Pito

1.5K 43 0
                                    


Kabanata 7

Old Eros

3rd Person POV

He's gone. I never did it! Nakakalungkot lang na wala na siya. But now wala ng balakid sa lahat ng plano ko. Wala ng aaligid sa kaniya, dahil wala na siya. I think he deserve to be killed anyway, because his too clingy to my girl. And I hate it. That why I let him be killed!

Ngayon akin na talaga siya. Damn. I can't wait...

Winter's POV

"Your final requirement for me, is your going to build a firm. And this is a by two's. And I will be the one to assign, whose going to be your partner" lahat ng mga classmates ko ay umangal dahil ang prof namin ang pipili ng magiging partner namin.

Gusto ko rin sanang umangal pero wala akong gana. Nakakawala ng ganang pumasok, gayong alam kong wala ng nang-iinis at nang-aasar sa akin tuwing papasok ako. Ang lungkot.

Dalawang linggo na simula nung nailibing ng payapa ang katawan ni Jobert. Pero hanggang ngayon pala-isipan pa rin kung sino ang gumawa ng pagpatay sa kaniya. Hindi magiging payapa ang libing niya, hangga't hindi nakakamit ang hustisya. At gusto kong malaman kung sino siya

Mula rin ng malibing si Jobert, ay hindi pa rin nagpapakita si Robert. Naiintindihan ko siya, best friend niya yun eh. Ako nga na kaibigan lang nasasaktan na, paano pa kaya siya. Samantalang si Eros naman dikit ng dikit sa akin. Minsan nakakairita pero hindi ko na lang siya pinapansin.

Lagi niya akong inaalok na siya raw mag hahatid sa akin pauwi sa bahay, pero dedma lang siya sa akin. Minsan pumayag ako, pero takte ang boring niyang kasama nakakatuyo ng laway. Hindi kasi nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit niya yun ginagawa, kung dinadamayan niya ako dahil sa pagkawala ni Jobert, or dahil gusto niyang makipagkaibigan sa akin, or gusto niya ako? Erase! Erase! Feelingera ka na ah

At ang mas nakakainis pa. Sinabi ng prof namin na kami ni Eros ang magiging mag-partner para sa gagawing firm. Gusto ko sanang umalma pero di ko na ginawa, as if naman papakinggan ako ng masungit kong prof. Ang shete lang kasi! Bakit ba parang mas lalo akong nadidikit sa kaniya! Argh! Bwiset siya! Tapos sabi pa ng prof namin na damuho. Char. I-discuss na raw namin sa mga partner namin ang gagawin. Eh pano ko gagawin wala dito yung magaling kong partner. Nyeta talaga yung Eros na 'yon.

Nang matapos na ang class ay agad na akong pumunta sa students lounge, dahil nandoon din nakatambay sina Kelly, Jenny, at Mitch

"Guys may napansin lang ako..." sabi ni Kelly. Habang nakatulala sa isang direksyon. Nang tingnan ko kung saan siya nakatingin, ay napakunot ang noo ko. Bakit anong meron kay Eros

"Tignan niyo si Eros, kanina muntik na siyang mapatid nung nerd na lalaki. Pero ang nakapagtataka.... hindi niya yun pinansin man lang" dagdag pa niya

"Ayaw mo yun! Wala siyang napapahamak" sabat naman ni Jenny na busy sa tablet niya.

"Ang weird eh. Dati kapag may nakasalubong siyang di kaayaaya, sasapakin, sasabunutan, sasampalin or buhuhusan niya ng tubig biglaan. At ang worst, ilalagay niya sa KL niya"

Nakinig lang ako kay Kelly. Narinig ko na naman yung KL na yan. Ano bang meron sa killed list na yun, nakaka-goosebumps. Pangalan pa lang nakakapatay na

"Mayroon na bang napasama sa KL ni Eros?" Tanong ko sa kanila. Sabay sabay silang napatingin sa akin. Bakit nagtanong lang naman ako, mga babaeng to parang bawal ako magtanong. Pero bakit ganon mga reaksyon nila.

"Meron na.... isa rin siyang nerd si Mark. Pero popular naman siya, dahil siya lagi ang pambato ng stanford. Isang beses hindi niya sinasadyang mapasabog yung experiment niya, at saktong napadaan si Eros kaya ayon. Nasakto sa mukha ni Eros yung pag explode. Sobrang nagalit si Eros, dahil muntik na daw masira ang gwapo niyang mukha. Kaya ayon nilagay niya sa KL si Mark" kwento ni Jenny. The way na magkwento si Jenny parang malungkot siya and takot at the same time

"Anong nangyari kay Mark?" Tanong ko ulit

She shrugged her shoulders "I don't know. No one knows, bigla na lang siyang nawala ng parang bula." Kinabahan naman ako sa narinig ko. Nawala siya ng parang bula?

