Labing-walo

970 25 1
                                    

Kabanata 18

Truth

Winter's POV

"Blah...blah...blah..." halos wala na akong maintindihan sa mga sinasabi ng prof namin, dahil sa sobrang lutang ng isipan ko. Walang ibang pumapasok sa isip ko ngayon, kung hindi si Eros.

Nag-kiss kami kanina! And I can't believed it! Ang bilis ng pangyayari at hindi na ako nakaiwas. Parang may sariling utak ang mga labi ko at gumanti ako sa halik niya.

"Winter" tawag sa akin ni Jenny

"Yes?" Masayang tugon ko sa kaniya

Kumunot muna ang noo niya bago muling nagsalita "Mukhang masaya ka yata? Ano palang nangyari sa lakad niyo ni Eros? May nakuha ka bang information? May na-obserbahan ka ba?" Tuloy-tuloy na tanong niya

Napa-buntong hininga ako. Oo nga pala, kanina bago ako tuluyang sumama kay Eros, kinausap ako nitong si Jenny tungkol sa plano namin. Pero nung nakasama ko na si Eros, nawala na sa utak ko ang pakay ko. Hindi ko alam kung bakit, but I feel guilty sa tuwing pinaghihinalaan ko siya.

"Jenny, itigil na natin 'to" sabi ko sa kaniya

Sakto naman na nag ring na ang bell, meaning tapos na ang school hours.

"Anong ibig mong sabihin diyan?"

"Jenny, wala naman tayong sapat na proof, na si Eros nga ang nasa likod ng lahat ng ito. At isa pa, wala siyang ibang pinapakita at pinapadama sa'kin, kundi ang kung gaano niya ako kamahal" Totoo naman kasi, ayokong paghinalaan ang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.

"What? Are you falling in love for that man?" Seryosong tanong niya.

"I'm not falling for him... because I'm already in love with him, Jenny"

Pumakla ang itsura ni Jenny at hindi niya alam kung anong ekspresyon ang ibibigay niya sa akin.

"Winter, I'm warning you to stop that! Pero ang tigas ng ulo mo!"

"Jenny we don't have a proof—"

"We don't need a fucking proof Winter! All you need to do is to wake up and go see the truth to yourself!" Galit na sabi niya sabay labas ng classroom.

Naiwan naman akong nakatulala sa kawalan. Ano ba ang katotohanan? Sino ba ang paniniwalaan ko? Ang sarili kong assumption o ang sinasabi ni Jenny?

Oo... inaamin ko sa sarili kong may nabubuo rin akong pag-aalinlangan kay Eros, pero tanga na kung tanga dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kaniya.

Napag-isipan ko ng lumabas ng classroom dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa katahimikan. Pero napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang pamilyar na babae.

"Kim!" 'Di ko makapaniwalang tawag sa kaniya.
"Kailan ka pa nandito? I mean, sabi nawawala ka? Anong nangyari sa'yo"

Pero imbis na sumagot siya sa akin ay hinawakan niya ang wrist ko at hinila niya ako papunta sa abandonadong building ng Stanford. Napalinga-linga ako sa paligid at nanlamig ang katawan ko, dahil ngayon lang ako narating sa parteng ito ng stanford.

"Kim, saan mo ba ako dadalhin?"

Huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin, sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

"W-Winter... gusto ko pang mabuhay... please. Titigilan na kita pati si Jenny, but please let me live!" Tarantang sabi ni Kim sa akin.

For a moment tumitig ako kay Kim. Ibang-iba siya sa Kim na kilala ko, yung maldita at palaban. Pero ngayon puno ng takot at pangamba ang mga mata at ekspresyon niya. Napadako ang tingin ko katawan niya, at laking gulat ko ng mapansin kong may mga pasa siya.

Possessive ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon