"Ipinahayag ko ng wikang mairog,
ng buntunghininga, luha at himutok
ang matinding sintang ikinalulunod,
magpahangga ngayon ng buhay kong kapos"
Aralin 25 p.110, 293Agad hinanap ni Erik si Hana at si Ian. Hindi niya alam kung saan sila nagpunta. Pinuntahan ni Erik ang lahat ng puwedeng madaanan nila. Tumigil siya sandali at napatingin sa isang engrandeng restaurant sa harap niya. Doon niya nakita si Hana at si Ian na masayang nag-uusap. Dahan-dahan siyang pumasok at minasdan muna ang dalawa. Nang tumagal-tagal hindi na matiis ni Erik at sumigaw siya.
"Hana! may sasabihin ako sayo." wika ni Erik.
Nilapitan ni Hana si Erik at hinila papalabas."Bakit ka nandito Erik?" sabi ni Hana
(Hindi sinagot ni Erik ang tanong niya)"Sino ba iyang kasama mo? kaanu-ano mo siya? May namamagitan ba sa inyong dalawa? nanliligaw ba iyan sayo? may ginagawa bang masama sa iyo yan?" sunud-sunod na tanong ni Erik.
"Teka nga lang, ano bang nangyayari sayo?" naiinis na tanong ni Hana.
"Hana gusto na kita! mahal na kita!" mabilis na sinabi ni Erik.
"Ha? Ano? Hindi ako nakikipagbiruan sayo!" nalilitong sabi ni Hana.
"Puwes! Hindi rin ako nakikipagbiruan sayo, totoo lahat ng sinabi ko," wika ni Erik.
Hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang ikaw ang nagpapasaya sakin. Masaya ako kapag kasama kita, kapag nakikita kita. Para bang ikaw ang nakakaalam ng lahat tungkol sakin. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko nung unang beses pa lang kita nakita pero parang dati pa kita kilala. Kaya, Please! sagutin mo na ako.Natulala si Hana sa kanyang sinabi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya tumakbo na lang siya papalayo.
"Anong nangyari kay Hana?" nagtatakang tanong ni Ian.
"Wala!" matigas na sagot ni Erik.
"By the way, pinsan niya pala, Ian, nice to meet you," sabi ni Ian.
"P..... pinsan?" tanong ni Erik.
"Oo, pinsan ni Hana," balik ni Ian.
"Diyos ko! ano itong gulong pinasok ko!"pabulong na sabi ni Erik.
"Ha? Ano?" tanong ni Ian.
"Erik, Erik ang pangalan ko," sagot ni Erik.
"Erik? kaya pala tumakbo si Hana," sabi ni Ian habang tumatakbo pauwi.
"Sandali lang! anung ibig sabihin mo!" sigaw ni Erik.
Kinabukasan, sinubukang kausapin ni Erik si Hana pero pilit lumalayo. Sa huli, hindi na kinaya ni Erik, pinilit niya si Hana na kausapin siya.
"Kausapin mo naman ako," nagmamakaawang sabi ni Erik.
Ano bang problema mo? pag-usapan natin to! nang dahil ba kagabi? o ayaw mo lang sakin?!Iiling-iling si Hana. Naramdaman ni Erik na may gusto itong sabihin sa kanya.
"What! di ka man lang ba magsasalita?" sabi ni Erik.
Biglang humarap si Hana sa kanya at sinabing.....