old place

8 0 0
                                    

"Saad ng kalatas ay biglang lumulan

at ako'y umuwi sa Albanyang bayan;

sa aking maestro nang nagpapaalam,

aniya'y Florante, bilin ko'y tandaan

Aralin 21 p.94, 244

                Nakapagdesisyon na si Erik. na bumalik muna sa kanyang lugar ngayong Christmas vacation. Niyaya niya ang kanyang lolo, si Ashley at si Chris. Ngunit si AShley lang ang pumayag.

"Sorry, pupunta ang girlfriend ko dito bukas eh. Para mag spend ng Christmas together," nakangiting sabi ni Chris.

"Ayaw ko sumama. Kailangan kong bantayan ang bahay at andyan naman si Chris na araw- araw bumibisita," sabi ni Gerry.

"Ako sasama ako, basta ngayong vacation lang," nahihiyang sabi ni Ashley.

              Kinabukasan, nag byahe na ang dalawa. Tulad ng dati, nagsusuka si Erik sa barko.

                Nakarating na si Erik at si Ashley sa apartment na dating tinitirhan ni Erik. Nagpahinga agad ang dalawa. Sa sahig natulog si Erik dahil hindi kasya ang dalawang tao sa isang kama. Kinabukasan, binisita ni Erik ang kanyang mga kaibigan.

"Jun, kamusta ka na?" sabi ni Erik.

"Eto may GF na, kasama ko pa nga eh," pagmamayabang na sabi ni Jun.

"O musta tol?" tanong ni Ian.

"Eto ganun pa rin. By the way, asan nga pala si Hana?" tanong ni Erik.

"Ah umalis siya, pumunta sa Maynila. Doon siya magbabakasyon ngayong pasko," sabi ni Ian.

"GF mo?" tanong ni Jun kay Erik.

"Hindi, kaibigan kong nakilala. Kapitbahay ng lolo ko," sabi ni Erik.

"Sorry Erik sa nangyari sa inyong dalawa ni Hana," malungkot na sabi ni Ian.

"Wag mo nang sabihin, tanggap ko naman eh. Siguro may rason din naman siya," wika ni Erik

A new BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon