Ikapitong araw— huling araw ng linggo—huling araw na makikita ko si Aya.Saksi ang sinagtala sa pangakong binitiwan ko sa kaniya. Wala na akong kawala.
Mabibilis ang mga hakbang ko papasok—kipkip ang kwadernong naglalaman ng mga tula habang nakasukbit ang gitara sa kaliwang balikat.
Isang ngiti at pinapasok. Isang tango at tumaas. Malapit na, Aya. Maghintay ka lamang.
Madali kong narating ang paroroonan at nakaharap ang isang lalaking nakasuot ng polo at kurbata.
Nakatayo niya akong sinalubong at pinaupo nang simulang kausapin.
"When should we start recording? Should we name it after you?"
"But I want to name it to something else—to someone else."
Ngiti ang isinukli kasabay ng pagtango.
"What name should we use, then?"
"Aya. Aya Sinagtala."
BINABASA MO ANG
Broken Wings
General FictionIt's too cold outside... for angels to fly, for angels to die.