kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag ibig
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay selyang namugad sa dibdib
Aralin 3 p.10,1"Nagising na naman ako" tinig ni Erik. Anung oras na! magsasaing pa ako, maliligo at pupunta pa sa eskuwelahan. Unang araw pa naman ng aking 4th year highschool. Lagi namang ganito ang aking ginagawa. Kain-tulog-aral-trabahao lang. Nagpa-part time job ako dahil ako lang ang bumubuhay sa sarili ko. Palibhasa, wala na akong magulang. hindi ko nga alam kung iniwan nga ba talaga ako o sadyang isang masamang aksidente ang nangyari sa kanila? Ang pait naman ng kapalaran ko, Napakamalas mo! ( tumingin sa salamin)
Simpleng tao lang naman ako. May kaunting kaibigan, hindi naman kagalingan sa klase at namumuhay ng normal tulad ng ibang tao.
Nagbago ang lahat ng iyon ng makilala ko si Hana Yoshiro.
Dumerecho na si Erik sa Eskuwelahan tulad ng dati sinermonan siya.
Prof. Jay-R: Unang araw ng klase! Dalawang oras kang nalate!?
Erik: Pasensya na ho! nakalimutan ko mag alarm.
Prof.Jay-R: Tumigil ka! humanap ka nang upuan mo. Lagi naman ganyan ang excuse mo!
Nang makaupo si Erik, Dumating ang isang babae.
Prof. Jay-R: Naku! may isa pang late (sabay kamot sa ulo)
Hana: P... Pa... Pasensya na po! (sabay yuko ng ulo)
Prof.Jay-R: O sige, papakilala na muna kita sa klase. Siya nga pala si Hana, ang transferee student natin.
Hana: M. . . Ma. . . Magandang umaga po sa inyo(sabay yuko ng ulo)
Prof.Jay-R: Nakasanayan niyang yumuko ng ulo dahil taga Japan siya.
Pagkatapos ng klase nag si uwian na sila. Nang nasa hagdanan si Erik nagkabangaan sila ni Hana at nagkatinginan sa mata ang dalawa.
Erik: Sorry... Sorry!! halika tulungan na kita sa mga dala mo.
Hana: Ay! wag na po ayos na po ako(sabay takbo papalayo ng nakangiti)
Erik: ako nga pala si Erik! huwag ka na mag "po" sakin , magkaklase lang tayo.
Hana: Hana, Hana Yoshiro ang pangalan ko (pahina ng pahina ang bosese)
"H...Ha... Hana Yoshiro? narinig ko na ang pangalan na iyon at parang nakita ko na siya nung bata pa ako" sabi ni Erik.
Yung araw na iyon, may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko na parang nanggaling sa nakaraan ko.
Hindi ko alam! Ang alam ko lang, Siya ang First love ko.