"Nagsasama silang lubhang mahuhusay
hanggang sa nasapit ang payapang bayan...
Tigil, aking Musa't kusa kang lumagay
sa yapak ni Selya't dalhin yaring Ay! Ay!
Aralin 32, Pahina 141, Saknong 399
Pagkatapos ng engagement ay pagkasunduan nilang di na patatagalin pa ang kasalan.
"I guess within three months of preparation ay enough na para makasal tayo, Mahal."
"Baka kapusin tayo sa oras." sagot ni Hana.
"kakayanin natin, Mahal." basta gusto ko makasal na tayo." kindat ni Erik
Malakas ang loob ni Erik dahil bago sya nagpropose ay alam na ng kanyang lolo. Masayang-masaya ang matanda at nangakong tutulong sa kanilang kasal. Magiging simple lang ang kasalan. Invited lang ang malalapit na kamag-anak at mga kaibigan at syempre ang lolo ni Erik at parents ni Hana. Hindi nahirapan si Erik sa mga gastos dahil halos lahat ng mga kaibigan nila ni Hana ay nag-abot ng finacial na tulong.
"Goodnight, pare!" sabi niya kay Jun.
"Sige pare, goodnight. Matulog ka ng mahimbing dahil bukas ay sasakalin ka na." pabirong sabi nito. Si Jun ang kanyang bestfriend. "Ikaw talaga!" pahabol nyang sabi.
Katatapos lang ng kanyang stag party. Uminom din naman sya ng konti lang tulad ng pinangako niya kay Hana.
"Sigurado may lalabas na magandang girl sa regalo dapat behave ka ha." pabirong sabi ni Hana sa CP bago sya pumunta sa venue ng stag party nila.
"Opo, Mahal. Basta magbeauty rest ka lang sa gabing ito at wag kang mag-alala saken, ok?" sagot nya kay Hana.
Hindi na makatulog si Erik. Buhay na buhay ang kanyang diwa. Di nya alam ang kanyang nararamdam, mix emotions. "Ah, bukas ikakasal na ako sa babaeng mahal ko." tanging nasambit nya.
Lalong lumitaw ang ganda ni Hana sa kanyang wedding dress. "Super ganda mo, Hana!" sabi ng make up artist nya." Para kang artista." "Salamat po." sagot nito. "hay ganito pala ang feeling ng ikakasal, excited na kinakabahan."wika ni Hana.
Maagang dumating sina Erik sa simbahan, as usual mauuna ang groom. Wala pang thirty minutes ay dumating na rin ang bridal car. Masayang-masaya ang lahat na naroon. Lahat ay napawow sa ganda ng bride. "Umpisahan na ang kasal!" sigaw ng lolo ni Erik.
"This is the happiest day ever in my life! Kanina habang nagmamarch ka palapit saken muntik na akong himatayin dahil para kang dyosa sa ganda mahal ko (tawanan ang madla). Naalala ko pa nung unang araw ko sa high school, nung may babaeng late na pumasok at nagpakilala. Hindi ko sya kilala pero dito na sya sa puso ko at sumisigaw na mahal kita. No wonder, nagka-amnesia pala ako nung naaksidente kami ng parents ko. Di ka naman agad nagpakilala saken akala mo nakalimutan na kita.Sya po pala ang batang pinangakuan ko ng forever. To make the story short, naging kami nga po. Dami naming napagdaan sa aming relasyon but in the end kami pa rin ang magsasama forever.Siya po ang babaeng naging inspirasyon ko sa buhay. Sorry sa mga times na naging mean ako sa'yo. Naniniwala kase ako na walang thrill ang buhay pag walang away."(tawanan uli lahat) Thank you Lord binalik mo sya saken. Hana, Mahal ko pagkaiibigin kita habang buhay. Lahat ng mahalaga sayo ay papahalagahan ko rin. Alam natin na this is just the beginning. Paparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal at pinapangako ko na magiging responsible akong asawa at ama sa ating magiging mga anak.
Nagpalakpakan lahat ng nakarinig sa wedding vow na yun ni Erik.
"And now I will pronounce you man and wife. You may kiss the bride." sabi ng pari.
Masayang- masaya lahat ng mga taong naroon lalo na ang mga nakasaksi sa naging pagmamahalan ng dalawa.
Natapos ngayon ang unang yugto sa buhay nila Erik at Hana. Bukas ang simula ng kanilang tatahaking bagong buhay bilang mag-asawa.
This is the new beginning of their lives.
-THE END-