"You heard it right... si Mark ang pinaka unang nalagay sa KL ni Eros, at sa kabutihang palad, wala pang sumusunod. Sana nga mawala na iyon, buti nga ngayon medyo kalmado siya." Sabi ni Mitch

"Yeah just like the old Eros...." sabi ni Kelly. Napakunot ang noo ko

"Old Eros? Bakit ano ba siya dati?" Takang tanong ko

Nagkatinginan ulit silang tatlo.
"Mukhang mahaba habang kwento to ah!" Sabi ni Kelly

"I remember when Eros was only a freshmen here in stanford. He's a quiet, kind and friendly student. A normal typical student," Kwento ni Kelly "Marami siyang kaibigan before. Muntik na nga siyang maging president eh, tumanggi lang siya. Pero nagbago lahat nung nag second year college na siya, at nakilala niya ang babaeng inibig niya. Si Kate."

"Mahal na mahal niya Kate, hindi na nga sila mapaghiwalay noon. Sobra silang in love sa isa't isa. Pero nagbago lahat nung may transferee na dumating. Si Dave. Naging close si Dave kay Eros at Kate, naging partners and crimes silang tatlo. Hanggang isang araw kumalat ang balita na niloko daw ni Dave at Kate si Eros. Kung anong ginawa nung dalawa kay Eros? No one knows, basta ang sabi they betrayed Eros. Nagbago si Eros simula noon, naging sutil siya at puro galit lang palagi. Naging bully siya at tinaguriang bad boy"

"Anong nangyari kay Kate at Dave?" Tanong ko

"Just like Mark, they've disappeared... and no one knows kung nasaan sila. Kung nagtransfer ba ng ibang university or..." Hindi naituloy ni Kelly ang sasabihin niya, dahil bigla siyang namutla... parang alam ko kung anong iniisip niya... ayokong isipin yung bagay na 'yon, pero kinukutuban ako.

"Lahat ng taong sinaktan si Eros, lahat sila nawala ng parang bula.... galit kasi sobra si Eros eh. Kung ako yung nanloko kay Eros lalayo rin ako noh! Konsensiya ko na lang kung di pa ako magpapakalayo" Ani ni Jenny

Lahat sila nawala ng parang bula. Anong ibig sabihin no'n, bigla na lang silang umalis sa university na ito? Ngayon alam ko na kung bakit nagkakaganiyan si Eros. Biktima lang din siya ng panloloko. Naawa tuloy ako bigla sa kaniya. Pero ang pinagtataka ko, kung bakit lately Iba yung trato niya sa akin. Well there's nothing wrong with it, that's he's nice to me. But it's weird. Simula din nung naging malapit siya sa akin, pansin ko rin na medyo nabawasan yung pagiging mainitin ng ulo niya. Ayoko naman mag-assume na ako yung dahilan sa pagbabago niya. Pero one thing I knew is nakaramdam ako ng awa sa kaniya. He's alone all this time. Kahit sabihin natin na malakas at matapang siya sa panlabas niya, pero alam kong sa kaloob-looban niya ay mahina rin siya.

Gano'n naman tayong mga tao 'di ba? We tend to pretend that we're strong and brave enough. Hindi natin inaamin sa sarili natin na nanghihina tayo, dahil para sa atin iyon ang way para makalimot at mas maging matatag. Pero ang hindi natin alam iyon ang unti-unting sisira sa atin, dahil hindi natin nilalabas kung ano talaga tayo. We tend to wear a fake mask, kaya sa huli tayo at tayo pa rin ang nasasaktan.

Palabas na ako ng campus ng biglang tumunog ang phone ko at nag flash doon ang pangalan ng pangit kong kuya. Sinabi niya lang naman na hindi niya raw ako masusundo ngayon dahil sa busy siya sa trabaho niya. Ang pangit niya, busy daw sa trabaho. Ang sabihin niya busy siya sa mga chicks niya. Kala mo gwapo, tsk pangit naman.

"Hatid na kita sa inyo"

"Ay pangit ka! Eros!" Napahawak ako sa dibdib ko. "Nanggugulat ka naman eh!" Buset na to may lahi ba siyang kabute!

Natawa naman siya sa reaction ko. Damuhong to pinagtawanan pa ako.
"By the way. Pwede mo ba akong samahan? No mali. Samahan mo ako!" Sabi niya sabay hila sa kamay ko patungo sa kotse niya.

"Oy! Eros bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas ako sa kaniya, pero putcha ang lakas eh "Saan mo ba ako dadalhin? Tsaka pumayag na ba ako?"

"I didn't ask you a question. I give you a command" seryosong sabi niya sabay bukas ng passenger's seat

"At sa tingin mo naman sasakay ako d'yan? No way!" Sabi ko sabay walk out pero nahila niya yung bag ko. Kaya ang ending napunta ako sa harapan niya.

Ang lapit ko na sa kaniya, at amoy na amoy ko yung halimuyak ng pabango niya. Biglang bumilis ang tibik ng puso ko, halos dama ko na ito sa lalamunan ko. Oy teka bakit may dug dug na naman diyan! Oy heart ah umayos ka!

"Sumakay ka na lang please!" Sabi niya sabay tulak sa akin papasok sa loob ng kotse niya.

Nag please pa siya kung sapilitan niya din ako isasakay dito. Epal talaga eh.

Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon