Siyam

1.2K 38 0
                                    


Kabanata 9

In your dreams

Jenny's POV

["Jenny ah! Bukas over night tayo, pwede naman dito sa bahay namin eh!"] wika ni Winter mula sa kabilang linya.

"Oo na Winter. Pero paano 'yon hindi naman kasama sila Kelly and Mitch. Ang boring non, kung tayong dalawa lang" sagot ko sa kaniya.

Ito kasing si Winter bigla na lang naisipang mag over night sa bahay nila. Tinanong ko siya kung bakit, pero ang sagot niya...

"Wala lang hehez."

Lokaret din yung babaeng yun kahit kailan eh. Pero ayos na rin to para mas makilala ko pa siya. Well, its been a month since she entered stanford university. Isang buwan ko na rin siyang kaibigan. Mabait si Winter, mapagkakatiwalaan, at masiyahing tao. Kaya nga madaling mapalagay ang loob ko sa kaniya.

Lalo na at marami kaming similarities. Like mahilig din siya sa kpop. Ako kasi multi fandom ako, isa akong ARMY, ONCE, Blackjack, exo-l, at marami pang iba. Nagkasundo kami ni Winter, dahil galing siya ng korea. Lugar kung saan nagmula ang mga guwapong nilalang. Na mas kilala bilang oppa

["Ayos lang 'yon! All night lang tayo magpa-fan girl bakla! Ayaw mo yun! Pary party tayo!"] Singhal ni Winter

Nagningning naman ang mata ko dahil sa narinig ko
"Arrghhh!! Gusto ko 'yan!!!! Sige mamaya ah!!"

Pagkatapos namin mag-usap ni Winter ay naglakad na ako sa building A, para magtungo na sa next class ko. Kahit tinatamad ako, go lang! Para sa pangarap kong maging Architect!

Ang parents ko kasi ay parehas na architect, marami na silang nagawang projects sa bansa, maging sa ibang bansa. Kaya sila ang naging inspirasyon ko sa field na ito. Lalo na ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko... WHAAAAAT!

Hala!! Bakit andito si Robert! Takte anong itsura ko! Haggard na ba ako! Sheytt! CONSCIOUS ALERTTTTT!!

Tinali ko ang buhok ko ng half pony tail, at hinayaan ko lang na nakabalandra ang bangs ko. Sabi kasi nila Kelly, bagay daw sa akin ang ganitong style...

Nauunang maglakad sa akin si Robert, kaya malamang ay hindi niya alam na nasa likuran niya ako. Actually, 1st year college pa lang crush ko na si Robert. Paano ba naman kasi, gwapo na, mabait pa, matalino, magaling sumayaw at kumanta!!! Nasa kaniya na ata lahat!!  Lagi akong nagpapansin sa kaniya, pero ewan ko kung napapansin niya ako. Pero isa lang ang sigurado ko, kilala niya rin ako dahil member ako ng student council. Pero kasi hindi niya ako kinakausap o ningingitian man lang. hayssss abot kamay na kita Robert oh! Pero bakit parang ang layo layo mo pa rin sa akin. Kailan mo ba ako mapapansin... Ang hirap talaga magkagusto sa isang tao, lalo na kung hanggang gusto ko na lang talaga... Hugot yan SIS?

Bigla akong napahinto sa paglalakad ng mabangga ako sa likuran ng isang lalaki. Pag-angat ko ng ulo ko...

Ehhhhhhh

Nakahinto na pala si Robert... sa kaniya ako nabangga... naman oh!!! Kekeheye!!!!

"Gomenasai! (Sorry)... I-I mean sorry..." Shet bakit napapa japanese ako dito!!!

Aalis na sana ako dahil sa sobrang hiya, pero bigla niyang hinawakan ang braso ko..... paksheeetttt!!! Pulang pula na siguro ang mukha ko!!

"B-Bakit?" Nauutal kong tanong sa kaniya.

"Japayuki ka?" Seryosong tanong niya

Napanganga na lang ako sa tanong niya. Ja-Japayuki? Yun ba talaga ang tamang term dun? Sheeetttt namumula na naman ang mukha ko!

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya bago sumagot "H-hindi.... nag-aral lang ako ng language n-nila" nahihiyang tugon ko.

Binitawan niya na ang braso ko. At nagulat ako sa pagtawa niya, mabilis lang iyon, pero totoong tawa iyon. Sigh. Lalo akong na-inlove sa'yo eh!!!

