(FREDA'S POV)
"May sakit ka ba Ysabel?" Out of nowhere na tanong ni Nica..
Andito kami ngayon sa isang cafe.. umiling lang ako.. at ininum ang capuccino ko..
"You look pale, Ysa.." sambit nya pa ulit at inabot ang noo ko to check my temperature.
"Hindi ka naman mainit.." sambit nya pa. pero wala talaga akong ganang magsalita ngayon.. nakatanaw lang ako sa labas ng Starbucks..
"Stress ka ba? Inaaway ka pa din ba ni Daniel Panget?" Tanong pa ulit neto.. hays.. ang kulit talaga ng lahi ni Nica oy.. ang. daldal nya pa.. pero alam ko naman kasing concern lang ito sa akin.. hays.. Kaya umiling ulit ako sa kanya to answer her questions..
And I sip again to my cup of capuccino bago sumagot.
"Hindi naman.. Nagbago nga sya eh.. Nakakapagtaka.."
Inabot naman ni Nica ang pisngi ko para ipaharap ang mukha ko sa pagmumukha nya.. tss.. Nakita ko tuloy ang paglaki ng mga mata neto sa isinambit kong impormasyon..
"And?" Tanong nya..
Kumunot naman ang noo ko..
"And what?" sagot ko lang din sa kanya. wala eh. tinatamad kasi talaga akong magkwento ngayon pero knowing this girl? ang kulit neto eh..
"Ano.. Paanong nagbago?? Tell me. Tell me, Ysa!"
tsk. hays. fine..
"Ahm. Mukhang nagiging sweet sya? Like doing some actions na hindi nya naman talaga ginagawa noon.. and he is always the one starting the conversation.. ang dami nyang itinatanong tungkol sa likes and dislikes ko.. Tapos ano pa ba.. Pinagluluto nya ako? Nauutusan ko sya.. Kahit nasisinghalan ko sya minsan sa katangahan nya, He just take it as a joke at magmemake face kaya ending natatawa na lang ako.. Kapag wala ako sa mood, gagawa sya ng act na nakakatawa.. Ah! Lagi na syang nakapirmi sa bahay.. na ipinagtataka ko dahil hindi naman iyon taong bahay.. tapos andoon lang sya, mangbubwesit sa akin.. And lagi ko syang nahuhuling nakatingin o nakamasid, at nahuhuli ko rin syang hinahalikan ako kapag nakakatulog ako? So creepy.. yet nakakakilig. Hihi.." Nakapangalumbaba kong litanya kay Nica sa mga pinagbago ni Daniel.. yes.. as if I am daydreaming.. pero totoo talaga.. he changed.. nagsimula naman na iyon noong time na mahuli ko syang nakadampi yung labi nya sa labi ko.. Nagbabago na sya nung time na yun, pero mas tumindi lang noong simulang manggaling kami sa Ampunan. Ang creepy din, nakakatakot kasi mas lalo akong nahuhulog sa kanya.. kaya baka hindi ko kayanin kapag naghiwalay na kami.. hays.. pero sympre di mawawala doon ang kilig na nararamdaman ko.. ang paglipad ng mga paru paru sa loob ng tyan ko at ang kuryenteng dumadaloy sa tuwing nagkakadikit ang balat namin..
Ngiting ngiti naman si Nica sa pagkukwento ko..
"Ano yan joke?" komento nya lang.. sa haba haba ng sinabi ko.. yan lang sasabihin nya.. hays..
Inirapan ko nga..
"seryoso nga.." smbit ko na lang. nakakainis.. ganun ba kaimposibleng mahalin rin ako ni Daniel. tong babaitang to..
Tumawa naman ito..
"Yeah yeah.. Napapansin din namin ang pagbabago nya.. Mas naging maingat kasi sya sa pagalalay sayo.. nagmumukha ka na ngang babasaging gamit na may nakalabel na 'FRAGILE. PLEASE HANDLE IT WITH CARE' eh. Gusto lang talaga kitang iniisin.. pero true.. he changed the way he act towards you.. Tinanong lang kita for confirmation kung ganoon din ba sya kapag kayo lang.. pero totoo nga.. Hindi lang pakitang tao para sa publicity.." Tumango tango naman ito as if agreeing with her own statement.. tsk.
BINABASA MO ANG
TAKE ME FOR GRANTED
RomanceIt's crazy to give someone your heart, and in return get treated like crap. Mahirap. Masakit. Nakakaloko... To love someone who can't love you back. Yung ginawa mo siyang mundo, habang ikaw isang orbit lang para sa kaniya. Ikaw na laging available p...