiana sa mga kanta. Nakita ko si Wonu na seryoso ang tingin sa amin ni Gyu. Nginitian ko siya pero umiwas siya ng tingin. Napasinghap nalang ako dahil sa ginawa niya.
Nagsimula na ang laban magaling ang mga nauna sa amin. At matapos nitong kumamakanta ngayon ay kami na ang magpe-perform. Nagpalakpakan kami ng matapos sila. Nag-enhale exhale ako bago umakyat. At ngumiti gaya nga ng sabi ng coach namin. Ganun din si Mingyu nakangiti at masasabi kong mas gwapo siya. Nagsimula kami sa kantang Rewrite The Stars. Tunay nga na ginalingan namin dahil hindi pa kami tapos ay kinikilig na si Ma'am Fillensiana.
Ngayon ay kinakanta na namin ang kantang dati. Tilian ng tilian ang mga estudyante dahil sa ginagawa naming pagkanta. Sa huling part ng kanta ay dahan dahan kaming naglakad ni Gyu patungo sa isa't isa. Ngayon ko lang lubusang nakita ang ganda ng kanyang mga mata. Ngayon ko lang nakita kung gaano katangos ang magandang ilong niya. At ngayon para akong inaakit ng labi niya. Habang kumakanta sa mataas na tono ay nagawa pa naming hawakan ang kamay ng isa't isa. "Ng dati..." Huling lyrics ng kanta. At malapit nang maglapat ang labi namin ni Mingyu. Sobrang lakas ng sigawan at tilian ng mga estudyante. Napangiti kami ni Gyu at tsaka nagbow at bumaba. Dumiretso kami ni Gyu kay Ma'am Fillensiana. "Oy kayong dalawa! Wala sa pinraktis natin yung malapit na sana sa kiss! Ano yun?" Kinikilig na tanong at suway ng coach namin sa ginawa namin.
Ngayon ay nagpeperform na ang last pair. Hinahanap naman ng mata ko si Wonu. Tila ba kanina lamang ay nakita ko pa siya. Ngayon ay bigla nalang siyang naglaho. Nang matapos ang mga kumakanta ay nagkaroon lang ng saglitang break time para i-compute ang mga score namin. Nagsimula na din magjudge ang mga hurado para sa mga rooms. "Shane!" Tawag ni Ma'am Fillensiana. "Po?" Sagot ko naman at lumapit sa kanya. "Picture na kayo dali! Profile niyo toh ah! Request ko! HAHA!" Sabi ni Ma'am Fillensiana. Sa unang shot magkatabi kaming tatlo ni Gyu at Ma'am. Sa pangalawa solo namin ni Gyu na pang profile. Sa pangatlo naman ay kami namang dalawa ni Gyu. Nakakatuwa si Ma'am dahil kinikilig pa siya kunwari.
Matapos ang computation ay awardings na. Unang a-awardan ang mga rooms. Sila Wonu ang nag-ayos sa room kaya alam kong mai-papanalo namin ito. "And now for the Best Room the 1st Place goes to!" Pabitin ng emcee. "Serenity Kim | A11! " Sigaw ng emcee na ikinaingay ng section namin! Matapos ang awarding nito ay pinaakyat na kami sa stage. Kinakabahan ako kasi magagaling din ang mga nakalaban namin. "3rd Place yung sa Pure Blue | C10, tapos 2nd Place naman ay yung katabing room namin Topaz Orange | B11, tapos 1st naman yung Pink Quartz | A12! Baka di na kami manalo." Nawawalan na ako ng pag-asa dahil sa mga magagaling din ang natitira pa. "And for our Champion! Let's give this certificate, this sash, and this beautiful bouquet of flowers!" Sabi nung emcee. "Let's give them a round of applause and a loud cheer! Pair Number...!" Pabitin ulit nung emcee. "Pair number Four! From Serenity Kim | A11!" Sigaw ng emcee kasabay ng crowd. Tuwang-tuwa ako kaya nagawa ko pang yakapin si Mingyu na ikinabigla niya din. Nilagay sa amin ng mga judge ang sash, at ibinigay naman sa amin ang certificate at bouquet of flowers ng mga teacher at Principal. Nagpicture kami nila Coach at ng buong Section namin dahil kami ang humakot ng awards.
![](https://img.wattpad.com/cover/216892681-288-k58918.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Feelings | Mingyu
FanfictionWe're friends simula nung 5 years old pa lang kami. Not up until now. He changes a lot. Parang ako, I changed pero hindi katulad ng pagbabago niya. Anlayo niya sa dating siya. At anlayo ng dating pakikitungo niya sa akin, sa pakikitungo niya ngayon...