"By the way. BS archi ka diba? I'm an civil engineer student." Tugon niya. Alam ko! Alam na alam ko ang buhay mo Robert! "Pwede mo ba akong samahan mamaya, may kailangan kasi kaming bilhin na mga materials, gagawa kami ng firm.... architecture student ka, kaya feel ko ikaw makakatulong sa akin—" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"SIGE! I mean... Okay lang sige tutulungan kita" Sabi ko sabay ngiti.

This is it!!!!! This my chance to shine! Time to shine yon!!!!

"Sige.... I'll just wait you at the main entrance mamayang 6 pm.... see yah later!" Sabi niya sabay alis. Napakaway na lang din ako... totoo ba to???

Sinampal ko ang sarili ko "Ouch..... shet!!! Totoo nga!!!!" Sabi ko sa sarili ko, kahit may napapatingin ng ibang studyante ay wala akong paki!!!!

Basta ang alam ko inaya ako ni Robert!!!!!! Emeged!!!!

Pero paano si Winter.... yung over night pala namin.... teka alam naman niya kung gaano ako kabaliw kay Robert. Maiintindihan naman siguro niya.

Tinawagan ko si Winter at kinuwento ko sa kaniya ang buong detalye ng kinakikiligan ko. Akala ko sasama ang loob niya sa akin, pero hindi! Si gaga kilig na kilig din para sa akin.

["Gaga! Bakit naman ako magagalit ha? To be honest, I'm happy for you nga eh! KYAAAAHHHH! Kilig overload beeee! Gorabels ka na diyan. Next time na lang tayo mag over night, para kasama na rin sila Kelly and Mitch! Support kita diyan ghorl!"]

Yan yung sabi niya sa akin. Hindi nga ako nagkamali. Sadyang mabait si Winter..... Nagmistulang anghel ka Winter!!! ilabyou naaaa!!

Habang papunta ako sa classroom ko ay hindi ko maiwasang mapakanta, ang saya saya ko.... hayahay! Best feeling ever talaga kapag kinausap ka ni crush!!!!

"Jenny!" bigla akong napahinto sa paglalakad at pagkanta ng tawagin ako ng bitch kong schoolmate. Nakataas na agad ang kilay niya, na abot hanggang tore ng school.

"Yes?" Masayang tugon ko sa kaniya. Mainit ang dugo ko sa bruhang ito, pero iba ngayon eh. Masaya ako dahil kay robert! Huwag niya lang subukang sirain

"Masaya ka ah? Pwes! Hanggang diyan ka na lang!" Mataray niyang sabi "stay away from my robert!" Sabi niya, at nakita ko na yung mga alipores niya ay tinaasan din ako ng kilay

Aba! Hindi ako magpapatalo
"At bakit ko naman yun gagawin? Sino ka ba para utusan ako? Nanay ba kita? Ay! Ikaw ba ang nanay ni robert? Di ako na-inform diyan ah!" Sarkastikong tugon ko sa kaniya. Bigla namang umusok ang tainga niya sa mga sinabi ko

"What!.... tsss nevermind... like what I've said. Stay. Away. from him! Baka hindi mo ako kilala?" Tanong sa akin sabay taas ng kilay

Napairap ako "duh! Of course I know you! You are Kim Aguas! The Ms. Stanford of the year" napangiti siya sa sagot ko. "And the great bitch of the university" dagdag ko pa. Yeah you heard it right. She's a bitch! Oopss! No one comes close!

"I'm not a bitch! Baka ikaw yun! Basta layuan mo si robert! Dahil akin lang siya!" Singhal niya

I smirk. "Kim, lend me you ears!" Seryosong sabi ko sa kaniya

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko

"What?"

"I said.... lend me your ears!" Malambing kong sabi sa kaniya. Tss ang sarap talaga asarin ng gagang to

"Are you insane? How can I lend you my ears! I can't even remove it in my head.... isa pa it's mine!" Sigaw niya sa akin

"Tumpak! Correct!.... what yours, is yours. But what's mine is mine! Walang sa'yo kim! Dahil hindi naman nakadikit sa katawan mo si robert, kaya technically he is not yours!" Halos magmukhang kamatis na si kim dahil sa sinabi ko. Tama naman ako ah! Para lang yan tainga niya eh. Kaniya iyon at pagmamay-ari niya iyon, dahil nakadikit yun sa ulo niya. Pero si robert? Hindi.... ni hindi nga siya kinakausap ni robert eh

"You're really impossible jenny! Layuan mo siya! Dahil he's mine!" Sigaw niya

"In your dreams!!! Matulog ka na lang habang buhay para magkatotoo yang kahibangan mo! Dahil walang sa'yo! Bitch!" Pagkasabi ko nun ay pumasok na ako sa classroom namin.

Haggard ako dun ah! Sinira niya ang mood ko!

Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon