"Sapagkat ang dusang mula sa pag-ibig
kung kahit mangyaring lumalayo sa dibdib,
kisap-mata lamang ay agad babalik
at magdaragdag pa sa una ng bangis,"
Araling 15 p. 69 , 168
May kumakatok sa pintuan ni Erik.
"Sandali lang," sabi ni Erik.
Nang binuksan ni Erik yung pinto, nagulat siya dahil si Ashley ang kumatok.
"Bakit ka naparito Ashley?" kinakabahang tanong ni Erik.
"Narinig ko.... naghahanap ka ng trabaho. Baka makatulong ako," sabi ni Ashey.
"Ah yun, teka... kanino mo nalaman yan?" nagtatakang tanong ni Erik.
Lumabas sa likod ni Ashley si Hana.
"Ok na kami ni Hana," sabi ni Ashley.
"So? ok na rin tayo?" tanong ni Erik.
(hindi sinagot ni Ashley yung tanong)
"By the way, anung klaseng trabaho ba ang gusto mo?" tanong ni Ashley.
"So ok na nga tayo?" namimilit na sabi ni Erik.
"Ano ba? gusto mo ng trabaho o hindi?" sigaw ni Ashley.
"Opo, gusto ko po," natatakot na sabi ni Erik.
"Eto subukan mo dito. kung nakapasa ka makakatrabaho mo rin ako," sabi ni Ashley.
Nag-iisip si Erik kung susubukan niya o hindi.
"Im looking forward to be your officemate," sabi ni Ashley sabay alis ng bahay.
" Bye Ashley," sabi ni Hana.
"Bye din," sagot ni Ashley.