"Ngunit sa aba ko! sawing kapalaran!
ano pang halaga ng gayong suyuan,
kung ang sing-ibig ko'y sa katahimikan
ay humilig na sa ibang kandungan?
Aralin 6 p.26, 31"Halos araw araw na kaming magkasama papuntang eskuwelahan simula nung ikalawang araw ng klase namin," sabi ni Erik kay Jun.
"Teka lang pare, baka kayo na ni Hana?" sabi ni Jun
Ano ka ba jun? hindi naman ibig sabi-"Oo alam ko, binibiro lang naman kita eh," sabi ni Jun
"Basta kung kailangan mo nang tulong ko tawagan mo lang ako," nakatawang sabi ni Jun
"Teka lang, diba si Hana iyon?" sabi ni Jun habang tinuturo ang nguso.
"Oo nga! siya nga!" mabilis na sagot ni Erik.
"Mukhang may kasamang ibang lalaki ha," nanunuksong sabi ni Jun.
(tumunog ang alarm ni Jun)
"Ah magkaklase na pala, sige mauuna na ako," nagmamadaling sabi ni Jun.(pagkatapos ng klase)
"Sa wakas lunch break na," nagugutom na sabi ni Jun.
Hoy! Erik! sabay tayong kumain, yayain mo na rin si Hana."Hana tara sabay tayong kumain," nakangiting sabi ni Erik.
"Gusto ko sana, kaso nangako na ako kay Ian na sabay kaming kakain ngayon," malungkot na sabi ni Hana.
"Hana! tara na! nagugutom na ako," nagmamadaling sabi ni Ian.
(Uwian na)
"Hana sabay tayong umuwi ngayon," sabi ni Erik.
"Pasensya na may gagawin pa kami ni Ian," sabi ni Hana.
"Ah ganun ba? pasensya na sa istorbo," malungkot nasabi ni Erik.
(nakaalis na si Hana. Dumating si Jun na kanina pa nanonood sa kanila)
Jun: Paano ba yan? mukhang naunahan ka na ni Ian
Erik: wala nga akong gusto kay Hana!
Jun: Sus! maniwala! ang ganda ganda at mabait si Hana. Hindi lang yun, ang ganda din ng katawan niya. Higit sa lahat malaki din ang kanyang de-
Erik: Puro na lang kabalastugan nasa isip mo!
(sandaling tumahimik)Jun: sabihin mo na ang totoo Erik.
Erik: aling totoo?
Jun: na gusto mo si Hana
Erik: .......... hm....
Jun: halata naman sa kilos mo eh.
Erik: hindi ko alam kung gusto ko siya o hindi. Gusto ko lang siya makasama.
Jun: bestfriend mo ako, kaya tutulungan kita.
Erik: nalilito ako! hindi ko alam ang totoo kong nararamdaman sa kanya!
Jun: Puntahan mo sila at alamin mo ang katotohanan.
(Agad pinuntahan ni Erik)