Labing-Tatlo

946 22 0
                                    

Kabanata 13

Paalam

Winter's POV

CW & TW //  Death

"Ella! Tama na..." Halos hindi ko na marinig ang sinasabi ng mga kaibigan ko sa akin, dahil tanging hagulgol lang ni Ella ang naririnig ko.

"Bakit! Bakit niya 'to ginawa?! Bakit siya!"

Napatakip na lang ako sa mukha ko at napahagulgol. Bakit nga ba siya? Wala siyang ibang pinakita sa amin kung hindi kabaitan, pero bakit?

Nagulantang ako ng biglang may humatak sa mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. Si Ella, at galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya.

"IKAW! IKAW ANG MALAS DITO, HINDI KA KARAPATDAPAT MAGKAROON NG KAIBIGAN!" Sigaw ni Ella sa akin.

"B-bakit ako?" Kabadong tanong ko, tumingin ako sa iba ko pang kaibigan pero nakatitig lang sila sa akin. Yung tingin na hinuhusgahan at kinamumuhian ka. Anong ginawa ko? Bakit ako? Wala akong kasalanan

"MALAS KA!!!" Sigaw nilang lahat

"MISS MONTENEGRO!!!"


Napadilat agad ang mga mata ko ng marinig ko ang sigaw ng prof ko sa tainga ko. Buset basag na ata eardrum ko.

"Day dreaming huh?" Tanong niya sabay taas ng kilay.

"S-sorry po, ma'am." Sabi ko

"Miss Montenegro, I understand that you're grieving now. Kung talagang hindi mo kaya edi sana hindi ka na lang  pumasok!" Sigaw niya

Akala ko ba naiintindihan niya? Tss mga tao talaga, hindi mo alam kung anong ibig ipahiwatig eh. Kunwari may paki, pero wala naman.

Nag-excuse ako sa klase at sinabing matutulog muna sa clinic, pero ang totoo gusto ko lang maglakad-lakad at mapag-isa. Yung panaginip na 'yun, totoong nangyari ang mga unang pangyayari, pero 'yung pinakahuli hindi. Bakit ganoon? Ano ang ibig sabihin no'n? Alam kong panaginip lang 'yon, pero bakit parang nanlalamig ang katawan ko.

Ibig bang ipahiwatig ng panaginip kong iyon na may kinalaman ako sa pagkawala niya? Napailing ako. Imposible, ano naman ang kinalaman ko? Ni-hindi ko nga alam ang buong pangyayari.

Totoo, wala na siya. Si Jayson, at sobrang kaming nasaktan nang araw na iyon, lalo na si Ella.

***

["Si Jayson kasi... Winter..."] nauutal na tugon ni Ella sa kabilang linya

"Ano ba Ella!" Sigaw ko

["WALA NA SI JAYSON! WINTER PUMUNTA KA DITO SA BAHAY NILA! KAILANGAN KITA—"]

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Ella at agad na akong sumakay sa kotse ni kuya at mabilis itong pinatakbo patungo kila Jayson. Bahala na kung hindi ako na nakapagpaalam kay kuya, maiintindihan niya naman ako. Sana.

Pagkadating ko sa bahay nila Jayson, ay agaw pansin na kaagad ang mga pulis at soco na nasa labas ng bahay nila. Agad akong kinabahan. Nandito na ako pero bakit parang wala akong ganang lumabas ng kotse.

Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pinto ng kotse, at pagkalabas na pagkalabas ko ay narinig ko ang iba't-ibang klase ng ingay. Pero isa lang ang nangingibabaw, ang pighati.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa bukana ng bahay nila Jayson, pero hindi agad ako naka-singit dahil sa dami ng mga pulis.

"Winter!" Sigaw ni Alice na kaibigan ko. Namamaga ang mga mata niya, halatang galing din siya sa pag-iyak.

"A-Alice? Anong nangyari? Na-nasaan si Ella?" Nauutal kong tanong

Hinawakan ni Alice ang kamay ko at hinila ako papunta sa bukana ng bahay nila Jayson. Kahit sobrang daming tao, nagawa naming makasingit.

Pagdating sa may pintuan ng bahay ay nakita ko si Ella na naka-upo sa lupa at humihikbi


Umupo ako sa tabi ni Ella at dinaluhan ko siya ng yakap. Tumingin sa akin si Ella sabay ngiti, at tumingin siya sa taas ng pintuan ng bahay nila Jayson.

Nagtaka ako kung bakit, kaya kahit naguguluhan ay sinundan ko ng tingin kung saan nakatuon ang mga mata niya.

"OH MY GOD!" Napatakip ako sa bibig ko ng makita kong nakabigti ang katawan ni Jayson. Nakabuka ang bibig niya at dilat ang mga mata niya, nagkulay ube na rin ang mukha niya.

Unting-unting dumaloy ang mainit na likido sa aking pisngi. Shit! Bakit. Bakit Jayson! Napahagulgol na lang din ako, hindi ko kayang tignan si Jayson. Ang sakit makita na ang pinakamamahal mong kaibigan ay nasa harapan mo, walang buhay.

Nilaksan ko ang loob ko at tumingin ako kay Ella na ngayon ay namumutla na kakaiyak.

"Ella! Tama na..." Halos hindi ko na marinig ang sinasabi ng mga kaibigan ko sa akin, dahil tanging hagulgol lang ni Ella ang naririnig ko.

"Bakit! Bakit niya 'to ginawa?! Bakit siya!"

Napatakip na lang ako sa mukha ko at napahagulgol. Bakit nga ba siya? Wala siyang ibang pinakita sa amin kung hindi kabaitan, pero bakit?

"H-hindi ko man lang nasabi sa kaniya, na noon pa man gustong-gusto ko na siya. Kahit sa huling sandali man lang, hindi ko siya nakasama. BAKIT! Bakit sa araw pa na ito kung kailang kaarawan ko!" Lumingon sa akin si Ella "Sabhin mo Winter! Malas ba ako? Malas ba ang araw ng kapanganakan ko!" Hagulgol ni Ella

Niyakap ko si Ella at hinagod ko ang buhok niya. Ganoon din ang ginawa ni Alice.

"Shhh, Ella tama na. Alam kong kahit hindi mo nasabi sa kaniya ang tunay mong nararamdaman, alam kong alam niya iyon. Dahil mahal ka din ni Jayson" sabi ko. Dahilan para mas lalong humagulgol si Ella.

Muli akong napatingin sa katawan ni Jayson na ngayon ay naibaba na ng mga soco sa pagkakabigti. Napahikbi ako. Noong nakaraan lang nagkausap kami, ang saya saya niya pa. Pero ngayon, wala na yung ngiti sa mga mukha niya.

Ang sakit sakit! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, ang alam ko lang ay sobrang pinipiga ang puso ko ng makita ko ang sitwasyon ni Jayson.

Paalam kaibigan ko...

Salamat sa lahat ng alaala...

Mananatili ka bilang isang magandang alaala, salamat sa aral na iyong iniwan sa amin. Salamat dahil sa kahit kaunting panahon na tayo'y naging magkaibigan, ay hindi mo ako binigo.

Salamat, mahal na mahal ka namin.

Hanggang sa muli... paalam kaibigan...









***

Featured song: Destiny (Tale of Nokdu Official background music)






Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon