002

17 4 0
                                    


Tulad ng mga nakaraang gabi, naririto akong muli upang tumugtog. Hindi ko mawari ngunit hindi tulad ng mga gabing nagdaan, nasasabik akong tumugtog.

Pamilyar na gabi ngunit hindi na eksena. Bago pa man lumabas ay sinubukan ko nang hanapin ang mga matang iyon—ngunit bigo ako.

Alas diyes ng gabi—ang pinakamaaga kong uwi para sa linggong ito. Iilan na lamang ang mga sasakyan.

Tahimik akong naglalakad nang may mapansin akong naging sanhi ng aking paghinto.

Isang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida ang walang malay na nakahandusay sa kalsada. Ilang beses pa akong napalinga sa paligid. Kaming dalawa lamang ang tao.

Dahan-dahan ang habang palapit habang kabaliktaran ang tahip ng dibdib. Nang lubusan akong makalapit, saka ko lamang napagtanto kung sino siya.

"Aya."

Broken WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon