"Paalam, Albanyang pinamamayanan
ng kasam-a't lupit, bangis, kaliluhan,
Akong tanggulan mo'y kusa mong pinatay,
Sa iyo'y malaki ang panghihinayang
Aralin 12 p.53, 114"Eto na ang huling araw ko ngayon sa Eskuwelahang ito. Magpapakasaya na muna ako at mag-iiwan ng magandang ala-ala dito," sabi ni Erik.
"Okay class! makinig na muna kayo sa sasabihin ko. Si Erik ay aalis na dito at magtatransfer sa ibang eskuwelahan," tinig ni Prof. Jay-R.
"O talaga pare!
Iiwanan mo na kami?!
Maghahanap lang ng chix yan kaya aalis eh!' biro ng kanyang mga kaklase"Quiet class! may dahilan siya kung bakit siya aalis. Siya na muna ang mag-aalaga sa kanyang lolo," wika ni Prof. Jay-R.
Lunch break na nila. Tumabi si Hana, Ian at si Jun kay Erik upang mag usap usap.
Jun: Sigurado ka na tol?
Erik: Oo, I'm sure of it
Jun: Wala bang nag-aalaga sa lolo mo?
Ian: Pupunta siya dun upang alamin ng lubos ang kanyang nakaraan.
Jun: Wow! Big word! Dami mong alam!
Erik: Tama siya Jun. Totoo ang kanyang sinabi.
Jun: Pare past is past PSP na yun.
Erik: Lagi naman ganyan ang sinasabi mo kapag late ka umuwi. Papa sorry po! PSP!
Jun: Grabe naman to. Basta lagi mong tandaan, if you need help alam mo na. In Exchange hanapan mo ako ng chix jan.
Ian: Wala ka bang sasabihin kay Erik, Hana?
Hana: ..........
Erik: Ayos lang. kasalan ko rin naman eh.
Hana:Hindi ah. Wa.....wa.....wala lang akong masabi.
Ian: O Tara na! mag uumpisa na ang klase natin.
Nang matapos ang klase, nagpaalam ang mga kaklase niya sakanya.
"Hayaan mo dadalo ako sa burol mo!
Hanapan mo ako ng chix!
Pagbalik mo mga regalo namin ha," banat ng kanyang mga kaklase.Nang makaalis na ang lahat, naiwan sila ni Hana.
Hana: Erik wait lang!
Erik: Oh bakit? akala ko galit ka sakin.
Hana: Mag-ingat ka. Safety first palagi.
Erik: yun lang ba?
Hana: Oo
Erik: Paano yung confession ko?
Hana: Ha..... ha?
Erik: Wala! sige bye!
Hana: Oo, Sinasagot na kita.
Erik: wala akong marinig.
Hana: Oo! Sinasagot na kita!
Erik: Talaga? Yes!
Hana: Wag kang maingay may makarinig pa sa atin eh.
Erik: So? LDR muna?
Hana: Oo, Long Distance Relationship
Erik: Hatid na kita