TWO

9.7K 242 6
                                    

(Freda's POV)

"Stop him..." sambit ni Hani habang sarap na sarap sa milktea na kanyang iniinom.

I look at her, naka-sumbrero ito at simpleng t-shirt at pants.

"Seriously Hani! Lagot ka na naman kay kuya kapag nalaman nyang andito ka na naman sa Pilipinas."

Imbis matakot ay tumawa lang ito. Itong batang ito talaga, hindi ko alam kung paano ako nakakasabay sa mga trip nya sa buhay.

"Com'on Ate Ysa! I know you wouldn't dare to tell him my whereabouts, and don't change the topic here. Look --your good for nothing husband is doing some flirtatious things with that bitch!"

Tinignan ko naman ulit ang tao na nasa kabilang mesa lang namin ni Hani.

It's Daniel and Era, the famous gal in the campus. Tss, kasama ang mga alipores netong akala mo aattend ng children's party dahil sa mga make up nila, mukhang mga clown.

Ilang weeks na ba silang "thing" dito sa campus? Ay hindi, it's been a month na pala ng maging sila.

Inirapan ko lang si Hani at ibinalik ang tingin sa kinakain ko.

"So? As if I have the rights," naging tugon ko lamang.

"Of course, you do! You're the wife, ate --and it's damn legal..." tugon niya at napansin ko rin ang pag-irap niya sa akin. Malditang bata, kaya nga kami nagkakasundo neto eh.

Ma. Hanibella Custodio, 16 years old. Bale apat na taon ang agwat ng aming edad, pero halos magka-built lang kami ng katawan at may blonde itong buhok. Dahil na rin sa lahi nyang espanyola at amerikana. Yeah! Anak sya nina Tita Hana at Tito Edward --mukha nga syang barbie doll eh. But do you think, she's just an ordinary girl? Na-uh... she has a secret, oh well everyone of us does have a secret, do we?

Pero isa lang ang masasabi ko, kahinaan sya ng cold hearted kong kakambal, Frederik Leyson Wilford at ako lang ang nakakaalam nun. Haha!

Umiling lang ako at nanahimik na, ayokong makipagtalo sa kanya lalo na at kapag tungkol sa mga dirty tricks / monkey business ni Daniel at ng mga babae neto.

Hindi pa ba ako nasanay?

We are already one year and a half months married. Oh well, it's our darkest secret --only family members, closest friends and family friends knew about it. At sa halos dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa, ilang beses ko na rin syang nakikitang may kasamang ibang babae at hindi alam ng pamilya namin iyon. I didn't even bother tell it to them, for what? Para magmukhang desperada lang sa mga mata nya? No way in hell! I choose this life with him, so be it.

"Let's go..." sambit ko kay Hani --inayos ang mga gamit ko at tumayo na.

Napansin ko namang napatingin sa pwesto namin si Daniel. But I didn't bother to look at them, straight.

"Where to, ate? I am tired. Com'on! I just got here at ikaw agad ang pinuntahan ko. Diba two hours naman ang break mo?"

Pagtatantrums neto, hays.

"Let's go somewhere, I will not attend my afternoon classes," sambit ko na nagpagalak sa kanya ng todo. Tss.

"Really ate?? You will ditch your classes just for me?" Ngumisi lang ako at naglakad na palabas ng cafeteria. And I know people are staring at me now, including them, Daniel and Era --why not?

I am Freda Ysabel F. Wilford --I got it all; Fame, Money, Brain, and Beauty --at apelyido ng taong mahal na mahal ko. Hindi nga lang pwedeng ipangalandakan that I am Daniel Apolonio Jr.'s wife. Dahil yun ang kagustuhan naming dalawa, actually gusto nya lang, but then, I have no choice but to agree with him.

TAKE ME FOR GRANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon