Labing-Isa

1K 27 0
                                    

Kabanata 11

Kalaban

Winter's POV

Nahulog nga ba talaga ako sa bitag? Tuluyan na ba talagang nahulog ang loob ko sa kaniya? Sa totoo lang hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kaniya.

I've never been in a serious relationship before, that's why I'm scared. At isa pa, ang daming gumugulo sa isipan ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano nang uunahin ko.

But every time I look to his eyes, I can't understand why I feel butterflies in my stomach, my cheeks turns into crimson and my hearts fluttering. Naalala ko rin nung nasa perya kami, ang saya-saya ko kapag kasama ko siya. But I don't know, why I'm doubting like this. There is something bothering me, about him. I want to know him more

"Your spacing out, Winter." Natauhan ako ng biglang magsalita si Eros habang nagmamaneho "Kanina pa kita tinatanong kung gusto mong kumain muna?" Hindi na naman kasi ako nasundo ng magaling kong kuya. Sa susunod talaga dadalhin ko na yung kotse niya.

Umiling ako kay Eros bilang sagot. Kanina nung palabas ako ng room, hindi ako makatingin ng diretso sa mukha niya. Lalo yatang nagwala itong puso ko, sa tuwing nakikita ko yung mga mata niyang nakatitig sa akin. Lalo na't sinabi niya ng diretso na may gusto nga siya sa akin.

"Busog pa ako, sa bahay na lang" sabi ko. Magsasalita pa sana si Eros, pero biglang tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, ay nabigla ako ng makita ang pangalan ni Jayson doon.

"Hello? Napatawag ka?" Tanong ko sa kaniya

["Winny!"] sigaw ni Jayson mula sa kabilang linya, kaya nailayo ko sa tainga ko ang telepono.

"Jayson ano ba! Huwag ka ngang sumigaw! Mababasag ear drum ko sa iyo eh!" Singhal ko. Napatingin ako sa salamin, at halos magulantang ako ng nakatitig sa akin si Eros. Selosong palaka!

["haha! Sorry na. Na-excite lang kasi ako! Sa linggo ah, huwag kang mawawala sa birthday ni Ella!"]

"Oo naman ako pa ba mawawala! Friday pa lang ngayon 'wag kang atat!" Sabi ko. Ang kulit talaga nitong si Jayson kahit kailan. Kaya siguro nagkasundo kami dahil parehas kaming medyo maloko. Medyo lang talaga

["syempre. Miss na kita eh!"] nagulat ako sa sinabi niya. Pero tinawanan ko lang siya

"Hahahaha huwag mo sa akin sabihin iyan! Kay Ella!"

["bakit kay Ella? Kung ikaw ang gusto ko?"] pero mas nagulat ako ng mapansin kong medyo lumakas ang boses ni Jayson.

Nang tignan ko ang screen ng phone ko. SHIT! Hindi sadyang napindot ang loud speaker!

Napalingon ako kay Eros na ngayon ay salubong ang kilay at diretso ang tingin sa kalsada.

Napalunok ako, tsaka in-off ang loud speak. "Baliw ka Jayson! Sige babye!" Pagkasabi ko no'n ay agad ko ng binaba ang tawag.

Whew! Pakshet naman! Narinig kaya ni Eros yung sinabi ni Jayson? Honestly, wala naman akong paki kung narinig niya. Pero baka isipin ng mokong na to na malandi ako.

"Ang dami ko palang kalaban!" Unti-unti akong napalingon kay Eros, ang seryoso ng pagkasabi niya no'n. Teka bakit ako kinakabahan?

"Ha? Wala yun, gano'n lang talaga si Jayson, palabiro. Si Ella talaga ang gusto niya" sagot ko sa kaniya

"I know. You don't need to explain." Pormal niyang tugon. Oo nga naman Winter! Bakit ka nag-eexplain ha??!!!

Galit ba siya? Bakit naman siya magagalit? Bakit nga ba? Malamang dahil may gusto siya sa'yo Winter. Kaya ganon!

Nang makarating kami sa bahay namin ay hindi man lang siya nagsalita nung bumaba ako ng kotse niya, pinaharurot niya agad yung kotse niya. Ang moody naman ng isang yun. Kanina lang pinagtatanggol niya ako, ngayon siya na nang-aaway sa akin.

Hays! Nako bahala ka nga diyan Eros. Ano bang ginawa mo sa akin!

3rd Person's POV

Niyukom ko na lang ang kamao ko, ng makita ko kung gaano kumislap ang mga mata niya, habang magka-usap sila. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Halong galit, inis, selos at inggit.

Ako dapat ang nandiyan. Sa akin mo dapat binibigay ang mga tingin na iyan! Pero bakit ngayon iniwan mo ako! Sabi mo noon sa akin, tutulungan mo akong makalimot. Pero maski ikaw, umalis at iniwan ako!

Bakit hindi mo na lang ako ulit! Andito naman ako! Ako.... ako ang mahal mo diba!

Alam kong may dahilan kung bakit mo ito ginagawa, pero kahit anong gawin kong pagpapanggap na may motibo ka lang sa kaniya. Lalo lang akong nasasaktan dahil halata naman na totoo ang nararamdaman mo sa kaniya

Kung hindi ikaw ang lalayo sa kaniya... siya ang ilalayo sa iyo...

Lahat kaya kong gawin para sa'yo! Kahit pa mga kaibigan ko ay kaya kong hamakin!

Kung hindi mo kayang muling tanggapin ang pag-ibig ko, dahas ko ang matatanggap mo!

At siya! I make sure, mawawala siya!

Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon