009

6 2 0
                                    


Isang taon ang nakalipas. Parehong lugar at parehong petsa sa parehong oras. Nangingiti kong sinulyapan ang buong lugar. Marami ang pinagbago. Sementado na at naayos ang dating malubak na kalsadang tinatahak ko noon pauwi.

Marami na ang nagbago ngunit hindi siya. Nanatili siya. Mananatili siya. Pinagpag ko ang nadumihang pantalon at nagdesisyong umalis—at tumungo sa lugar kung nasaan siya.

Ito ang tamang araw—muling pagtatagpo naming dalawa. Bago pa man dumiretso ay tumigil muna ako para kumuha ng mga bulaklak na ibibigay sa kaniya. Hindi maaaring wala akong dala.

Isang ngiti at pagpatak ng luha ang sinalubong ko nang makita ko siya. Inilabas ang mga bulaklak at iniabot sa kaniya.

"Luningning. Malapit na."

Broken WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon