SIX

7.1K 198 10
                                    

(FREDA'S POV)

Ang pagkabunyag ng sekretong kasal namin ni Daniel ay naging malaking isyu sa Philippine media at sa ibang bansa.. naging trending topic sa social media platforms at kahit sa front page ng mga dyaryo..

Kabilaan ang mga dinaluhan naming pagtitipon ng magkasama  ng malaman ng mga bigating negosyante at personalidad ang tungkol sa totoo naming relasyon..

We need to.. we have to act like we are a happy couple.. dahil kung hindi masisira ang pangalan na aming iniingatan ni Daniel..

Masyadong matrabaho at nakakapagod.. ang pagpapanggap.. ito rin ang isa sa dahilan kung bakit pinili namin na isekreto ang tungkol sa kasal namin noon.. dahil sa burden ng pagiging tagapgmana ng isang mayaman at kilalang angkan.. malaking bagay ang bawat galaw mo para sa ibang tao.. daig pa namin ang isang artista dahil sa kaliwat kanang interview sa telebisyon at radyo. kahit sa mga magazine, kung noon kinukuha lang ako as a solo model.. ngayon ay dalawa na kami ni Daniel ang magkasama.. which is ayos lang.. para share share kami ng responsibilidad..

Isang buwan palang naman ang lumipas simula ng pumutok ang balita.. pero parang isang taon na ang nasayang dahil sa sobrang hectic ng naging schedule namin.. Pero kahit ganoon pa man din ay naisingit pa rin namin ang pagattend sa graduation namin last week lang.. Yes.. finally tapos na din kami sa pagaaral.. kaya medyo nabawas bawasan ang mga matang nakasubaybay sa amin ni Daniel.. naging malaking pasabog rin kasi tlaga iyon sa skul.. May isang beses pa ngang binangga ako ni Era eh.. remember her? isa sa ex ni Daniel.. pero paki ko.. di ko na sya pinatulan.. ayaw kong bumaba sa lebel nya..

So back to the present..

Nakahilata ako rito sa sofa sa sala.. wala kasi akong magawa.. ito ang mga araw na feeling ko pagod na pagod ako kahit kagigising ko lang.. Ilang araw na ring masama ang pakiramdam ko pero iniinda ko lang..

Si Daniel? ayon ewan ko kung nasaan sya.. Baka nasa kompanya o sa piling ni Faith.. Ewan ko.. Maraming nagbago sa pagsasama namin, mas lalo syang naging cold sa akin.. He is mad at me, because of what I did.. Hindi na rin nya ako ginagalaw.. Iniiwasan nya na ako.. na parang may nakakahawa akong sakit.. Masakit.. sobra.. dahil kahit naging cold din ako sa kanya at umaaktong walang pakialam to save my pride.. nasasaktan pa din ako dahil mahal ko eh.. Umakto lang naman akong kunwari hindi na nasasaktan kasi ayaw kong mas lalong magmukhang kaawa awa sa kanya..

Mahal ko pa din naman sya pero hindi na katulad noon na nagmumukha na kong desperada mahalin nya lang.. Tanggap ko na.. tanggap ko na na wala na talaga kaming pag-asa..

At nagkakasama lang kami kapag kinakailangan.. Kaya ko din ginawa yung paglabas ng tungkol sa amin dahil kahit sa paraan lang na iyon ay masasabi kong may karapatan ako sa kanya.. kahit may deadline..

Nanonood lang ako ng spongebob sa TV habang nakahiga.. wala, I am not feeling well talaga.. nahihilo ako na ewan..

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako parang walang trabaho.. lalo na at dapat sa panahong ito ako na ang nagpapatakbo ng WILCO., pero ayoko ko talaga ng amoy ng 4 sided na kwarto you call, office. kaya hinayaan ko lang na sila Kuya at Daniel humawak nun.. pero sinisigurado kong ako pa din ang may full authority sa Wilco., bilang ako ang CEO neto.. kaya kailangan pa din nila ng perma ko concerning the company.. Kaya kahit sa bahay lang ako, nirereview ko pa din ang lahat ng tungkol sa WILCO.. at kahit sa ibang kompanya ng pamilya.. ang GUEST at FGC dhil may shares din ako doon.. Kahit sa kompanya nina Dan, yung APFURN. - Apolonio Furnitures may hati ako bilang dowry nung ikinasal kami..  Pero ang pinakaFocus ko talaga ay ang FREYSA Clothing line ko.. actually its Mom's pinamana nya sa akin. located sa France at Spain..

Ang boring.. nakakadalawang oras na akong nanonood kay Spongebob.. ano ba to marathon nya? hays.. Tawagan ko kaya si Nica.. at maggala kami.. Im sure, wala din yung gawa ngayon.. rebelde din yun eh.. Pinapainit lagi ang ulo ni Ninong David at Dom.. Ayaw nya kasing hawakan ang FALCON U. o kahit ang kompanya nila.. Ewan ko don.. matawagan nga..

TAKE ME FOR GRANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon