PROLOGUE

17.1K 300 20
                                    

"It's crazy to give someone your heart, and in return get treated like crap."

-Freda Ysabel Wilford.

Everyone loves me, adores me, and willing to give everything to me --except for that one person, who I can't say "NO" with.

Kapag sinabi nya ay ginagawa ko ito kaagad. I always follow his commands. Willing to run errands for him, getting all the things done for him. And always present (and involved) in his every events to support him. But then, when I am the one asking for it, just something very simple to do. He is usually reluctant or worse - BUSY.

It hurts ---SOBRA!

To love someone who can't love you back.

Yung ginawa ko siyang mundo, habang ako ito lang, isang orbit para sa kaniya.

Ako na laging available para sa kaniya, habang siya walang oras para sa akin.

Alam ko naman, sa una pa lang -- hindi niya ito hinihingi, he never asked for it. I willingly gave it to him --yung kung paano ako makitungo sa kaniya, it's my choice.

Dahil mahal ko siya -- he was my first kiss, my everything and he was my husband, after all!

But then, hindi niya ako mahal at never niya akong mamahalin. Pilit lang naman ang naganap na kasal sa aming dalawa -- it's the agreement made by our fathers.

Pumayag ako dahil mahal ko siya, pero siya? Pumayag siya dahil respeto para sa tatay ko na nag-alaga sa kaniya noong mga panahong kailangan niya ng ama. At araw-araw niya itong ipinapamukha sa akin, ang saklap na ang tingin niya sa kasal namin ay isang malaking pasasalamat lamang sa ginawang kabutihan sa kaniya ng aking tatay. Kumbaga pakunswelo sa nawalang panahon na dapat kasama namin ni Kuya Leyson ang tatay namin at hindi siya.

Pero hindi ko iyon hiningi, hindi ko hinihingi ang panahong iyon na nawala sa kabataan namin, hindi ko hinihinging punan niya iyon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa akin. Damn him! I should hate him for making me feel like this, worthless and unlovable.

Gusto ko lang naman ay mahalin niya din ako -- kahit hindi higit o katumbas ng pagmamahal ko sa kaniya. Kahit katiting man lang, iparamdam niya rin sana sa akin iyon. Ngunit malabo na atang mangyari iyon lalo na at may mahal talaga siya at hindi ako iyon, never na magiging ako.

TAKE ME FOR GRANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon