(FREDA'S POV)
Isang linggo na ang nakakalipas ng mas lalong maging clingy at sweet si Daniel sa akin.. Kahit kasama namin ang barkada o kung kami lang dalawa ay ganun pa rin ito.. Kaya kahit sina Dom at Anthony nasusuka na sa pagiging sweet niya sa akin. Pero doon pa din ang pagmamaldita ni Nica sa kanya dahil pagbaliktarin at baliktarin man natin ang mundo ay nasa katotohanan pa rin kami kung saan nakaaligid pa din sa kanya si Faith..
Pero nagtaka lang ako dahil simula ng makita namin sya ni Nica kasama si Faith ay hindi na ito nasundan.. Dahil laging ako lang ang kasama neto..
He even prepared a date for the two of us last night sa isang Yacht na pagaari ni Ninong David..
and it all went well.. we even ended up making love all night long.. gentle naman ito kaya alam kong hindi naiipit si Baby.. and last time na nagpacheck up ako sa Obgyne ko ay safe naman daw makipagtalik lalo na at hindi pa naman ganoon kalaki ang tyan ko.. and masaya din ako dahil healthy at malakas ang kapit ng anak ko.. basta panatilihin ko lang daw ang healthy lifestyle.. sabagay one week ko palang naman itong nalaman eh.. and I will do everything to protect my baby... at all cost..
"Wala ka pa rin bang planong sabihin ang about sa Inaanak ko kay Daniel? Mukhang seryoso naman na sya sayo eh.. seryoso na syang ayusin ang relasyon nyo.. And mukhang nagtataka na din sya sa mga pagbabago mo.. Diba mas better namang malaman nya sayo kesa sa iba ang tungkol sa pagbubuntis mo.." sambit ni Nica..
Andito kami sa isang japanese restaurant, eating a bento.. nagcrave kasi ako bigla nun kaya dito namin naisipang kumain ng lunch.. Napaisip naman ako sa tinuran neto..
"But... How about Faith? I think she's still here in the country.." sambit ko lang..
Inabot naman ni Nica ang mga kamay kong nakapatong sa mesa.. Pinisil nya iyon as a sign na magpakatatag lang ako..
"Then.. ask him.. Kung ano at sino ba talaga si Faith Torres sa buhay nya ngayon.. paano mo malalaman kung hindi mo tatanungin? Kung aasa ka lang sa mga mangyayari sa paligid mo.. Mabubuhay ka na lang din lagi sa pangamba at takot kaya ending masisira lang ulit ang binubuo nyong pagmamahalan ni Daniel.. Kasi ikaw mismo natatakot harapin ang katotohanang pwedeng makapagpabago ng buhay nyo.." Payo ni Nica sa akin.. Tama siya.. Maaaring nagbago na ang sitwasyon ngayon kesa noong panahong kinompronta ko si Daniel tungkol kay Faith Torres..
Hindi naman siguro sya magiging ganito sa akin ngayon kung may something pa sila ni Faith, diba..
I look at Nica..
"samahan mo ako sa WilCo.." sambit ko..
"Gagawin mo don? Magtatrabaho ka na?" parang ewan namang tanong nya..
"Pupuntahan ko si Daniel.. Nandoon sya ngayon.. Sasabihin ko na ang tungkol sa pagbubuntis ko.."
Napangiti naman sya.. At pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa Wilco..
*******************************
(DANIEL'S POV)
"Hi Sir. Itatanong ko lang po kung may kakilala kayong Faith Torres.." Tawag sa intercom galing sa 1st Floor ng Wilco..
Sinagot ko naman ito..
"Yes.. please..papasukin nyo sya.. she is my friend.."
at pinatay ko na iyon..
Tumawag kasi si Faith ngayon ang flight nya pabalik ng States.. Kaya for the last time.. gusto nya sana akong makita at makapagpaalam ng maayos.. At busy ako kaya dito ko na sya pinapunta sa Wilco..
BINABASA MO ANG
TAKE ME FOR GRANTED
RomanceIt's crazy to give someone your heart, and in return get treated like crap. Mahirap. Masakit. Nakakaloko... To love someone who can't love you back. Yung ginawa mo siyang mundo, habang ikaw isang orbit lang para sa kaniya. Ikaw na laging available p...