Labing-Dalawa

1K 27 0
                                    

Kabanata 12

Picture

Winter's POV

Dumating ang araw ng linggo at maaga akong nagising dahil sa sobrang excited ko. Simula kasi nang umuwi ako galing ng korea ay hindi pa kami nagkakapag-kita ng mga kaibigan ko. Sobrang miss ko na sila.

Since junior highschool, mag-kakaibigan na kami, at halos lahat na ata ng klase ng tampuhan, awayan ay naranasan na namin. Pero kahit ganoon hindi pa rin kami natitibag. Kung anong dahilan? Hindi ko rin alam talaga, siguro kailangan mo lang talaga na maging tapat sa mga kaibigan mo.

Ang pagiging kaibigan, ay hindi nasusukat sa laging kang nakakasama sa mga galaan, overnights, outing. But friendship is being there for each other, in the times of happiness and sadness. Hindi lang dapat laging sa tawanan at galaan kayo magkakasama, dapat maski sa araw na ikaw ay umiiyak at nagluluksa, nandoon sila. They are ready to lean their shoulders to you. Yes they are willing dahil kaibigan mo sila.

Actually nung una, hindi ko talaga expected na magiging kaibigan ko sila, sila kasi yung tipo ng mga may pagkabad guys na aura. But sabi nga nila, kung totoo kang kaibigan, ikaw ang unang yayakap at tatanggap sa kaibigan mo.

Bumaba na ako sa kwarto at nakapagtataka dahil ang tahimik. It's already 9:30 am, usually ganitong oras nagpapatugtog si mama ng mga favorite songs niya.

Dumiretso ako sa kusina para i-check kung nandon ang mga tao sa bahay, pero wala. Next ko namang tiningnan ay ang garden namin, at doon I saw my mom. Tulala sa isang picture. For sure na-mimiss niya na naman si papa.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng garden pero napatalon na lang ako sa gulat ng biglang magsalita si mama.

"Huwag ka ng mag-ala ninja diyan, presensiya mo pa lang Winsy alam na alam ko na" sabi ni mama sabay harap sa akin at tinawanan pa ako

Napairap ako "Ma! I told you ayoko ng nickname na yan! Ang pangit!" Pagmamaktol ko. Winsy kasi ang tawag nila sa akin dito sa bahay, at buti na lang si kuya hindi gano'n ang tawag sa akin, aba kung hindi tatawagin ko siyang tutoy!

"Bakit? Galing naman yun sa pangalan mo ah! Winter Symphony, Winsy"

"Alam ko ma! Pero kahit na, mas sanay ako sa Winny"

"Tampo na ako! Yung nickname na binigay sa'yo ng papa mo gustong-gusto mo, pero yung aking ayaw mo!" Hala siya kunwari umiiyak pa. Mukhang alam ko na kung saan nagmana si kuya tutoy sa pagka-childish niya.

"Nevermind ma, bahala ka Winsy whatever!" Pagtataray ko

Akala ko sisimangot si mama sa sinabi ko, pero hindi. Ngumiti siya ng mapait.

"Ganito rin kami magtalo ng papa mo noon, kung anong i-papalayaw namin sa iyo. Papa mo rin ang nagbigay ng palayaw sa kuya nikko mo na tutoy"

Natawa naman ako sa sinabi ni Mama. Ayaw na ayaw ni kuya na tinatawag siya ni mama ng tutoy, dahil ang pangit at ang layo daw sa pangalan niya. Tama naman siya Nikko John sa tutoy? HAHA. Pero usually kasi ang mga lalaki iyan ang palayaw.

"Eh Ma! Stop na nga iyan! Iiyak ka na naman eh. Hawak mo pa yang picture ni papa!"

Napatingin si Mama sa picture, kaya napatingin din ako doon. Pero laking gulat ko ng ibang lalaki ang nandoon. Matipunong lalaki, moreno, matangkad at ang gwapo gwapo

"Hala mama! Sino iyan! Don't tell me may boyfriend ka na..... ARAY! MA NAMAN E" bigla ba naman kasi akong binatukan.

"Sira ka talaga kahit kailan! Hindi ba sabi ko naman sa'yo hindi na ko mag-aasawa ulit! Sobrang mahal ko ang papa Henry mo" Napangiti ako. Sobrang mahal na mahal kasi ni Mama at Papa ang isa't-isa. Nakakainggit sila

"Eh sino siya?" Curios kong tanong

"Manliligaw ko ito dati." Simpleng sagot ni Mama. Pero may bahid ng kalungkutan. Sa tono ng boses niya, halatang naging mahalaga sa buhay niya ang taong nasa litrato.

"Naging kakumpetensiya siya ng Papa mo noon sa akin. Noong una, siya talaga ang gusto ko. Kasi palaga niya akong napapasaya, lagi niyang nabibigay 'yung mga gusto ko. Magkaibigan sila ng Papa mo noon, pero nagbago ang samahan nila nang umamin sa akin ang Papa Henry mo tungkol sa nararamdaman niya sa akin. Sobra akong naguluhan nang mga panahon na iyon, pero lahat ng nararamdaman ko para sa lalaking ito ay bigla na lang napalitan ng galit, poot, at takot" malungkot na kwento ni Mama.

"Ha? B-bakit naman ma?" Tanong ko

"Napagtanto ko kasi na, siya ang dahilan kung bakit unti-unting nawala ang mga taong malapit sa akin noon, naalala ko pa noon, halos lahat ng tao tinatawag akong may sumpa at malas. Dahil lahat daw ng taong malapit sa akin at nawawala and worst namamatay"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mama. So ibig sabihin ang lalaking iyang nasa picture ang dahil no'n?

"Tama ka ng iniisip anak, siya nga ang dahilan ng mga iyon, nagalit ako sa kaniya. Nilayuan ko siya at sinabi ko sa kaniya na lumayo na siya sa akin, dahil kinamumuhian ko siya. At ang Papa mo, siya ang laging nasa tabi ko noon nung mga panahong iyon. Tinanggap niya pa rin ako, minahal at nirespeto. Kaya hindi ako nagtaka kung bakit madali akong nahulog sa kaniya"

Tumingin sa mga mata ko si Mama, at kita kong namumula ang mga mata niya dahil sa pag-iyak.

"Anak... ayokong maranasan mo ang naranasan ko noon. Anak ipangako mo sa akin, na kapag magmamahal ka, pag-isipan mong mabuti kung ang lalaking papapasukin mo sa pintuan ng puso at buhay mo, ay talagang kilala mo na ng lubusan. Dahil maaaring ang lahat ng pinapakita niya sa'yo ay palabas lang."

Wala sa sarili akong napatango kay Mama. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong tinubuan ng kaba. Muli kong tiningnan ang picture at pinagmasdan ko ang lalaki na nandoon.

Teka, bakit parang pamilyar siya sa akin? Imposible naman na nakita o nakausap ko na siya, dahil wala akong matandaan. Pero parang may nakikita ako sa kaniya.

Sino ba siya?

***

"Ma! Aalis na po ako! Mga alas onse uuwi na po ako" paalam ko kay mama

"Sige anak. Mag-iingat ka ah! Kung kailangan mo ng sundo, tawagan mo ako" sigaw ni Mama mula sa kusina

"Okay po!" Bubuksan ko na sana ang gate namin pero biglang tumunog ang phone ko, at naka-flash doon ang pangalan ni ella

"Hello! Birthday girl! Happy birthday!" Bungad ko sa kaniya

["Salamat..."] teka bakit ganito ang tono niya

"Huy! Bakit parang malungkot ka? Don't worry papunta na ako diyan—"

["Nasaan ka! Huwag ka nang pumunta dito!"] nagulat ako sa sinabi niya, pero kinalma ko ang sarili ko.

"B-bakit Ella?" Tanong ko

["Pu-pumunta ka dito sa bahay nila Jayson...."] narinig kong pumiyok ang boses niya.

"Ella? Bakit ka umiiyak! anong nangyayari?" Hindi ko na maitago ang kaba ko. Mas lalo akong kinabahan ng humikbi na siya

["si Jayson kasi... Winter..."]













Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon