Isa

3.8K 70 3
                                    


Kabanata 1

Transferee

Winter's POV

"Welcome back 4th year Architecture students, from your semestral break!" Bungad ng professor namin na matabang lalaki. "And I'm glad you're all here. Akala ko yung iba sa inyo ay naputulan na ng kamay" nagtawanan naman ang mga classmates ko dahil sa biro ni prof. Ewan ko kung genuine ba talaga yung tawa nila or nakitawa lang sila. Baka kasi ibagsak sila ng wala sa oras ni prof pag 'di sila tumawa.

Inayos ko ang neck tie ko at medyo niluwagan ito, dahil medyo masikip ang pagkakalagay ni mama. Napatigil ako ng tinignan ako ni prof.

"By the way class. There's a newbie here... I mean transferee. She's Miss Winter Montenegro" pagkasabi ni sir ng mga iyon at tinapunan ako ng mga classmates ko ng tingin. I just give them a smile.

Yes, I am a 4th year college transferee student, taking BS Architecture. Siguro nagtataka kayo kung bakit isang semester na lang ay nagtransfer pa ako dito sa stanford University. Is because of our family business. Nakatira kami before sa daegu, south korea. Maayos naman kami doon kaya nga lang na-assign si Mama dito, dahil siya raw ang magpapatakbo ng isa pang company namin dito sa Pilipinas.

Sana lang talaga ay makaya ko pang maki-fit in sa mga classmates ko, gayong alam ko naman na lahat sila close na sa isa't isa. Ayoko talaga ng ganito eh, kung kailan nasanay ka na sa isang lugar bigla naman kayong aalis.

Pagkatapos ng isang oras na klase, ay nagdismiss na si prof. Napag-alaman ko na siya si sir Abante, an Architectural Design professor. Tatayo na sana ako, pero napatalon ako sa gulat ng may lumapit sa akin na tatlong babae. Sa sobrang ikli ng palda nila, baka konting yuko lang kita na panty nila. High waist pleated skirt, color black ang palda namin habang ang pantaas ay naman ay long sleeve na kulay red. At may black neck tie rin kami.

"Hi! I'm Kelly!" Pagpapakilala niya sa akin sabay lahad ng kamay sa akin. Mahaba at straight ang buhok niya, at kulay brown ito. Yung ilong niya ang tangos, may lahi kaya to? Tapos yung mata niya ang ganda, color brown. And girl! Dagdag mo yung mahabang pilik mata niya and thin lips. Ang ganda niya. Pero para hindi siya magmukhang kahiya-hiya, ay iniabot ko rin ang aking kamay, at nakipag shake hands.

"Nice meeting you Winter. This are my friends, Jenny." Turo niya sa katabi niyang babae sa kanan. Hanggang balikat ang itim niyang buhok, makapal ang kilay at may brace din siya. Hmm...salamin na lang kulang betty la fea na siya. JOKE. pretty naman siya pero 'di ganon katangos ang ilong niya. Pero infairness bagay sa kaniya pagiging morena niya.

"And this is Mitch" turo naman niya sa kaliwa. Wavy ang buhok niya, gaya kay Kelly color brown din ito. Maganda ang mata at mahaba ang pilik mata, pero nakasuot siya ng eye glasess. Pero ayos din kasi bagay naman sa kaniya.

Ngumiti ako sa kanila at gumanti rin naman sila ng ngiti. Nakakatuwa naman dahil may gusto agad makipagkilala sa akin. "Nice meeting you rin"

Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako ng hawakan ni kelly ang magkabilang balikat ko, at tinignan ang mukha ko, na para bang sinusuri ang hitsura ko.

"B-bakit?" Naiilang kong tanong sa kaniya

Ngumiti siya "brown eyes, thick eye brows, long eye lashes, thin pinkish lips, rosy cheeks, long brown straight hair, and hmm I think your in 5'4" sa sobrang pagtataka ko ay napakunot ang aking noo. Bigla naman siyang napahalakhak with matching hawak pa sa tiyan niya. May sapak ba to?

"I'm sorry, na carried away lang ako. Ang ganda ganda mo kasi Winter! Bagay na bagay sa iyo ang name mo! Kasi maputi ka rin......" nang mapansin niyang medyo naiilang na ako ay lumayo siya sa akin.

Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon