Anim

1.6K 48 1
                                    


Kabanata 6

Jobert

Winter's POV

TW // Mention of death // Blood

"Tara na kasi! Gusto ko ng kumain ng kwek kwek!" Pagmamaktol ni Mitch

Kung siya gusto kumain ng kwek kwek. Ako gusto kainin si Eros. Ay joke lang yan mga sis!

Dapat ang iniisip ko ay yung date namin mamaya ni Jobert, pero si Eros ginugulo na naman yung utak ko. Paano ba naman kasi yung tinginan niya sa akin kanina, parang gusto niya kong kainin. Este sapakin. Ano bang ginawa ko sa kaniya? Bakit gano'n siya makatingin.

Samantalang kahapon sinabi niya pang I want you mine daw, tapos ngayon 'di niya ako kakausapin, tas titingin pa siya sa akin ng ganon. Peste siya, ibalik ko siya sa mount olympus eh kung san nakatira yung nanay niya.

"Winter"

Ginulo niya lang lalo yung utak ko dahil sa mga sinabi niya. Ayokong mag-assume na baka nga may gusto siya sa akin. Pero kasi bakit gano'n yung mga sinabi niya! Tapos ngayon dedma lang ako? Kalerki siya, tusukin ko mata niya e.

"WINTER SYMPHONY MONTENEGRO!" Napatalon ako sa gulat nung sabay na isigaw ni Mitch at Jenny yung pangalan ko.

"Ha? Ano ba 'yon? 'Di niyo naman kailangan sumigaw" tugon ko

"Eh kung 'di pa kami sisigaw, hindi ka pa matatauhan! Kanina ka pa namin tinatawag eh!" Inis na sabi ni Mitch

"Ah...hehe ano ba 'yon?"

"Gusto kasing kumain nitong si Mitch sa may tusok tusok. Sama ka?" Tanong ni Jenny

Hala sa tusok tusok daw! Patusok nga ng mata eros! Gusto kong sumama sa kanila, kasi simula nung bumalik ako dito sa pinas 'di pa ako ulit nakakakain non.

"Sorry, may lakad na ako mamaya after class eh." Sabi ko, totoo naman kasi diba? Inaya ako ni Jobert

"Ayon! Sabi niya kanina wala daw siyang ka-date! Pero ngayon meron na!"

"Oo nga HAHA kerengkeng ka ah"

Pang-aasar sa akin ni Jenny at Mitch. Ewan ko ba sa mga ito napaka talaga, akala mo naman sila wala, eh kung tutuusin mas marami silang natanggap sa akin

"Hoy mga bruha! Akala niyo naman kayo mga walang date!" Tugon ko sa kanila

"Wala kaya!" Sabi ni Jenny. Bigla namang umilaw yung light bulb sa ulo ko, hhmm asaran pala ah

"Ah so wala? Gusto mo sabihin ko kay Robert mamaya na—" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil tinakpan na naman ni Jenny yung bibig ko

Kapag talaga si Robert ang usapan, tumitiklop itong baklitang to e! Kapag talaga sa mga crush natin ang usapan natataranta tayo eh noh. Yung feeling na may gera ng bulate sa tiyan mo, tapos yung pisngi mo nag-iinit na lang bigla

"WINTER!" Pare-parehas kaming nagulantang kay Kelly na tumatakbo patungo sa pwesto namin. Kaya napatayo kami bigla.

"Oh? Kelly? Anong nangyari sa iyo haggard ka na girl" Tanong ni Mitch

Halatang tumakbo siya ng mabilis papunta dito, dahil hapong hapo siya. Lumakad siya papunta sa harap ko, sabay hawak sa mga balikat ko

"W-winter..." hingal na sabi niya, habang nakatitig sa mga mata ko "kanina pa kita hinahanap... huwag kang magugulat ah!"

"Bakit? Ano bang meron?" Tanong ko sa kaniya

"K-kasi Winter...." hindi niya maituloy yung sasabihin niya. Kasi punong puno siya ng kaba. Tinubuan na rin tuloy ako ng kaba sa dibdib dahil sa itsura niya.

"Ano ba kelly? Anong nangyari?" Takang tanong ko sa kaniya. Kahit kinakabahan ay tinapangan ko ang loob ko. Parang may mali

"Si...si Jobert....Winter si Jobert...wala na si Jobert!" Sigaw ni Kelly

Napatulala ako sa sinabi ni kelly. Parang nanuyo yung lalamunan ko. Anong?

"Anong sinasabi mo?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Naramdaman kong pumunta sa likuran ko sina Jenny at Mitch

"Wala na si Jobert! Nakita yung katawan niya sa restroom ng boys! Duguan siya! WINTER WALA NA SI JOBERT!" Inalog-slog niya ako

Tinabig ko yung mga kamay niya at tsaka tumawa, pero yung tawa ko ay pilit lang dahil sa kaba ng nararamdaman ko.

"Nagbibiro ka lang noh? S-siguro prank to! Imposible! Kanina lang inaya niya akong kakain daw kami mamaya!" Nanginginig na yung boses ko at uminit yung sulok ng mga mata ko

Umiling lang si Kelly "Winter.... wala na siya. Nasa restroom yung—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at agad ko nang tinakbo ang restroom ng boys. Shit! sabihin niyo naman na hindi yun totoo. Na prank lang 'to.

Narinig kong tinawag pa nila ako, pero hindi ko sila pinansin. Habang tumatakbo ako ay kasabay noon ang panlalamig ng aking katawan.

Napahinto ako bigla ng may nakita akong kumpulan ng mga estudyante sa tapat ng restroom ng boys. Mapalalaki o babae nakikisilip. Dahan dahan ako pumunta roon at napalunok na lang ako sa nakita ko

Si...Jobert!

Nakahandusay sa sahig at naliligo siya sa sarili niyang dugo. May hiwa siya sa leeg niya, at puro saksak sa iba't ibang parte ng katawan niya.

Napatakip ako sa bibig ko sa hitsura ni Jobert. Ano 'to! Anong nangyari sayo Jobert! Dahan dahan akong lumapit sa kaniya, yung mukha niya halos hindi na makilala dahil puro iyon pasa.

"Hoy jabe!" Sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Ang tanga ko lang pero gusto kong tawagin ang pangalan niya. Baka sakaling magising siya.

"Jobert! Sabi mo kakain tayo mamaya! Hoy jollibee! Sabi mo papatawanin mo pa ako! Bakit.... bakit iniwan mo ko!" Mangiyak-ngiyak na tugon ko.

Pakshet naman oh! Bakit naman Jobert! Sinubsob ko na lang yung mukha ko sa duguan niyang tiyan, ang sakit. Kahit ilang linggo pa lang kaming magkakilala, napalapit na siya sa akin. Kanina lang ang ganda ng ngiti niya sa akin. Ngayon... wala na siyang buhay...

Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko, at pag-angat ko ng mukha ko. Nakita ko si Eros na puno ng pag-aalala.

"Eros! Si Jobert!" Bumuhos na yung luha ko sa kaniya. Hindi ko na kaya

"Shit!" Pagmumura niya sabay yakap sa akin. "I'm sorry"

***

"Tingin namin, binugbog muna siya bago, tadtarin ng mga saksak sa katawan." Sabi ng police na dumating, para mag-imbistiga sa nangyari kay Jobert

"Sige po sir... susunod na lang daw po ang parents ni Mr. Jobert Marcos sa prisinto" seryong tugon ni Mr. Fernandez ang dean ng school namin.

Wala ng mas sasakit pa, kapag iniwan ka ng kaibigan mo. Pero mas masakit pala kapag alam mong iniwan ka na niya ng tuluyan. Mas okay pa kung nag-away lang kami eh, pero hindi wala na siya. Hindi na siya babalik dahil wala na talaga siya.

Kanina lang ang saya saya niya pang kausap ako. Kakain pa raw kami sa labas, pero wala na.

"Sino kaya may gawa niyan kay Jobert?"

"Oo nga. Kawawa naman siya"

"Crush ko pa naman siya"

Bulungan ng mga estudyante. Sino nga ba ang may gawa nito kay Jobert... bakit walang awa siyang pinatay. Posible kayang estudyante rin siya ng stanford? Mabait na tao naman si Jobert. Sinong demonyo ang gagawa nito sa kaniya

"Hey!" Napalingon ako kay Eros na ngayon ay puno pa rin ng pag-aalala ang mukha

"I remember the time, when we first meet" sabi ni Eros "He is the only, who talked to me, and he's my first ever true friend here.... but now he's gone!"

Tinignan ko si Eros na ngayon ay nangingilid ang luha.

"I know it's hard to lose a friend.... but I'm still here" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Yes. It's hard.... pero kaya ko nga ba? I know ang oa pakinggan, pero pakiramdam ko may kinalaman ako sa nangyari sa kaniya...



I want to find out who the hell killed Jobert

Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon