• Chapter Seven •

9 0 0
                                    

Shane

Muling tumunog ang alarm ng cellphone ko kaya naman agad na akong bumangon. Napansin ko na napapadalas ang pagbangon ko ng on time at nakapasok ako ng maaga sa school ng first day of school. Katulad ng mga nakasanayan ko ay naligo na ako, nagbihis, at nag-ayos. Ngayon nakasuot na ako ng uniform. Bumaba na ako at kumain. Katulad kahapon may pa milk tea na nanaman si Chef. Kaso nasa small na lalagyan ng milk tea lang. Masarap naman kaso nakakabitin. Nagulat ako ng may bumusina sa labas ng bahay.

Naalala ko bigla na susunduin nga pala ako ng boyfriend kong si Wonu. Inihabilin ko nalang sa mga maids ang aking alagang pusa. Nakita ko na ang sasakyan ni Wonu na sobrang ganda. At syempre siya na nakasandal sa kotse niya. Inalalayan naman niya ako pababa at inalalayan niya din akong pumasok sa loob ng kotse bago siya pumasok at nagdrive. Bumanat pa talaga siya bago ako makapasok sa kotse ng Good Morning Ms. Beautiful. Kaya naman ang aga-aga palang ay napangiti na niya ako. Nakarating kami sa room ng 8:45 kaya naman nakapagkwentuhan pa kami.

Nakakatawa lang kasi pagpasok namin sa school ng maigarahe na namin ang sasakyan ay dinumog kami ng mga taga-hanga namin. Oo kasi pati ako meron. Panay ang paselfie nila sa aming dalawa. Agad na kaming pumasok at umiwas sa matataong lugar kaya nakadating kami sa room ng 8:45. Nag-simula ng magturo ang mga guro kahit na pangalawang araw pa lamang namin. Tahimik kaming lahat lalo na kaming tatlo sa likod. Kaming dalawa ng boyfriend ko na taimtim na nagsusulat at nakikinig. At si Mingyu na bored na bored sa upuan niya.

"Okay class you may now take your break." Sabi ng guro namin. Kaya wala pang tatlong minuto ay wala ng taonsa room kundi ako, si Wonu, yung teacher namin, at si Mingyu. Parang may kung anong nangyayari sa loob ko dahil dito. Hinawakan ni Wonu ang kamay ko sabay umalis na kami at bumili sa cafeteria ng University nito. Wala dito yung dalawa kaya dumiretso na kami sa garden. Nakita naming naglalaro ang dalawa habang nakain.

"Guys! Why not gala tayo dito. Tutal di pa natin nalilibot toh." Suggest ni Shua na medyo bored na. Sinang-ayunan naman namin yun. Inubos lang namin ang kinakain namin. Nang matapos kaming kumain ay lumibot na kami. Nagbigay pansin sa akin ang isang makulay na bulletin board o yung tinatawag nilang announcement board. Tinignana namin ang nakapaskil doon. May mga sports competition, upcoming events, at yung mga news about dito at sa mga estudyante ng University na ito. Tinignan kong muli ang news at nakuta kong nakapaskil kaming apat, si Mingyu at iba pang mga estudyante na kilala at tinitilian at dinudumog ng kanilang mga taga-hanga.

Nagulat din ang tatlo sa nakita nila. "Kakatransfer lang natin tapos nakapaskil na agad tayo sa Top 50 most Handsome and Beautiful faces in SVT University?" Manghang sabi ni Han. "Nangunguna si Mingyu siya yung pinaka may maraming fans dito. Sumunod ay hindi na natin kilala. Number 27 ako, number 26 ka Hal, number 32 ka Han, at number 30 ka Shua." Sabi ni Wonwoo na ikinatitig lalo namin sa billboard. "Guys? Chineck niyo na ba Facebook and Ig niyo?" Tanong ni Shua. Sabay sabay kaming umiling.

Bumalik kami sa garden kasi malakas ang signal doon. Nagulat ako ng makita ko ang 405 friend request sa akin. At sina Wonu naman ay 400, si Shua at Han the same lang ng kay Wonu. Chineck ko yung mga followers. At nagulat ako kasi dati nasa 200 or 300 lang toh. Ngayon 700 na. Pare-parehas kami ng mga reaction. Tumingin din ako sa nf ko. 536 straight heart react and 267 comments. 59 shares. Sa Ig naman 930 followers 12 following. Ganto ba talaga dito? May mga ranking? Nakakahiya naman. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Naisipan na din naming bumalik na sa kani-kaniyang classroom.

Nang makabalik kami ay nadatnan namin si Mingyu na nakatungo sa desk niya. Hinawakan ni Wonu ang kamay bilang alalay papunta sa aking upuan. Na saktong pag-angat ng ulo ni Mingyu. Di lang kami nakibo. Dahil wala pa ang guro namin nagkwentuhan nalang muna kami ni Wonu. At humihirit pa siya ng mga salitang nakakapagbigay ngiti sa akin. Katulad ng food coloring ka ba? At sasagot naman ako ng bakit. Kasi binigyang kulay mo yung buhay ko. "Susi ka ba?" Tanong ni Wonu. "Oh bakit nanaman?" Sagot ko na nag-iintay ng sagot niya. " Kase binuksan mo yung pintuan ng pihikang puso ko." Sabi niya na kinakilig ko. "Habang tumatagal mas lalo kang nagiging mais!" Pabiro kong sabi kahit kinikilig ako. "Habang patagal ng patagal mas lalo lang akong nahuhulog sayo." Banat nanaman niya unfortunately napakalakas yung pagkakasabi niya kaya napukaw namin ang atensyon ng iba naming kaklase. Tinignan ko yung mga kaklase ko na nakatingin sa akin. May iba na nanunukso yung mukha. May ibang mukhang naiinggit. May ibang nag-aabang pa sa mga sasabihin ni Wonu at sa magiging reaksyon ko. Nang biglang dumating ang teacher namin.

Naging normal na ulet sa classroom gawa ng teacher namin. Unti-unting natapos ang mga pagtuturo nila. Hanggang sa pauwiin na kami. "Tara na. Gusto mo bang kumain? O gusto mo akong kainin." Biglang banat ni Wonu. Hinampas ko siya dahil sa sinabi niya. "Eto naman! Di mabiro!" Sabi niya na natatawa pa. Nakatingin lang sa amin ang mga kaklase kong di pa nalabas ng classroom. Nauna na akong lumabas sa classroom at iniwan si Wonu. Nahihiya lang ako kasi naman baka kung ano ang isipin ng mga kaklase ko. Nagtungo muna ako sa locker ko para kunin yung uniform ko. Tapos naupo pumunta na ng garden. At dun ko nakita yung dalawa na naghaharutan. "Ehem, may hindi ba ako nalalaman sa inyong dalawa?" Natatawa kong tanong. "Abnoy! Pareha kaming Straight!" Sigaw ni Shua. Tinawanan ko lang sila. "Oh nasan na yang jowa mo?" Tanong ni Han. Nagtaka din ako, pero baka pinagkakaguluhan lang yun dyan sa tabi-tabi. "Andyan lang yan. Baka pinagkakaguluhan lang kaya natagalan." Sagot ko.

Nag-usap pa kaming tatlo about sa plano namin sa treehouse at kung magkano ang magagastos. "Nang dumaan ako sa bilihan ng mga kahoy ang sabi sa akin ang isanh delivery ay nagkakahalaga ng 4,000 but depende sa kahoy. Yung pinili kong kahoy ay pang floor, wall, at roof kaya 7,000 lahat. Sakto o sobra na yun sa limang kwarto. At sa mga pako umorder ako ng malalaking pako at matitibay dalawang kahon ata ang binili ko tapos sa pintura naman si Shua na ang bahala." Paliwanag ni Han.

"Sa pintura, furniture, at pintuan naman ang magagastos natin ay 14,000 pumili lang ako ng pang dalawahang tao na kama na nagkakahalaga ng 1,000 ang isa kaya 5,000 na agad. Sa ilaw at maggagawa ng kuryente 6,000 na. 2,000 sa pinto kasi mura lang naman yung mga pinto ginandahan ko din yun. Tapos sa mga pintura punili ako ng kulay na yellow at red. Kaso ubos na ang stock kaya parang pink, nalang at at mas light pa sa sky blue yung pinili ko. Nasa 1,000 lang yun kaya 14,000 lahat." Paliwanag naman ni Shua.

"Kung may sosobra sa kahoy, may pang veranda pa tayo ang kulang nalang ay fence. Di naman siguro aabot ng ten thousand yun diba. Kaylan naman kaya natin ito masisimulan?" Tanong ko. Nang biglang sumulpot si Wonu na may hawak na Milktea. Yung favorite ko talagang flavor kinuha niya. Tapos yung cake namin kahapon wala lang ice cream pero merong dark chocolate na nakatusok. "Siguro by next month masimulan na natin." Sabat ni Wonu. "Andaya! Nasan yung amin?" Sabi ni Han na kunwa'y nagtatampo. "Eto, di ko alam yung flavor ng sa inyo kaya yan best seller nalang pinili ko. Kinuha naman nilang dalawa yun at kumain na kami.

Naisipan na naming umuwi dahil baka masarahan kami ng gate ng University. Sinabay na namin si Han at Shua sa kotse. Hinatid muna ako ni Wonu sa bahay bago sila dumiretso sa treehouse. Dahil pipicturan daw nila ito para makapagdesign na ng magiging itsura nito dapat. Nagpalit lang ako ng aking damit tsaka ako bumaba at kumain kasabay ang aming mga katulong. Niyaya ko din ang tatlo kaso tumanggi sila kasi uuwi na din sila mamaya. Masaya naman kasama ang katulong namin kasi matagal na silang naninilbihan kila Mom at Dad. Kaya naman may tiwala ako sa kanila, at kilala ko na sila.

Pinakain ko na din ang pusa ko at pinaliguan. Pinatuyo ko muna ito bago ko ilapag sa kama. Naligo na din ako at nahiga na. Nagphone muna ako at nagpaantok. Narinig ko din na paalis na yung tatlo sa treehouse. Nagmessage lang sa akin si Wonu na pauwi na sila at good night. Kaya naggood night na din ako bago ipikit ang mata ko. Di pa ako lubusang nakakatulog ng may bumato sa bintana ko. Tumayo ako at nilapitan ito at nakita ko si...

---------------

Watsap Guys! Papabitin muna ako ah! Sino kaya yung namato ng bintana? Parang medyo creepy yun ah. Sa tingin niyo ano kayang mangyayari kay Shane kapag sinilip niya yun? Abangan sa susunod na Chapter! Love you guys!

Read-Vote-Comment-Share-Suggest-Follow

-KittyKeun

Secret Feelings | MingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon