"Wala na siya."Nang gabing iyon ay umulan. Tila ba maging langit ay nakikisimpatya sa pinagdadaanan niya ngayon.
Wala nang tumulong luha—maging emosyon ay blangko na. Hindi ako nagsalita at hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay na yakap ang sarili. Doon siya napatingin sa akin at bahagyang napangiti.
"Kumakanta ka hindi ba?"
Naguguluhan man ay tumango ako bilang sagot.
"Maaari bang mangako ka sa akin, Mikael?"
Nangungusap ang malungkot niyang mga matang nakatitig sa akin.
"Ano iyon," halos hindi ko makilala ang sariling boses nang bigkasin ko ang mga salita.
"Nakita mo, hindi ba?"
"Malaya."

BINABASA MO ANG
Broken Wings
Fiksi UmumIt's too cold outside... for angels to fly, for angels to die.