" At ngayong malaki ang aking dalita
ay di humahanap ng maraming luha,
sukat ang kapatak na makaapula,
kung sa may pagsintang puso mo'y magmula.
Aralin 8 p.36, 56Humarap sa kanya si Hana at sinabing tama na!
Ako ang problema! pag-usapan natin? ayaw kong pag-usapan natin ang nakaraan mo!
Naaawa lang ako sayo, sa nangyari sa magulang mo at naaawa lang din ako sa sarili ko na umaasa pa na bumalik ang iyong alaala bago ko masabi ang lahat ng ito.
Oo! aaminin ko, masaya ako na gusto mo ako dahil gusto rin kita, mahal din kita simula nung mga bata pa lang tayo. Hinding hindi ko makakalimutan ang pangako mo sakin, sana maalala mo ang ginawa mong pangakong iyon.
Iniiwasan kita dahil ayaw kong maalala mo ang masaklap na nakaraan na kasama mo pa ang mga magulang mo. (napaupo sa sahig habang umiiyak)"Nakaraan? simula pagkabata? mga magulang ko? masaklap na nangyari sa kanila?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Erik.
Wala akong maalala sa pinagsasabi mo. Ah! damn! ang sakit ng ulo ko
"Wala kang maalala pero may nararamdaman ka!" umiiyak na sabi ni Hana.
Napadla si Erik at halos walang lumabas na salita sa kanyang mga bibig.
"Talagang wala kang maalala dahil naaksidente ka, naaksidente ka kasama ang mga magulang mo at dahil dun nagkaroon ka ng amnesia."dagdag ni Hana.
" Kaya pala..... salamat, salamat dahil sinabi mo ang lahat ng ito," nakayukong sabi ni Erik.
Tumakbo si Erik habang umiiyak.
"Buong buhay ko..... puro kasinungalingan..... akala ko wala nang nagmamahal sakin," umiiyak na sabi ni Erik.
Pero all this time akala ko nag-iisa ako, nagkamali ako, may kasama ako sa aking paglalakbay sa buhay, mga kaibigan ko at ang mga gumagabay sakin.
Alam ko na ang gagawin ko. Aalamin ko ang katotohanan, ang buong detalye ng buhay ko simula nung pagkabata ko.
Lalayo na muna ako dito at sa iba na mag-aaral. Pasasalamatan ko ang lolo ko na gumabay sakin simula nung nawala ang mga magulang ko at kakausapin ko siya tungkol sa nakaraan ko.
At si Hana ang magsisilbing inspirasyon ko sa panibagong sitwasyon na aking haharapin.