Dalawampu

1.1K 21 1
                                    

Kabanata 20

Hiling

Winter's POV

CW & TW // Violence, Shotguns, Death

Takbo...

Takbo...

Takbo...

Gusto kong tumigil dahil pagod na ako, pero hindi maaari. Dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa oras na tumigil ako.

"Winter!" Sabi ni Mitch ng huminto kami sa may likod ng hagdan. Hingal na hingal din siya gaya ko.

"Tumakbo ka lang! Huwag kang hihinto ah! Tatawag ako ng mga pulis... kung bakit kasi bawal lumabas ng campus ngayon!" Inis na sabi niya

"S-Salamat Mitch" Sabi ko sabay hawak sa kamay niya "Utang ko buhay ko sa'yo..." Napayuko ako "P-pero si Robert"

"Shhh... ako ng bahala doon, 'di ba tatawag nga ako ng pulis. Ngayon kailangan mong magtago pansamantala, hangga't maaari pumunta ka sa mataong lugar. Sa social hall-" Hindi natapos ni Mitch ang sasabihin niya dahil narinig namin ang boses ni Eros.

"Alam kong nandito ka... lumabas ka na Winter. Mahal kita hindi kita sasaktan" Mahina pero seryosong sabi niya

"Go..." Tinulak ako ni Mitch kaya tumakbo ako patungo sa social hall.

"Gotcha!" Napahinto ako ng makaharap ko si Eros. Pawis na pawis siya at hapong hapo. Pero hindi pa rin mawala ang taglay niyang ka-guwapuhan. Siguro kung tanga ako, baka madala ako sa mga mata niya.

"In your dreams!" Sabi ko sabay takbo muli ng mabilis.

"Ah ayan ba ang gusto mo babe? Ang mataya-tayaan? Bakit hindi na lang hide and seek! Magaling ako doon!"

Hindi ko siya pinakinggan at tuloy lang ako sa pagtakbo. Shit! Imbis na sa social hall ako papunta mukhang sa abandonadong building pa ako makakapagtago.

Lumingon ako sa likod ko at medyo malayo na ako kay Eros. Pero napabagal ang takbo ko ng may nakasalubong kong mangilan-ngilang estudyante.

Hapong-hapo akong tumigil sa isang sulok ng kwartong ito sa abandoned building matapos akong tumakbo ng pagkabilis-bilis,wala na akong pakialam kung marami akong nabangga. Ang akin lang ay gusto ko siyang takasan.

I just want to be free! Why can't he understand me for Pete's sake!

Napatalon ako sa gulat ng padabog na bumukas ang pinto ng kwarto kaya dali-dali akong nagtago sa likod ng teachers desk.

"Where are you baby?... sabi ko naman sa iyo 'di ba. Playing hide and seek is my forte"

Nagtayuan lahat ng balahibo ko dahil sa boses niyang garalgal, napahawak na lang ako sa dibdib ko sa sobrang kaba ng aking nadarama. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko. Sana lang ay hindi niya rinig ang tibok ng puso ko.

Nang maramdaman ko na papalapit na ang kaniyang mga yapak ay napapikit na lang ako. Ayokong makita ang mukha niya, natatakot ako...

Ilang sandali lang ay nanatili akong nakapikit ng mariin. Nakaramdam ako na parang may presensya sa aking harapan at titig na titig ito sa akin.

"There you are..." malambing niyang sabi

Bigla akong napadilat ng haplusin niya ang aking pisngi. Wala akong ibang maramdaman kundi panlalamig ng aking sistema. Ngumiti siya sa akin ng pagkalawak-lawak at ang ipin niya wala itong kasing puti. Kung titingnan siya ang tipo ng lalaki na kaya kang paibigin dahil sa taglay niyang kakisigan. Pero hangga't maaari ay huwag kang magpapalinlang sa maamong niyang mata na kakulay ng abo.

Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon