Maingay ang lahat. May kaniya-kaniyang mundo. Walang lugar para sa mga estranghero.Hinanda ko ang gitara at isinabit ito sa kaliwang balikat bago lumabas at salubungin ang parehong senaryo. Bawat gabi ay tulad nito. Tila walang pinagbago.
Iilan lang ang lumingon—ang iba ay nagpatuloy. Inayos ko muna ang mikropono bago pa man maupo at pumikit bago umpisahang tumugtog.
"White lips, pale face," nakapikit ako at dinarama ang bawat salita sa liriko, "breathing in the snowflakes."
Nanatili lamang akong nakapikit at dumilat lang nang umabot na ako sa koro. At sa pagdilat kong iyon, nahuli ko ang pinakamalungkot na mga matang nakita ko.
"It's too cold outside for angels to fly, to fly, to fly... for angels to die."
Matapos tumugtog ay umalis na ako sa entablado. Nakuha ko na ang bayad. Tapos na ang trabaho ko dito.
Pag-uwi—ito na dapat ang sunod kong gawin ngunit tila ba may pumipigil sa aking mga paa na magpatuloy at nag-uudyok sa aking bumalik—nagtutulak patungo sa iisang direksiyon.
"Nag-iisa ka ata," nasabi ko na lang nang malapitan ko siya—ang babaeng may pinakamalungkot na pares ng mga mata.
Nilingon niya ako at tila ba naguguluhan sa biglaang paglapit ko.
"Anong pangalan mo? Ako si Mikael."
Isang ngiti ang kaniyang isinukli.
"Ako si Malaya."
BINABASA MO ANG
Broken Wings
General FictionIt's too cold outside... for angels to fly, for angels to die.