Popping the question/ Engagement

12 0 0
                                    

"Sa tamis ng tinig na kahalak-halak

ng nag-aawitang masasayang nimfas,

naaanyayahan sampung lumilipad -

sari-saring ibong agawan ng dilag."

Aralin 16, Pahina 75, Saknong 194


Maagang umuwi si Hana from work. Excited sya sa dinner date nila ni Eric. Almost a month din silang hindi nagkita dahil sa parehong busy sched nila sa work kaya no time na makapunta pa sya sa Subic. 

"Daan muna ako sa mall para makabili ng damit. Kelangang maging magandang-maganda ako tonight". kinikilig na sabi sa sarili.

Makailang beses din syang pabalil-balik sa fitting room and finally the red dress looks perfect for her. "Thank you ma'am, come again." sabay abot ng sukli kay Hana.  "Keep the change." nakangiti namang sagot nito.

Pagkauwi ng bahay, binaba ang dala at umupo sa sofa. Masaya nyang pinagmasdan ang picture nila ni Erik. "mahal ko." sambit na nakangiti. Di na sya nakatiis, ilang beses nyang tinawagan si Erik. "The number you've calling is either unattended or out of coverage area"ito ang paulit-ulit nyang naririnig. Tumingin sya sa orasan. "Oh no! I need to freshen up baka ma-late ako sa usapan.

Time check, 9:30 pm nasa labas na sya ng prestiheyosong restaurant na pinag-usapan nila. "sure mauuna ako ng 30 minutes sa kanya." sabi nito dahil 10:00 naman ang usapan.

Namangha si Hana sa kanyang pagpasok. Naririnig nya ang mga lovesong na ang sarap sa pandinig. "this way ma'am." sabi ng waiter. Nagulat sya. Napapikit pala sya habang naglalakad. "ok. it's cool here."kibit-balikat sa nangyari.

Nagpalinga-linga sya  at napansin nyang parang sya lang ang customer maliban sa mga waiter at waitress doon. "Bakit wala pa si Erik? 10:05 na." tanong sa sarili. Muli tinawagan nya ito at tulad kanina ay unattended or out of coverage area daw ang cp nito. Nakaramdam na sya ng kaba. "itetext ko na lang sya para iremind na dito na ako." Ngunit biglang may narinig syang nagkantahan mula sa kanyang likuran at paikot sa kanya. Nakangiti lang sya walang masabi. "awkward may serenade pala dito pero wala pa ang partner ko. Ano ba mapapahiya ata ako dito. Walk out na lang kaya ako."sabi nya sa sarili.

Mula sa kanyang likuran ay may biglang yumakap sa kanya. "Mahal, ano ka ba? Ginulat mo ako. "Sorry po, Mahal." sabi ni Erik sabay luhod. May nilabas na maliit na kahon sa bulsa, isang diamond ring. "Will you marry me, Mahal?" may kindat pang sabi nito.

Parang nahipnotized si Hana. Wala syang masabi kundi nakangiting nakatitig lang kay Erik.

"Mahal, ano na? will you marry me?"

"Yes,yes,yes...."parang walang katapusang yes na sagot ni Hana. Niyakap sya ng mahigpit ni Eric. "I miss you." bulong nito.

Sabay naglabasan ang kanilang mga kaibigan.

"Yeheeeyyy! ilabas na lahat ng order!" sabi ni Ashley

"It's party time!" sabay-sabay na sigaw ng lahat. Masayang-masaya sila ng gabing iyon lalung-lalo na ang engaged na sila Erik at Hana.

Music starts with the sweet melody.

"May I have this dance." nakangiting si Erik. "Sure." si Hana. 

"I thought dinner date lang to Mahal for your promotion." bulong ni Hana

"Nasurprised ka ba Mahal ko? 

"Obvious ba?" sabay nagtawanan ang dalawa.



A new BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon